Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 23: Midterm Exam

214K 7.4K 904
                                    



"Nakakapagod!" Malakas kong sigaw noong makaupo kaming dalawa ni Bea sa bench na nasisilungan ng mataas na puno.

Kakatapos lang ng exam namin sa Crafting at hindi siya ganoon kadali dahil actual kaming nag-perform ng synthesization sa harap ni Ms. Melanie, may kaunting mga mali ako pero sa tingin ko naman ay makakapasa ako sa Crafting na 'yon.

Habang nakaupo kami ay nakita namin si Klein na may buhat-buhat na maraming test papers. By the way, habang nandito si Klein ay nag-aaral na rin siya bilang utos ng aming punong guro na si mrs. Evelyn. Sa kabilang seksyon siya, katabi ng room namin.

"Oh Klein saan ang punta mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

Noong makita kami ni Klein ay ngumiti ito. "Galing ako doon sa isang classroom para kuhanin 'tong mga test papers, dadalhin ko sa faculty."

"Aba himala, nagsisipag ka yata ngayon?" Mataray na pagtatanong ni Bea. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakaka-get over 'tong kaibigan ko sa panlalait na ginawa ni Klein kay Mrs. Evelyn.

"Nagsisipag? Utos ni tanda 'to. Ang sabi niya bilang kapalit daw ng pananatili ko sa Altheria Academy ay magiging student assistant niya ako. Hangga't hindi pa bumabalik ang ala-ala ko, dito muna ako sa Altheria Academy pansamantagal," Nakangiting sabi ni Klein. "Ayos ba Jasmin?" Nag-thumbs up naman ako sa kanya bilang pagsagot.

"Anong pansamantagal? Baka ilang araw lang ang lumipas bumalik na ang alaala mo." Inis na sabi ni Bea. Dinilaan lamang siya ni Klein at kumaripas na ng takbo paalis. "Aba't sinusubukan talaga ako ng taga-raven clan na 'yon."

Muling umupo sa tabi ko si Bea habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagdadaan. Mamaya ay may exam na naman kami sa predictology, huling exam na namin iyon ngayong araw.

Napatingin ako sa kalangitan ng mapansin ko ang ibon na parang papunta sa direksyon namin. "Uy Bea tingnan mo yung ibon oh papunta rito,"

Sakto naman na bumaba sa lupa ang magandang pipit na ibon at unti-unti itong nag-anyong tao. "Jasmin! Bea!" Nakangiting sabi sa amin ni Kuya Hades. Siya lang pala ang makulay na ibon na 'yon. Si kuya Hades ay isa sa mga miyembro ng White Soldiers kung inyong matatandaan.

"Uy kuya Hades, ba't naparito ka? May kailangan ka ba?" Pagtatanong ni Bea.

"Actually pinapunta ako ni Red dito kasi may technique daw siyang gustong matutunan, eh bago ako pumunta sa kanya ay naisipan ko kayong bisitahin at kamustahin." Nakangiting sabi sa amin ni Kuya Hades.

Naikuwento na sa akin ni Kuya Hades na Human transformer siya o may kakayahan siyang reconstruct ang kanyang cellular structure sa kahit anong hayop o bagay na makita niya. So in short, kaya niyang mag-transform.

"Kuya Hades matanong ko lang, ba't hindi nadadalaw sa amin si Kuya Carlo? Ang tagal na nung huling makita namin siya." Sabi ni Bea kay Kuya Hades.

"Exam din niya, mas kailangan niyang mag-effort ngayon dahil alanganin lahat ng grades ni Carlo. After the exam, paniguradong manggugulo na naman 'yon dito sa Marsham division." Sabi ni kuya Hades at parehas kaming natawa ni Bea. Puro hangin lang kasi si Carlo sa ulo, medyo wala naman pala siyang binatbat pagdating sa academics.

"Oh sige maiwan ko na kayo at pupuntahan ko pa si Red." sabi ni kuya Hades at nag-anyong ibon ulit at lumipad sa langit.

"Sana umilaw na 'tong kwintas ko..." Sabi ni Bea sa akin habang nakaupo kami.

"Oo nga para naman makalaban na ako kapag nasa panganib tayo,"

"Baliw! Gusto kong umilaw 'tong kwintas ko para ako naman ang turuan ni kuya Hades, ang pogi kaya" Mahina pang hinampas-hampas ni Bea ang aking braso.

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon