Ang umaga ay unti-unti nang nagkakabagwis. Dali-dali kong isinuot ang pulang kamiseta. Araw ngayon ng aming pagsamba. Kailangan, maganda ako sa harap ng aming Diyos. Napangiti ako sa kaniyang rebulto na nasa sulok ng aming bahay. Siya ang tagapagligtas. Siya ang magdudulot ng pagbabago. Siya ang bagong Messiah.
Bantulot na iniayos ko ang aking damit at pakiming humakbang papunta sa rebulto. Hinaplos ko ang kaniyang pangalan na nakaukit sa isang kahoy.
Rodrigo "Digong" Duterte.
BINABASA MO ANG
Hagibis
Short StoryMga kuwentong paspasan. Nabuo kasabay ng hagibis ng mundo. . . at walang malay na kamalayan.