Love Like Woe [2]

1.2K 38 6
                                    

Simula nuon ay wala akong natanggap na kahit anong text o tawag mula kay Thomas

Kaya sa loob ng mga araw na yun ay kinakain ako ng konsensya ko at nalulumbay na din ako kay Thomas yung tipong hindi buo ang araw ko tuwing hindi ko sya makakatext o makakausap sa telephono

Kaya isang araw ay pinuntahan ko si Jeron

"Je!!" Tawag ko sa kanya mula sa entrance ng sports complex

Training kasi nila ngayon para sa next game nila against North hill

Agad namang nagpatawag ng break si Coach Jul ng makita ako

Lumapit na saakin si Jeron kahit pawisan pa sya

"Ano yun Ars?" Nahihiya ako kay Jeron kaya napayuko ako

"Je may ticket ka ba para sa LSGH vs St.Claire?" Sabi ko sa kanya ng mahina

Despirado na kasi akong makausap si Thomas

Pinatungan lang ako ni Jeron ng kamay sa ulo at ginulo ang buhok ko

"Naku miss Galang tapos mo na ba ang IP nyo para makipaglandian ka dyan kay Torres?" Panunukso saakin ni Jeron

Sinuntok ko naman sya sa balikat

"Sige na kasi Je pahinge na! Hindi na kasi ako pinapansin ni Thomas!" Pagmamakaawa ko sa kanya

"Mamaya iaabot ko sa'yo, kita nalang tayo sa ospital" sabi nya at bumalik na sa training

Napabuntong hininga nalang ako kasi hindi ako makakarating mamaya kasi may training kami ng hapon

Ah bahala na nga itetext ko na nga lang si Jeron mamaya

Umalis na ako para attendan ang klase ko

...

Dumating ang araw ng laro nila Thomas and I ditch the my morning class for that

It is now or never for me

Hindi tulad ng dati ay sa taas ako ng complex nakaupo

Okay nadin 'to para hindi ako makita ni Thomas at madistract sya sa laro

Buong game ay nakatutok lang ako sa kanya

Kung dati ay seryoso sya ngayon ay nakakatakot sya, para syang pinapaligiran ng itim na aura na pati ang palaban na players ng St.Claire ay kinikilabutan sa aura nya sa court

Natapos ang laro na limangpu't tatlo ang lamang nila mula sa kalaban

Hindi na sya sumama mag celebrate sa mga team mates nya at dumiretso na sa dug out kaya dali dali akong lumabas ng complex at nag antay sa gate na lalabasan nya

Tama pa ba 'to Victonara?

Oo naman magsosorry ka lang naman e

Pero bakit? Wala namang kayo?

Kailangan ba maging kayo para humingi ka ng tawad sa kanya? Ikaw yung mali e!

Kung tutuusin you don't owe any apology to him, explanation lang. Baliw ka ba it is very clear na kailangan mong magsorry, pinaghintay mo lang naman sya sa ilalim ng ula, heaven knows how long

Urghhh hayaan mo na, it is now or never at nakapag decisyon na ako na mag sosorry ako wala ng pero pero!

Konting minuto pa ang hinintay ko at lumabas na si Thomas

"Hi Th-homas!" Mahina kong bati sa kanya

Ano ka ba naman Ara kita mo ng naka head phones oh tas bubulong ka?

What if ThomAra happened?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin