Prologue
"Mama! Huwag mo kong iwan! Mama! Huwag mo kong iwan! Please, mama magiging good boy na ako hindi ko na papahirapan si yaya! Mama, please huwag ka pong umalis." Iyak ng batang lalaki habang hinahabol ang kanyang mama na nakasakay sa stretcher ng ospital.
"Hijo, hali ka sa chapel. Ipagpepray natin dun si mama mo." Tawag ng kanyang Yaya Ading sakanya.
"Hindi! Ayaw ko! Dito lang ako. Hihintayin ko si mama hanggang sa lumabas siya sa kwarto na 'yan." Sabay turo ng batang lalaki sa pintuan ng operating room kung nasaan ngayon ang kanyang mama.
"Pero hijo---." Di na natapos ni Yaya Ading ang kanyang sasabihin dahil biglang tumakbo ang batang lalaki papalayo sa kanya.
Takbo lang siya nang takbo. At patuloy sa pag-sasalita ng kung ano ano.
"Hindi ako iiwan ni mama. Hindi. Hindi. Hin---aray!" Ungot nung batang lalaki nang may nabangga siyang isang batang babae.
"Oy bata! Masakit 'yun ah!" Sigaw nung batang babae.
Ngunit hindi ito pinansin ng batang lalaki at patuloy pa din ito sa pagtakbo.
"Oy! Oy! Bumalik ka dito! Oy! Argh! Kajirits naman o!" Pumapadyak at sinasabunutan pa nang batang babae ang kanyang buhok dahil sa inis.
Hahayaan na lang sana ng batang babae nang may napansin siyang kwintas na parang locket. Pinulot niya 'yun at nalaman niyang sa batang lalaki iyon dahil may picture sa loob ng heart nito.
Kaya wala na siyang nagawa kundi hanapin ang batang lalaki. Nilibot niya na lahat ngunit hindi niya pa rin ito nakikita.
"Hmmm... isang lugar na lang ang hindi ko na pupuntahan... Aha!" Nagmistulang parang may bumbilyang umiilaw ilaw sa ibabaw ng ulo ng bata. Agad itong tumakbo sa rooftop nang ospital at hindi nga siya nagkamali. Nandun ang batang lalaki.
"Oy bata!" Ngunit 'di siya nito pinansin.
"Oy! Halloooo. Are you there?" Sabi ulit ng batang babae.
"Ah ganun ah? Di mo ako papansinin?" Agad na ginulo ng batang babae ang kanyang buhok at kumuha ng pulbos sa kanyang bag at binuhos ito sa mukha niya.
"Awooo~ Ako si Chararat~ Sumama ka sakin~ Dadalhin kita sa Chumerereng~ Awoooo~" Agad siyang hinarap ng batang lalaki.
"Yes! Sa wakas! Napansin mo din ako! Yeah! Yeah! Yeah! Yeeeesss!" Sigaw ng bata habang tumatalon talon.
"Ang ingay mo babae!" Sigaw ng batang lalaki sa batang babae.
"Ay? Highblood ka masyado. Nandito lang naman ako kasi may isosoli ako sayo. Oh!" Sabay bigay ng locket sa batang lalaki.
Agad naman itong kinuha ng batang lalaki at tinalikuran.
"Ay, 'wag ganon bata. Wala man lang bang thank you?" Nakapamewang sabi ng batang babae.
Dahil sa sinabi ng batang babae hinarap siya nito. "S-Salamat." Nakayukong sabi ng batang lalaki.
"Walang anuman bata. Teka! Mama mo ba yung nasa kasama mo sa picture diyan? Ang ganda niya!" Masayang saad ng batang babae.
Biglang natigilan ang batang lalaki at napahagulhol ito sa iyak.
Nataranta bigla ang batang babae dahil sa kinilos ng batang lalaki.
"O-oy! Bata, uy! Bakit ka umiiyak? Uy! Wala naman akong ginawang mali eh. Binanggit ko lang naman ang mama mo ah?" At dahil dun mas lalong umiyak ang batang lalaki.
Kaya dahil sa sobrang taranta wala na siyang nagawa kundi yakapin ang batang lalaki.
"Nako bata, wag ka nang umiyak ah? Kung ano man iyang problema mo pray ka lang nang pray kay God ah?" Sabi ng batang babae at pinunasan niya ang luha ng batang lalaki gamit ang sariling panyo nito.
"Hala! Baka umalis na sina ate ko, bata alis na ako ah? Oh, sayo na lang 'yang panyo ko. Ingatan mo ah? Bye!" Nakangiting paalam ng batang babae.
Nang tuluyan ng maka alis ang batang babae tinignan niya ang panyo nito. May nakaburdang initials dun na D.F.