Marami sa atin may kanya-kanyang kahulugan pagdating sa pag-ibig. Sa dami nga ng mga ito hindi na natin malaman kung ano ba talaga yung eksaktong kahulugan nito.
May mga nakapag-sabi na ang pag-ibig daw ay parang sa text. Kahit ilang ulit ka pang mag-send kung ayaw niyang mag-reply wala kang marereceive.
Ang pag-ibig daw ay parang imburnal. Nakakatakot mahulog. At kapag nahulog ka its either by accident or sadyang t*ng* ka lang talaga.
Ang pag-ibig daw parang sugal. Minsan talo,minsan panalo. Pero alam mo ung mas masakit na part dun? Yun ung nakita mong panalo ka na sana pero hindi ka tumaya.
Minsan ang pag-ibig parang pag-aayos nang necktie. Kapag hindi ka marunong sa una, mabubuhol-buhol ito. Kaya dapat matuto kang magsimula ulit sa una at itama ang lahat nang natutunan mo.
Korni man pakinggan pero may kanya kanya talaga tayong depinisyon ng pag-ibig na yan. Mahihirapan ka pero matututo kang lumaban. Madadapa ka pero matututo kang tumayo. Mapapagod ka pero hindi ka susuko. Matatakot ka pero kailangan mong sumubok. At masasaktan ka pero kailangan mong matututong magbago.
Ang pinaka-tumatak na kahulugan nang pag-ibig sa akin yung turo sakin ng nanay ko. Na ang Love daw ay everything." If you have love in everything, in everyone in this world. All of the things in life is easy and facile for you " nagets niyo yung sinabi ni mama? Na kung lalagyan mo nang pag-ibig ang lahat nang ginagawa mo madali para sayo ang lahat. Madaling magsakripisyo. Madaling sumugal. Madali ang lahat.
