I can see the skyline laying in the moonlight
I can feel your heartbeat playing on my right side
Every night I long for this, makin' up what I miss
I can hear you breathing letting out a sad sigh
You try so hard to hide your scars
Always on your guard
Don't, don't let me go
Don't make me hold on when you're not
Don't, don't turn away
What can I say so you won't?
No don't, don't let me go
Ang malungkot na awit na kumakanta sa puso ni kerk ay tila isang virus na dumadaloy sa kanyang dugo na unti-unting kinakain ng pighati ang buo niyang kalamnan hanggang sa kailaliman ng kanyang buto patungo sa kanyang isip. Kapag pala may nangyaring hindi mo inaasahan..doon ka biglang paliliguan ng isang realisasyon. 'Yung kampante kang hindi ka susuko dahil may pinanghahawakan pa kayong pangako..subalit sa likod ng iyon..mamatay ka man kamamahal sa kanya sasabihin mo pa rin ang salitang 'suko na'.
Minahal ko siya, 'yun lang ang alam kong gawin para sa kanya, subalit akala ko masusuklian niya iyon, hindi pala. Gusto mo pang kumapit, ayaw mo pa siyang ilet-go, gusto mo pang pahabain ang lahat, subalit totoo nga na kapag puso na ang nagdesisyon , kahit taliwas ito sa nais ng isip mo, hindi mo na ito kayang pigilan pa. Tutal hindi mo naman na mababawi ang mga masasakit na salitang iwinika mo sa kanya, hindi mo rin naman na mababago ang desisyon ng puso niya na kalimutan ka at patayin muna ang feelings niya para sa'yo. Ngunit sa huling pagkakataon, humingi ka ng sorry, humingi ka ng tawad dahil nagbabaka-sakali kang maibalik o maisalba mo pa ang naghihingalong kayo. Subalit, wala ka paring nagawa. Hindi mo alam kung hanggang kalian siya magpapahinga dahil sa kamamahal niya sa'yo, kaaalaga niya sa'yo, hindi mo alam kung saan, anong araw, oras at panahon kayo muling magkikita. Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan, kahit paulit-ulitin kong sabihin, walang exemption dito unless hindi ka magmamahal. Pero madilim, namamayani ang galit, pagkamakasarili at nakakalungkot kapag hindi ka magmamahal. Love ang nagbibigay buhay sa mundo natin kaya mandatory, sa ayaw at sa gusto mo ay iibig ka kaya may tinatawag tayong soulmate. Matatagpuan mo ang kapareha o kapareho mo, like attracts like, ika nga ng law of attraction para mahalin mo. At doon..papasok ang sakit kapag hindi kayo nagkakaunawaan. Okay. Kumplikado na ang mga sinasabi ko. Tama na para sa malungkot na point of view ng isang manunulat na hindi alam ang gagawin kaya dito napiling ibahagi ang nararamdaman.
Si Kerk ay nakatayo sa harap ng condominium building nina Junn habang nakatitig lang sa bintana na kasalukuyang tinitirhan ni Terra. Nakapulupot sa kanyang leeg ang asul na bandana na noon sana'y ibibigay niya kay Terra subalit may babeng humarang sa kanya at pati ang kalikasan ay hindi sila pinigilan sa nais nilang mangyari. Nagdadalawang isip pa siya kung ibibigay pa kay Terra ang nag-iisa at napakaimportanteng bagay na makapagpapaalala sa kanya dahil matapos ang nangyari sa pagitan nila ni Terra ay lalo siyang pinanghinaan ng loob. Napakalalim ng pagsinghap niya. Sino man ang nasa kalagayan niya ay malamang na makokonsensya sa..hindi talaga dapat nangyari. Lalo na't alam mo sa puso mong take for granted lang ang lahat.
Hinihintay niyang lumabas si Terra at magdadalawang oras na siyang nakatayo doon. May dalawang pinagpipilian si Kerk sa kanyang isip. Kapag lumabas si Terra ay ibibigay niya ang scarf at kung hindi naman..senyales na iyo na dapat na siyang bumalik sa Japan.
Sa gitna ng paghihintay niya na wala na yata siyang ibang ginawa kundi lagi nalang hintayin ang babaeng mahal niya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa bulsa ng long brownish above knees jacket niya at sinagot na ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover