Game
Mabilisan akong naligo at nag-ayos. Di ko na napili ng maayos ang suot ko dahil pagkalabas ko palang ng banyo ay narinig ko na ang tunog ng doorbell at sigurado akong si Miguel na yun.
Bumaba ako sa hagdan at lumaki ang mata ko ng makita ko si Miguel na may dala-dalang dalawang bouquet ng rosas, chocolates, cake, milk tea at kung ano pang bagay na nasa isa pang paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman.
What is he doing?!
Bigla naman siyang sinalubong ni Mommy at mukhang masayang masaya ito.
"O Miguel! Tamang tama, malapit ng maluto ang lunch niyo. Umupo ka muna diyan. Kain muna tayo bago kayo mag study,"
"Ah sige po Tita, para po sa inyo," Inabot niya kay mommy ang isang napakagandang bouquet ng rosas.
Hindi ako masyadong mahilig sa bulaklak kaya't di ko alam kung anong klase ng mga bulaklak ang inabot niya kay mommy pero ang gaganda nito. Sari saring kulay at naka-arrange ng maayos. May kulay blue, pink, white even green flowers. I feel like they smell good too.
Nagpasalamat si Mama kay Miguel at ngiting ngiti ito. Umubo ako ng kaunti upang mapansin nila na naroroon ako. Sabay naman nila akong tiningnan.
Miguel looked at me and he just smiled. The kind of smile that melts your heart. It was genuine and he just looks so happy and not to mention handsome.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at pilit ibinababa ang shorts ko. Ngayong nandito na si Miguel I felt uncomfortable with what I'm wearing. Kanina okay lang naman ito pero ngayong nandito siya feeling ko under dressed na ako. Which is funny because this is my house. Why should I be bothered?
Miguel's wearing a navy blue polo shirt at tama lamang fit nito sa kanya and gray shorts. Bakat sa polo shirt niya ang biceps niya and I can't help but think about his structured body and how his hands caressed parts of my body.
Agad ko namang inalis ito so isipan ko because it's not right. It's foolish of me to think that way thinking of what we've been through.
Pinasadahan niya ako ng isang tingin at nanindig ang balahabi ng katawan ko ng napansin kong tumigil sandali ang mga mata niya sa aking mga labi. Kakaayos ko lang kaya sigurado akong walang dumi sa aking mukha.
"Para sayo Za," Inabot niya ang mga dala dala niya sa akin at napa-awang na lang ang bibig ko dahil di ko alam kung anong sasabihin.
Tiningnan ni Miguel si Mommy at ngiting ngiti pa rin ito.
"Uh..." Miguel is stalling. He has something to say.
My mom gave him an encouraging look.
"Aakyat po kasi ako ng ligaw,"
What?!
Mas lalo akong nabigla ng makita kong kakalabas lang ni Daddy sa kwarto at nag ste-stretch pa ito. Gulat din siya at natigilan. Napatigil ang kanyang mga kamay na nag st-stretch sa ere at tiningnan si Miguel. Pagkatapos ay tiningnan niya lang rin ako. Pa lipat lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa.
Natahimik kaming tatlo nila Daddy at Miguel. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nila ngayon.
Tanging si Mommy lang ang nasisiyahan dahil pumalakpak pa ito at nag yes. Pinandilatan ko naman siya. Para niya yata akong pinaglalandakan sa ibang lalake.
Ngunit tila nakahinga naman ako ng maluwag dahil parang suportado na agad ni Mommy si Miguel.
Of course my Mom would like Miguel. What's not to like? He's a good son. Best friends ang daddy ni Miguel at mommy ko. Even before, Miguel is already like a son to my mom.
BINABASA MO ANG
Stuck
RomanceJwyneth Ryza Alejandre had it all. Family, friends, talents, skills and of course fame. She is happy. At least she pretends to be.