The Second Time Chapter Thirty-one : Letter

215 11 1
                                    

-Daniel's POV-

"You," she said, staring hard at me, "You're Joe?"

I ended the call and sighed, "I don't know where to start."

"Then forget it!" she seem mad. "Tapos na ako dito. It's over!" I looked at her as she ran away. Masakit, pero alam ko magiging mas malala kung hahabulin ko pa siya. Ayaw na niya, sino ba naman ako para pigilan siya?

Joanna followed her, pero bago pa man siya tuluyan umalis, sabi niya, "Kung mahal mo talaga siya, patunayan mo."


Nung gabing iyon, hindi ako makatulog. Palaging si Denise ang nasa isip ko. Yung luha niya, yung boses niya. Ang mga mata niya. Ang ngiti niya. Baliw na nga siguro ako sa kanya.


Kung mahal mo talaga siya, patunayan mo.


Kumuha ako ng isang papel at ballpen. At dahan-dahan, sinulat ko lahat ng nais kong sabihin kay Denise.

Denise,

Una palang kita nakita aaminin ko nakuha mo na ang attention ko. Ikaw ang aking tagahanga na napaka tapang at matapat sa sariling nararamdaman. Kahit hindi ka man maniwala, nagandahan na ako sa'yo noon pa. Kaya hinanap kita. Sakto naman na nakasalubong ko ang pinsan ko na si Robert sa isang show. Nasabi niya sa akin na may dati siyang nililigawan na super fan ko daw. It turns out ikaw yun. Dun kita nahanap. Dun ako nagdesisyon na pumasok sa school mo. Pasensya na marami akong nasabi sa'yo na hindi totoo tulad ng pagkagusto ko kay Claire. Hindi siya ang gusto ko, ikaw lang ang gusto ko.


Alam ni Claire lahat. Alam din niya na ang tawag sa akin ng pamilya ko sa bahay ay Joe. Kaya siya ang nagpasimuno ng secret admirer mo. Gusto niyang mapaamin ako sa nararamdaman ko sa'yo. Matagal ko rin hinanap ang Joe na yan. And believe me, I am as shocked as you are. Nung nasa New York ako, nalaman kong si Robert  ang sikretong nagbibigay ng sulat ang nagtetext sa'yo dahil inamin ni Claire.The phone na pinakita ko sa'yo, kay Robert yun. I wanted to explain. Gustong-gusto ko din sabihin sa'yo ang matagal ko ng tinatago, mahal  kita . Sana makipagkita ka sa akin para makausap ka muli. Mababaliw na ako kasi nami miss kita. Mami miss kita.

Aalis kasi ulit ako sa susunod na linggo. Pinababalik ako ng papa sa New York. Pero pangako ko sa'yo babalikan kita. Hindi ka mawawala sa isip ko kahit anong mangyari. At gusto kong tandaan mo na ikaw lang ang laman ng puso ko.

Nagmamahal,

Daniel.


 

Sana lang mabasa niya ang sulat. 

Sabihin niya lang na huwag ako aalis, hindi ako aalis.


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

The Second Time (Inspired by SueNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon