Maraming salamat sa mga sumusuporta sa aking hindi kagandahang istorya. At least mayroon namang nagkakagusto. Alam niyo na kung sino kayo. MARAMING SALAMAT!!
LAST ONE PART PARA SA CHAPTER 2!!
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Darwin's POV
Dahan-dahang lumapit si Mavis sa lalaking may puting buhok. Nanginginig-nginig ang tuhod nito habang palapit ng palapit ito.
Nang nakalapit si Mavis sa tabi nito ay bigla na lang ngumiti ang lalaki. May ibinulong ito sa sarili niya.
Makikita mo ang pagkagulat na lumabas sa mukha ni Mavis. Nanglaki ang mga mata niya at tumigil ang panginginig ng buong katawan nito.
Ang bawat taong nakasurvive sa mala-demonyong lakas ng lalaking may puting buhok ay tila nanunuod ng discussion sa isang classroom. Bawat sasabihin at gagawin ng lalaki at ni Mavis ay tutok na binabantayan ng mga ito.
Biglang kumulog ang langit at may mga naipon na mga ulap sa itaas namin.
Anong nangyayari.
"Yes." Sambit ni Mavis habang nakangiti ito.
BANG!
Biglang may bumaba na puting kidlat! Sobrang bilis! Tumama ito kay Mavis! Binalot ng puting usok ang buo niyang katawan!
Laking takot namin ng biglang may tumawa mula sa makapal na usok. TUWANG-TUWA SI MAVIS!
Mabilis na hinigop ng katawan ni Mavis ang puting usok na pumalibot sa kanya. Naging mas bata ang itsura nito. Makikita mong naging silver ang mata nito at mas naging maputi ang balat nito. Mabilis din na naging puti ang buhok nito kagaya ng sa lalaki.
"FOUNDER! MARAMING SALAMAT!" Sigaw ni Mavis habang mabilis siyang nag-bow sa harap ng lalaki na may puting buhok.
Tumango lamang ito kay Mavis pero kita sa mukha nito ang maliit na ngiti.
Inihampas nito ang nag-iisa nitong kamay horizontally sa hangin.
<DING!
The Grand Founder of the Crowe Clan personally invites you to be a member of the first generation of his clan. Under the banner of the Crowe Clan you will walk the path of the Crowe until your last breathe.
YES/NO>
Ha?
Crowe Clan?
Hindi ba ito ang clan na nakatapos ng tutorial kaya nawala lahat ng zombie!!!!
Napalitan nang paghanga ang expression ng mga survivors sa paligid. Lumingon ako sa kanan at kaliwa ngunit pare-parehas lamang ang expression sa mukha namin.
Ang kasiyahan.
Ang kasiyahan na magiging myembro kami ng isang malakas na grupo. Pagod na kami na maging pain lamang sa mga zombie. Pagod na din kaming pagsamantalahan ng malalakas.
Ito na yung turning point ng buhay namin.
"Yes!"
BANG!
BANG!
BANG!
BANG!
BANG!
BANG!
BANG!
BANG!
BANG! ................
Sunod-sunod ang pagbaba ng kidlat! May mga puti at may mga itim! Sa lakas nito ay tila nagdala ito ng mahinang earthquake sa paligid.
Kagaya ng nangyari kay Mavis ay mayroon din na mga usok ang bumalot sa amin saglit at saka ito pumasok sa aming katawan.
<The blood of the Crowe Clan is now flowing in your body. It granted you a 1% inherited profound mystery of Life. You can now change your class into a Novice Life Magus!
YES/NO>
"Yes!"
<Life Magic is different from a Light Magic. The life can provide life force but at the same time steals life. The one who wield this magic were called a Life Magus.
But due to a certain reason, your bloodline flows with a small amount of Life Magic. This small amount of Life Magic assisted you to breakthrough to a Novice Life Magus!>
<As a Novice Life Magus, you can choose a skill below:
-Life Steal
-Chimeranologist
-Raise the dead>
Ang agad na nakakuha ng pansin ko ay ang life steal! Binasa ko muna ang lahat ng skill ngunit ang talagang nakakuha ng pansin ko ay ang life steal!
"Life Steal!"
<Congratulations! From now on, your name is Darwin Crowe!>
<Due to a unexpected reason, the system detected that the bloodline in your body provided you an Innate Skill: BEAST MODE>
<BEAST MODE
The blood in your veins has a portion of savagery, cruelty and primitive power. Through this skill, you can awaken it to unleash a beast that even demons will fear!>
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...