Can you stay with me?
***
"Ayoko na pagod na akong umasa. Wala naman talagang taong magmamahal sakin"
"Lagi nalang ba talaga akong paiiyakin ng mga lalaki?'
"Dapat talaga wag silang pagkatiwalaan eh. Mga manloloko!!"
"Pasabi-sabi ng di ko kayang mawala ka sa buhay ko tapos pag nagbreak, buhay pa pala!" Fck talaga sila.
"Miss! Pwede ba hindi lang ikaw ang may problema! Umalis ka dito. Lakas ng boses mo!"
"At pwede ba! Wag mo kaming lahatin! Kung sino man yang gagong nagpaiyak sayo, tanga niya!"
"At sino naman nagsabi sayong pwede mo akong paalisin dito! Nauna ako! At sino ba kasi nagsabing sumiksik ka diyan sa sulok netong rooftop! At pakinggan ako?!"
"Pare parehas lang kayong mga lalaki! Kaya wag mo sabihing iba ka sa kanila! MGA MANLOLOKO!"
"At syempre kaya ako nasa rooftop para isigaw.... lahat ng problema ko"
"Nakakaintindi ka ba! Sabi ko ang lakas ng boses mo hinaan mo!"
"Wala kang pakialam sa problema ko! Eh sa gusto kong isagaw! Manloloko siya! Sabi niya ako lang pero..."
"Nakita ko nalang may... kahalikan siya!"
"At ang mas masaklap! Pinsan ko pa! At sa mismong pamamahay ko!" Pumatak na ang luha ko sa sobrang sakit. At napaupo ako habang naka sandal sa pader.
"Sorry"
Lumapit sakin yung kasigawan ko dito sa rooftop at umupo sa tabi ko at pinapasandal niya sakin yung ulo ko sa balikat niya. Sumandal din siya sa pader.
Kung di lang talaga masakit yung pakiramdam ko, lumayas nako sa pwestong to. Nakakahiya eh
"Bat ka ba kasi nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Rebound lang pala"
"Minahal ko siya ng isang taon!"
"Binigay ko ang lahat sa loob ng isang taon na yun"
"Nabuhay akong, pakiramdam ko andyan lagi siya."
"Pero..."
"Kung kailan anniversary na..."
" nalaman ko pa ang ptng*n* kasinungalingan nila!"
"Mga gago sila!"
"Ang masaklap?! Mas matagal pa pala sila!"
"Sila na pala bago naging kami. 2 years na sila ngayon."
"At yung pakiramdam kong nandito siya lagi? Imahinasyon ko lang pala!"
"Dahil talagang.... di pala ako para sa kanya... at kahit kailan di siya naging sakin"
"Ginamit niya pala ako para pagselosin lang ang syota niya para magbalikan sila..."
Niyakap ko siya kahit di ko rin alam kung bakit pero mukang masakit talaga yung nangyari sa kanya.
Kinomfort ko lang siya at nung tumahan na ako sa kakaiyak naramdaman kong kumakalas na siya sa pagkakayakap ko.
Tumayo siya at pumunta sa may dulo netong rooftop.
Fck! Wag niyang sabihing!
"Huy nag mag-isip ka nga! Oo di kita kilala pero may pakialam ako sayo! Wag kang magpapakamatay!"
"Maraming tao ang malulungkot pag nawala ka at di nila gugustuhin yang gagawin mo!
"Tingin mo ba babalik siya pag---"
Tinakpan niya ng isang daliri ang kamay ko at nag "Shhhh" saakin at tumayo doon sa pader na nakaharang sa rooftop.
"Tingin mo ba nalungkot siya nung nawala ako?"
"Please wag mo kong pigilan... At sana makahanap ka na ng taong mamahalin ka ng totoo."
"At tandaan mo, Hindi kami pareparehas"
"Pakisabi nalang sa kanya na...."
"Mahal na Mahal ko siya... pakitanong kung"
"Pwede bang manatili siya saakin? Stay with me.... Raine"
"Wag ka nga magsalita ng ganyan! At pano siya mag s-stay sayo kung magpapakamatay ka diyan ha?!"
"Sabi kaya ni r-aine, mahal na mahal kita...." ano nga pala pangalan niya?
"Pfft. Hi! Im.... Galaxy"
Umatras siya ng tatlong hakbang at sa pang apat.....
Pinilit ko siyang pigilan at tumakbo ako nung mahuhulog siya pero..
Huli na. Madami ng tao ang nakatingin sa baba kayy.. Galaxy dahil duguan ito. Ang taas nito! 6th floor.
Napaluhod nalang ako sa sahig at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa mga tuhod ko at unti unti akong nanghina.
"Di ko manlang siya napigilan! Ang tanga ko. Pinatay ko siya"
"Galaxy!! Pwede ba magusap tayo! Anniversary natin ngayon oh! Baby?!!"
"Huli ka na RAINE! Wala na siya"
Ang tanga ng babaeng to! Buti nga may nagmahal sa kanya ng ganyang todo! Tapos lolokohin niya lang! Ako nga tagal ko nang gustong mahanap si the one tapos.. siya niloko niya lang yung mga ganyang lalaki? Tss
"Nga pala sabi niya, kung pwede daw bang manatili ka sa kanya!"
"Ano bang pinagsasabi mong babae ka? Di kita kilala. Huh! At sino ba yang sinasabi mo?
"Edi yung niloko mo si... Galaxy"
Narinig ko dito sa taas yung tunog ng mga pulis sa baba para siguro imbestigahan yung nangyari at tumingin din si Raine sa baba at nakita niya siguro si galaxy dun.
"G-G-Galaxy?"
Huli na wala na siya. Kaya kayo? Pag nasa tabi niyo na yung taong nagmamahal sainyo ng totoo? At alam niyong kayo lang? Wag niyo ng pakawalan.
Oo nga pala .. "Hi din Galaxy... And I am.... Jane" sana narinig niya ko.
***
First time ko gumawa kaya sorry kung pangit. Salamat sa pagbasa :)