Lihim na Pagtingin

451 66 15
                                    

Lagi na lang sa kanya nakatanaw,

Sa kanyang pagdaa'y waring di makagalaw,

Ngunit katotohana'y aking natuklasan,

Siya'y di na magiging aking kailanman.

Hindi ko alam kung bakit ganito,

Ang sakit na nadarama ko,

Sa Panaginip ko'y akin sya,

Pagmulat ng mata'y ilusyon lang pala.

At sana dumating ang panahon,

Na aking masabi sa unang pagkakataon...

Ang DAMDAMING  kay tagal ikinnimkim,

Di na kaya pang iLIHIM.

Pintig ng puso'y di mapigilan 

Ano man ang sagot mo'y wala akong pakialam,

Basta't masabi lang sayo ang nararamdaman,

Nararamdamang walang patutunguhan.

Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon