Spell ASA!
A-S-A
Tatlong letra lang na salita pero mauubos siguro lahat ng integers sa buong mundo sa dami ng sakit na maidudulot nito especially kung umaasa ka lang pala sa wala
Minsan kung natamaan ka sa salitang 'to ang tatlong letra ay nagiging pangalan mo
Pero di ba minsan libre namang umasa pero dahan-dahan lang at baka di mo alam may bayad na
"Ano?! Akala mo hahalikan kita? Spell ASA! HAHAHHAHA!"
"Sinong nagsabing maganda ka? Spell ASA!!"
"Akala mo naman ikaw yung pinagluto! Spell ASA!!!"
Ilang lang yan sa mga linyang sinabi niya sa'kin pag nahuhuli niya akong umaasa sa mga bagay na imposebleng mangyari
Pero 'di naman masamang umasa di ba?
"Jme (pronounced as Jem) bakit ganyan ang spelling ng pangalan mo? ang weird" tanong ng kakalase kong si Lua
Nag-smile ako sa kanya "Para daw unique ang name sabi ni Mama"
"Sus! Sabi sakin ni Tita nilagay niya lang ang maisip niyang letters sa birth certificate mo dahil tinatamad siya! Pa-unique-unique ka pa diyan! Spell ASA!!!"
yan na naman siya!
hindi na ba talaga mawawala ang linyang yan?!
"Unique kaya yun!" sigaw ko sa kanya
"Sigurado ka?! Wag kang umasa dahil wala ka namang mapapala! HAHAHHA!!!"
kinuyom ko ang kamay ko
makatawa lang wagas!?
Parang walang bukas lang eh!
Alam ko namang anak lang ako nila sa labas nina Papa at Mama eh kaya wala akong halaga sa kanila pero di ba pedeng mag-ilusyon na kahit sa pangalan mo lang ay pinagtuunan din nila ng pansin?!
Buwiset talaga ang lalakeng to!
"siguro nung nagpaulan ng pag-asa ng Diyos sinalo mo lahat! Asa ka kasi ng asa wala namang nagyayari !" yun yung sinabi niya bago umalis ng classroom
That guy was Blue Montereal
A childhood enemy
And my fiance
Arranged marriage yung nangyari. Ano pa ba?
Pinangbayad utang ako ni papa sa dad ni Blue which is his business partner
Ano pa nga ba ang silbi ko?
pero kahit ganun, ayokong magemo-emo tulad ng iba diyan
hindi bagay sakin
kaya ako i'm always in dreamland kay masaya palagi
Buwiset nga lang at sinisira ng Blue na yun yung dreamland ko at ginagawang Land of Nightmares!
Pero alam nyo ba, crush ko yun. Shh lang ha? Kahit ganun kasi yun mabuti rin naman kalooban niya. minsan nga inanu niya ako........ ano nga ba?.........hmmm????
Ah basta! Mabait siya!!!........
.....sa ibang tao, sakin lang talaga hindi (CRUEL!!) pero okay lang
Mabuti na yun! Less complications...
Ai ano ba yan?! Napahaba yung kwento ko! tama na sa drama!
BINABASA MO ANG
Spell ASA! (one-shot)
Romancemasama bang umasa? Hindi di ba? Pero masakit pag umaasa ka lang sa wala.....