HIS Side of Story #14

159 5 5
                                    

Chapter 14

At doon natapos ang lahat. Hindi ko na amin kay Frina lahat ng gusto kong sabihin nung graduation. Ang loser ko naman kasi.

Nung nagkacollege. .

Nawalan na kami ng communication. Kumuha sya ng Creative Writing sa Twi U.

Ako naman sa ibang University pumasok pero nung 2nd semester nung First year kami, nag transfer rin ako sa Twi U. Gusto kasi ni Mama isang University lang kami ni Shie. If I know, gusto lang nya kaming mabantayan. Ninang kasi namin yung University President, si Tita Teoticia. Si Mama talaga, over protective.

Nagkakasalubong naman kami ni Frina pero hindi talaga kami nagpapansinan. Ewan ba. Mula noon hindi na ako nainvolve sa kanino pang babae. Ayoko na.

May 13, 2010

Birthday ngayon ng bully na si Chrissy. Pilit akong sinasama ni Shiela sa party. Ayokong sumama dahil tinatamad ako. Minabuti ko na lang na magbasketball.

Kagagaling ko lang nun sa court ng mapadaan ako sa bahay nina Frina. Nakaupo sya sa tapat ng gate nila. Nakayuko at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang drama.

She’s wearing a yellow cocktail dress. She looked like a ripe lemon. I walked near her..

“Frina,” I called to make sure that it was really her.

She raised her head slowly, “Blue?” she asked.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya sabay upo sa sidewalk malapit sa kanya. “May upuan naman siguro sa loob ng bahay nyo di  ba? Ba’t dito mo pa napiling mag-emote?”

Her expression was still. Ano kayang pinagdaraanan nito?

Sabay ewan kung anong nangyari.. Bigla-bigla na lang ay umiyak sya ng pagkalakas-lakas. Yung tipong yung eardrums ko parang bibigay na.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah.” Ngawa nya.

Tinola. Ano ba ‘to? Wala naman akong ginagawa ha? May galit pa rin ba ‘to sa akin? Lechugas. Wala pa nga akong ginagawa e. Masama na magtanong? Pffft.

“Hala..” gulat akong napatingin sa kanya. “Hoy Zafrina. Tumigil ka nga!” utos ko sa kanya.

Nakakahiya na e. Alam mo yun? Yung lahat ng taong napapadaan nakatingin na sa amin? Parang ang dating kasi ako may kasalanan ng kakangawa ng amazonang ‘to! E wala na rin namang ibang pagbibintangan pa. Kami lang kaya ang tao dito.

“Okay.. Okay lang po sya!” pag explain ko sa mga dumadaan sa amin.

Lanya. Kahit kelan ang hilig talagang gumawa ng eksena. Sya nga si Frina.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa babaeng ‘to. Tumayo na ako para sana iwan sya pero biglang dumating si Kuya Paul.. Kababata namin.

“Blue. Break na kayo ni Frina?” tanong nya.

 “BREAK?!” tanong ko sabay lipat ng tingin mula kay Kuya Paul patungon sa umiiyak na si Frina.

My jaw dropped. Ano raw? Kami? Nitong baliw na ‘to?

“Hoy Kuya! Hindi nga naging kami nya. Hindi ko sya gusto..”

Pagkasabi ko nun hindi ko inasahan na mas lalakasan pa ni Frina ang ngawa nya.

“Ayoko naaaaaaaa. Ayoko na mabuhay.” Iyak nya sabay punas kunwari ng luha nya. Actress talaga. Wala naman kasing luha na tumutulo mula sa mata nya. Tsk.

Ayan tuloy. Mukhang mas hindi na convince si Kuya Paul sa dinedeny ko.

“Ano ka ba naman Blue? Ngayon mo pa ba iiwan si Frina kung kalian 13 years na kayong magkasama? Hindi na nga kayang mabuhay na wala ka. E paano na lang kung magcommit yan ng suicide? Sinong mawawalan? Ikaw rin..” tumingin si Kuya kay Frina saka napailing. “Oh sige Blue. Mauna na ako. Frina, tama na yan. Ayusin nyo ‘to. Sayang love story niyo..” sabay exit ni Kuya.

Blue's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon