Chapter Seven

3 0 0
                                    

     Ilang araw na pala silang hindi nag-uusap ni Matt. Minabuti nyang huwag munang makipag komunikasyon sa ngayon dahil gusto nya munang magpalamig. Hindi sya galit kay Matt. Feeling nya lang ay kilangan ng space sa pagitan nila. May balak naman syang kausapin ulit ito pero hindi nya pa alam kung kailan. Hindi naman ito nawawaglit sa isip nya at halos araw araw rin itong tumatakbo sa utak nya. Minsan gusto nyang kumustahin pero mas minabuti nya na tumahimik muna.

"Girl!tulaley tayo ahh? Okay ka lang?" Sabi pa ni Bella sabay tapik sa braso nya.
"Ahh? Oo,bakit?"mahinang sabi ni Gianna habang kinukuha ang kape na nasa harap nya. Niyaya kasi sya ng kaibigan nya sa isang coffee shop.
"Kanina pa kaya ako nagkukwento dito! Ni ha ni ho wala akong narinig sayo. Ni tango hindi mo magawa"
"Sorry"
"Okay ka lang ba talaga?"
"Oo naman" napangiwi lang sya sa kausap.
"You know what girl? Your eyes can't lie. So ano ang problema?"sambit ni Bella habang dinuduro ito ng tinidor habang kumakain ng cake.
Bumuntong hininga muna sya bago magsalita.
"Si Matt..."
"Anong nangyari?"
"Nagkaroon kami ng misunderstanding last week pa. Hanggang ngayon hindi pa kami nakakapag usap ulit"
"Really? Ganon katagal? Tungkol saan?"
"Nakilala ko kasi sa isang gathering yung Brittany. Na syang ex fiance pala ni Matt. Ewan ko pero parang nanliit ako eh. Pakiramdam ko hindi ko kaya makipag kumpetensya sa kanya. Pero ramdam ko naman na gusto ako ni Matt at gusto ko rin sya"
"Uhh mahirap nga yan. Pero past na sya! Ikaw ang present may laban ka parin!"
"Kahit na ang hirap. Kung makita mo lang kasi yun napaka walang wala ko"
"Ano ka ba! Beauty pageant ba to girl? Hindi mo kailangan mangamba kung talagang mahal ka nya. Tsaka umpisahan mo nang kausapin sya bago pa mahuli ang lahat"
Napaisip naman si Gianna sa sinabi ng kaibigan kaya naman napag desisyunan nyang puntahan si Matt sa hospital nito. Agad syang tumayo at kinuha ang gamit.
"Oh teka san ka pupunta?"tanong ni Bella ng makitang nagmamadali syang tumayo.
"Sa hospital. Pupuntahan si Matt. Tatawagan ko na lang si Angie para samahan ka dito"
"Osige,ingat"
Matapos magpaalam ay umalis na sya at pumara ng taxi.

