Nota

598 35 5
                                    

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko. Kahit na hindi natuloy ang kantang parehas nating binuo. Kahit na ang mga nota sa limguhit ay tuluyan nang naglaho.

Mahal, hindi ko makalilimutan ang boses mong inooyayi ako sa tuwing ibinabalot ng takot ang aking kamalayan.

Ngayon, ako naman ang ooyayi sa 'yo. Hayaan mong ipakita ko kung gaano kita kamahal. . . habang yakap-yakap ko ang iyong bangkay.

HagibisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon