Chapter 38
"Ehem." Pagtikhim ko muna bago kumatok sa pinto ng music room.
Napatigil naman sa pagtugtog ng piano si Dark at napatingin sa direksyon ko. May bakas ng konti gulat sa mukha nya ngunit agad din iyong napalitan ng ngiti.
"Carlo." Masiglang bati nya at sinenyasan akong pumasok. "What brought you here?"
"Uhh, this." Sabi ko at inangat ang hawak kong paper bag kung saan nakalagay ang mga gamit na ipinahiram nya sa'kin. "I came to give this back. Salamat ng marami." Sabi ko at inabot sa kanya 'yung paper bag.
"You are always welcome." Sabi naman nya na malaki ang ngiti sa labi. Bigla tuloy ako napakunot ng noo.
"Good mood ka ata. What happened?" Tanong ko at umupo sa isang silya doon.
"Oh c'mon, Carlo." Sabi nya at umiling. "You know I'm always like this when you're around." Tuloy pa nya at nagkibit-balikat.
I made a face. Nope, hindi ako kinikilig ha? Ayoko lang magkaroon awkwardness sa pagitan naming dalawa. Isa pa, wala ako sa mood kiligin ngayon.
"Any news?" Tanong ko sa kanya. Baka lang kasi may gusto sya pagkwentuhan. Para na rin hindi ko masyadong maisip ang poncio pilato kong nobyo.
"Nothing interesting to be discussed." Sabi nya at umupo na rin sa harapan ng piano nya ngunit nakaharap sa direksyon ko. "And you? Kamusta kayo ni bestfriend?"
Pinanlisikan ko sya ng mata. Bakit napunta sa aming dalawa ni Michael ang usapan? Bakit sa dinami-dami naming pwedeng pag-usapan 'yun pa ang napili nya.
Mukha namang naintindihan nya ang sitwasyon at napakamot sa ulo. Napailing ako at napahalukipkip. Alam kong umaakto akong parang bata pero naiinis lang talaga ako. Hindi kay Dark kundi kay Michael na wala yatang balak magparamdam.
Ipinatong nya ang braso nya sa mga hita nya at tinitigan ako na para bang may hinihintay na sabihin ako.
"What?!" Tanong ko sa kanya at kinunutan sya ng noo. "If you're waiting for me to tell you the whole story, you better stop. You won't hear anything from me." Inis na sabi ko sa kanya. Lalo na at silang magkapatid ang dahilan ng away namin ni Michael.
"Then just tell me the part of it." Mahinahon na sabi nya at hindi sinabayan ang galit ko.
Pinukula ko sya ng masamang tingin dahil sa pangungulit nya pero nginitian nya lang ako.
Bakit hindi matuto si Michael dito kay Dark? Bakit pag galit ako dapat galit din sya?
Why can't he be as understanding as this guy, that motherfucking asshole? I don't understand.
Napahinga ako ng malalim at binawi ang tingin ko sa kanya. "Hindi na mahalaga 'yung nangyari sa amin. Magkakaayos din kami." Sabi ko nalang at marahang hinilot ang sentido ko. "Sana." Pahabol na sabi ko ngunit pabulong lang.
What do I mean by that? Malabo ba na magkaayos kami?Well, kung nagpapakita naman kasi sya sa'kin baka di na ako nag-iisip masyado.
"You can't tell me?" Tila malungkot na sabi ni Dark dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa akin na para ba na isang tuta na nagpapacute sa amo nya. "You really can't?"
Laglag panga nalang ako dahil sa pagpapacute nya. "Where the fuck did you learn that?" Inis na sabi ko at napahilamos sa sariling mukha. Hindi sya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin gamit ang mga matang 'yun. "Fucking hell! Fine!"
It's fine. Hindi ko naman kailangan ikwento ang lahat. Pede kong salain 'yung mga parte na kasama sya pati na rin si Hikari.
Ang totoo nyan, kating-kating-kating-kati na talaga ako na sabihin kay Dark ang mga pinaggagagawa ng nakababata niyang kapatid. Ngunit naisip ko baka wala lang din itong alam sa relasyon namin ni Michael kaya nya nagawa ang mga bagay na iyon. Isa pa, ayoko madamay ang relasyon nilang magkapatid sa gulo namin. Hindi deserve ni Dark 'yun. Alam kong hindi maganda na pinagtatakpan ko ang mga ginagawa ni Hikari lalo na't nakakapanakit na ito, pero di ko lang talaga maiwasang isipin ang pagkakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomansaWe're bestfriend and I'm his possession...