Hindi naman ganoon kalayo ang hospital mula doon kaya naman nakarating agad si Gianna. Matapos magbayad sa driver ay bumaba na sya at pumasok sa loob ng hospital. Dumiretso sya sa front desk.
"Excuse me,pwedeng matanong kung nasaan si Dr.Matt Alonte?" tanong nya sa babaeng nasa front desk na nilingon naman sya.
"Yes po,2nd floor po"
"Ahh thanks"
Nagmadali syang pumunta sa elevator at sumakay. Bumaba sya sa second floor at hinanap doon ang room ni Matt. Nakita nya ang mga buntis na babae sa isang room kaya naman doon sya pumasok. May isang babae na nakapang nurse ang nasa gilid at kinausap nya iyon upang makapagtanong.
"Ahmm miss. Nasaan si Dr.Alonte?"
"Nasa loob po may inaasikasong pasyente. Upo muna po kayo. Pasyente din po ba kayo ni Doc?"
"Ahh hindi. Pakisabi hinahanap sya ni Gianna"
"Ahh sige po. Upo muna po kayo"
Umupo sya sa isang bakanteng upuan. Nakatabi nya ang isang pasyente ni Matt. Mukhang may edad na ito pero buntis.
"Magpapa check up ka din?" napalingon si Gianna dahil kinausap sya ng babaeng katabi nya.
"Ahh hindi po. May kailangan lang po ako kay Dr.Alonte"
"Ganun ba? Akala ko buntis ka rin"
"Hindi po"
"Pero may anak ka na?"
"Wala pa po"
"Ilang taon ka na ba?"
"Magte thirty na po" sagot na nakangiwi pa.
"Oh matanda ka na pala. Wala ka paring plano?"
"Meron naman po. Kaya lang..."
"Walang nagkakamali?"tumawa tawa pa ito. Hindi nya alam kung mai insulto sya. Pero syempre hindi nya nalang pinansin iyon.
"Ahh opo parang ganun na nga po"
"Alam mo wag ka mawalan ng pag-asa ha? Kagaya ko sa edad kong 38 ngayon palang ako nabuntis at magkakaanak"
Nagulat naman sya sa sinabi nito. At medyo kuminang ang mata nya dahil sa isip isip nya'y may pag-asa pa talaga sya.
"Talaga po?"
"Oo akala ko nga tatanda na kong dalaga. Pero medyo na late lang pala haha"
Napangiti nalang si Gianna at bigla namang may isang binatang lalaki na sa tantsa nya ay nasa edad 25 ang pumasok sa loob. At biglang lumapit sa kanila.
"Kapatid nyo pong bunso?" Sabi pa ni Gianna na ang tinutukoy ay ang lalaki.
"Hindi,sya ang asawa ko" nakangiting sagot ng babae. Sabay halik sa kanya ang lalaki at ngumiti rin sa kanya.
"Ahh" napangiti na lang din si Gianna sa nalaman.
Masyadong bata ang lalaki kumpara sa babaeng noo'y katabi nya at napansin nyang nagsitinginan ang mga tao sa loob ng lugar na iyon. Ganyan ba talaga ka big deal sa mga tao ang ganyang bagay. Pero di ko sila masisisi dahil ako mismo ay nagulat pero wala ako sa lugar para manghusga kaya hinayaan ko na lang. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumabas ang babae na nakausap ni Gianna kanina.
"Ms.Gianna,pasok daw po kayo sa loob" tumango naman si Gianna at agad na tumayo. Medyo kinakabahan sya dahil matagal din silang hindi nagkakausap ni Matt. Hindi nya alam kung anong sasabihin nya dito.
Pagbukas nya ng pinto ay dahan dahan syang pumasok at nakita nya si Matt na nakasalamin at may isinusulat sa table nito.
"Ahmm hi"bati nya sabay kaway. Napangiti pa sya ng bahagya.
Napalingon naman ito sa kanya at ngumiti din kaya naman medyo naibsan ang kaba nya.
"Nice to see you"
"Ahh ako din"
"You didn't answer your phone"
"Ahh kase ano..."
"I'll understand. Tatapusin ko lang ang trabaho ko. Wait me outside kung okay lang sayo"
"A-ahh okay lang sige"
Agad naman syang lumabas at pumwesto na lang sa labas ng kwartong iyon. Ilang minuto din syang naghintay at medyo nilalamig sya dahil sa suot nyang sleeveless na dress. Maya maya pa'y nagsisilabasan na ang mga pasyente na kanina'y nasa loob.
"Nandyan ka parin pala. Alis na kami ng asawa ko ha?" sambit pa ng babae na nakausap nya kanina. Tumango sya at ngumiti na lamang. Hanggang sa may lalaking naka doctor suit ang lumabas ng kwarto.
"Sorry kung pinag-intay kita. Marami kasi akong pasyente kapag ganitong araw"
"Okay lang" bigla naman syang tumayo at sinalubong si Matt na ngayo'y palapit sa kanya.
"Tara sabay tayo mag lunch,treat ko"
"No,ako naman! Gusto mo pagluto kita?"
"Sa bahay mo?"tanong pa ni Matt.
"Oo,ayaw mo ba?"
"Gusto. Grocery muna tayo" sabi pa ng binata sabay hawak sa kamay ng dalaga.
"Nilalamig ka ba?"
"Oo,ang lakas ng aircon eh"
"Naka sleeveless na dress ka kase. Talagang lalamigin ka"
Hinawakan nito ang kabilang braso nya na parang akbay akbay na ikinagulat naman ng dalaga.
"Anong ginagawa mo?"
"Body heat,para maibsan yung lamig"
"Nangcha chancing ka lang eh!"
"Hindi ah"tatawa tawang sabi ni Matt habang nakaakbay parin kay Gianna. Pasakay na sila ng elevator ng makita kung sino ang nasa loob noon. Si Brittany.
Tinignan ni Gianna si Matt at halos walang ekspresyon ang mukha nito na nakaakbay parin sa kanya. Yumuko na lang si Gianna at hindi na pinansin.
"Good to see you again"pambabasag ni Brittany sa katahimikan sa loob ng elevator. Napatingin ako at nalaman kong ako pala tinutukoy nya kaya naman ngumiti ako sa kanya at..
"Good to see you din"
"Maglalunch kayo?" tanong pa nito sabay baling ng tingin kay Matt na hindi parin natingin sa kanya.
"Yeah,ipagluluto ako ni Gianna"
Casual na sagot ni Matt.
"Really? Is she good at cooking? Alam mo Gianna paborito nya ang beef steak na may malalaking onion. You should cook it for him"sabi pa nito.
"Ahh ganun ba? Si--"
"Its her favorite not mine" sagot ni Matt.
"Ayy oo nga pala. Kinakain mo lang yun kapag ako ang nagluluto"
Natahimik na lamang si Gianna at hindi na sumagot pa. Medyo nabigat na ang atmosphere sa loob ng elevator.
*ting*
Nakahinga sya ng maluwag ng makababa na silang dalawa ni Matt.
"Bye Matt" sabi pa ni Brittany bago mag part ways ang dalawa.
Tumango lamang si Matt at dumiretso na sila sa kotse nito.
Pagkapasok nila ng sasakyan ay narinig ni Gianna na bumuntong hininga si Matt. Sa isip isip nya ay may epekto parin si Brittany dito. At hindi nya na balak na tanungin pa ito. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan.

Does Age Matter?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon