FOR YOU

59 3 2
                                    

Tropang Bangtan, Solid kami. Lahat na nang pinagdaanan ng tropang to ay nalagpasan namin.

Mula sa utang ni Jimin, sa pag papagawa ng bahay ng Bangtan at Sa pinagawang bike ni Taehyung.

Ako si Jungkook at ito ang storya namin.

"BANGTAAAAAN!!!"

Natigil kami sa kanya kanyang ginagawa namin ng nangibabaw ang sigaw ni Taehyung. Dala niya ang cellphone niyang basag basag.

"Taehyung, ano ka ba. Diba napagusapan na nating hindi muna natin ipapagawa yan?" Jin.

"Oo nga, pero iba to!" Tuwang tuwa siya. "Tumawag sakin si Yumi at dito daw siya sa bahay natin magce-celebrate ng birthday!"

"Ganun? Hala, anong date na ba??--oh, bukas na pala birthday na ni Yumi!" Jimin.

"Anong gagawin natin?" Ako.

"Edi maghanda, tara bili tayo"  tumayo ang lahat maliban sakin. "Di ka ba sasama, Kookie?"

"Susunod ako, tatapusin ko lang to" Tinaas ko ang sapatos ni Jin, nilinis ko lang eheheeh wala akong magawa eh.

"Sumama ka nga! Puta, nakaka guilty naman oh, sapatos ko yan eh" sabi ni Jin.

"Haha, susunod nga lang ako, geh na" 

Tumango lang sila tsaka lumabas. Nagbihis lang ako tsaka lumabas na rin. Hinanap ko sila at ayun! Nandun sila sa Ice Cream-an.

"Jin, sa tingin mo, anong gusto ni Yumi na flavor?"

"Chocolate ba o yung Vanilla?"

"Sa tingin ko yung Rocky Road"

"wag na Ice Cream, Jam nalang!"

"Inamo, Jimin. Kunin mo nalang yung 3-in-1"

Kinuha ni Jimin ang ice cream na tatlo ang flavor. Si Taehyung ang nagtutulak ng cart habang kuha naman kami ng kuha ng panghangda. Binayaran na namin yun tsaka dinala sa bahay. Si Jimin, Hoseok, Yoongi at Namjoon ang nagluto. Samantalang ako, Jin at Taehyung ang naglinis at nag ayos ng bahay.

Humilata kami sa sala na pagod, Yun na rin ang kinatulugan namin.

"HAPPY BIRTHDAY YUMI!!!!!!!"

Sigaw naming lahat nang pumasok sa bahay si Yumi at Taehyung, sinundo kasi ni Taehyung si Yumi err

"Thank you! Thank you, Bangtan!"

Tuwang tuwa sabi ni Yumi pero may lungkot at tamlay ang boses. Hindi lang pala ako nakapansin nun dahil Nagtinginan rin kami sa isa't isa. Napansin rin namin ang bandana niya

"Ah Pasensiya na, napagod lang ako sa byahe, hehe. Nakakatakot naman yang mga tinginan niyo" naka pout na sabi ni Yumi kaya nabunutan naman kami ng tinik sa dibdib.

Masaya ang pagsasalo salo namin. Worth it rin naman ang pagod nila sa pagluluto dahil ang sarap!

Masaya naman ang lahat, nagkakabiruan palagi at punong puno ng tawanan. Magiging mas masaya sana eh...

"San ka pupunta, Yumi??" Tanong ko nang tumayo siya. 

"S-sa cr.." Nag-alala kami kaya napatayo kami. "I-inaantok l-lang ako. Mag c-cr lang ako tsaka matutulog na.."

Tumango kami pero hindi pa nakakalayo si Yumi nang nawalan siya nang malay. Buti kalalabas lang ni Yoongi sa CR kaya mabilis niyang nasalo ang ulo ni Yumi. Nanlalamig siya at hindi namin alam ang gagawin.

Agad namin siyang sinugod sa Ospital. Halos mabaliw na si Jimin nung makapunta na kami roon.

"Nurse! Nurse!" Takbong sabi ni Jimin pero hindi siya nito napansin. "Teka, Dok!"  Tawag niya sa isa pero nag senyas lang ito ng sandali dahil may kasama siyang pasyente. Napamura pa nga siya tsaka may lumapit sakayang nurse.

For YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon