Stolen

7 1 0
                                    

Tuwing recess namin, palagi akong pumupunta sa main canteen. Kung saan palagi siyang nandoon.

Kasama ang mga kabarkada niya na sobrang ingay at walang ginawa kundi magtawanan.

Palagi siyang may hawak na camera, ang balita ko ay gusto niyang maging sikat na photographer.

Habang ako ay nagbabasa ng libro ko ay palihim akong sumusulyap sa kanya.

Naalala ko pa ang una naming pagkikita. Dala ko ang mga libro ko at nagmamadaling mag recess dahil may gagawin pa ako sa library.

Papunta na ako sa upuan ko nun sa canteen bitbit ang binili kong pagkain nang magkabunggo tayo at natapon ang mga binili kong pagkain at nahulog ang iba kong libro.

Ang akala ko ay parehas ka nang iba na sasabihan akong 'tanga' at 'hindi tumitingin sa dinadaanan'

Pero nagulat ako ng tinulungan mo ako at ginamit mo pa ang panyo mo sa pagpunas ng uniporme ko dahil sa natapon na pagkain.

Inabot mo sakin ang libro ko at sinabihan na mag ingat na ako sa susunod.

Nginitian mo ako, dahil sa ngiti mo, napatulala ako. Nagulat ako dahil sa isang flash ng camera.

Hindi ko namalayan na kinunan mo na pala ako ng picture. Tiningnan mo ito at ngumiti ka at sinabihan mo akong cute ako.

Simula ng makilala kita. Hindi kana mawala sa isipan ko. Palagi kitang kinukunan ng picture.

At sa gabi, bago ako matulog, ay tinitingnan ko ang mga stolen shots mo sa cellphone ko.

Palagi mo akong nginingitian sa tuwing magtama ang mga mata natin. Ang saya saya ko sa tuwing ginagawa mo yun. Pakiramdam ko, natutupad ang mga pangarap ko.

Pero dumating ang mgabaraw na  hindi mo na ako nginingitian, na parang hindi mo lang ako kilala.

Nginingitian kita pero parang denededma mo ako. Hindi ko alam kung bakit biglang naging iba ang pakikitungo mo sakin.

Inisip ko na baka sinusubukan mo lang maging mabait ng magkabungguan tayo kaya mo nagawa yun..

Lumipas ang mga araw at nagdesisyon akong umamin ng nararamdaman ko para sayo.

Nasa canteen na ako nun pero nagtaka ako ng hindi kita nakita at tanging mga kabarkada mo lang ang nakita ko.

Inisip ko na baka absent ka nung araw na yun kaya nagdesisyon akong sa susunod na araw na lang.

Pero dumaan ang maraming araw na hindi na kita nakikita sa canteen. Nagtataka na ako kung bakit hindi na kita nakikita.

Dahil sa labis na pagkamiss ko sayo ay palagi akong umiiyak sa gabi habang nakatingin sa mga stolen shots mo sa cellphone ko.

Miss na miss na kita.

Isang araw, habang nagbabasa ako ng libro ko sa canteen ay lumapit ang isa sa mga kabarkada mo, may binigay siyang puting envelope sakin.

Nagtanong ako kung para saan yun at kung ano yun pero ang tanging nakuha kong sagot ay tingnan ko na lang daw ang loob.

Hindi ko agad itong binuksan dahil parang ang sama ng kutob ko.

Nasa bahay na ako nang kinuha ko ulit ang envelope at nakatulala pa ako dito ng ilang minuto.

Napagdesisiyonan ko ring buksan ang envelope. May puting papel dito at may mga litrato.

Kinuha ko muna ang sulat at binasa ko ito.

Canteen Girl,

          
               Alam mo bang unang kita ko palang sa'yo ay nakuha mo na ang puso ko. Una kitang nakita sa library kung saan nagbabasa ka ng libro. Ang ganda mo habang nagbabasa. Kinuha ko ang camera ko at palihim kang kinunan ng litrato. Simula nun, palagi na kitang nakikita. Pati na rin sa tambayan namin sa canteen. Palagi kitang kinukunan ng picture habang kumakain ka at kapag nagbabasa ka. Naalala mo ba yung nagkabanggaan tayo?? Ang saya ko nun, hindi ko kasi akalain na magkakabanggaan tayo, at napicturan pa kita. Pasensya kana, dahil hindi na kita nginingitian, nalaman ko kasi, na hindi na pala ako magtatagal dito sa mundo, may sakit kasi ako. Meron akong Leukemia. Pasensya kana, ha?? Hindi ko man lang nalaman ang pangalan mo, marahil pag nabasa mo 'to, wala na ako. May pinadala din akong mga litrato. Yan ang mga kuha ko sayo at sa atin. Nagpapa picture din kasi ako sa mga kasama ko, at kasama ka dun, kung minsan nasa likod ka, at minsan nasa gilid ka. Hinding hindi kita makakalimutan, sana hindi mo rin ako makalimutan. Hanggang dito na lang.

                                   -Camera Boy.

Halos mabasa na ang papel dahil sa kakaiyak ko. Kinuha ko ang mga litrato at nakita ko doon ang mga stolen shots ko.

Meron din na kumakain ako, at nakita ko din ang mga litrato niya na nakangiti at nasa likod ako.


Ang gwapo niyang ngumiti. Pero huli na, ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko.

Hindi ko nga rin nalaman ang pangalan niya, eh.


Kinuha ko ang cellphone ko, at tiningnan ko na lang ang litrato niya sa cellphone ko habang umiiyak.

Ang mga Stolen shots niya sa cellphone ko.

Stolen (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon