WALA LANG :( ONE SHOT

99 4 0
                                    

WALA LANG..

Minsan naranasan mo na bang makagawa ng isang bagay na nmagsisimula sa isang "Wala lang".?

Wala lang . . .

Wala lang . . .

Patuloy na tumatak sa aking isip ang mga katagang " Wala lang". Kung iisipin  sa mabilis na paraan ay walang kwenta, walang silbi at mas lalong walang patutunguhan o mararating.

Subalit , kung pakaiisiping mabuti ay nagkakaroon ng halaga at tatalima ang mga pangyayaring magagawa nito. Mahirap unawain. Mahirap kung hindi ka magpapatuloy sa pagtuklas.

Wala lang . . .

Anupat nakakinis, nakakapagtaka, nakakyamot, nakaktuwa ang bumabagabag na salitang ito, depende sa pagkakagamit at sa mga taong kalahok o kabilang sa sitwasyong ito.

"Ang kadahilanang nagsulat ako dito ay WALA LANG. Ako si Sarah at ang kwentong ito ay base sa aking mga naging karanasan."

Wala lang . . .

Naalala ko tuloy nang minsang ngumiti sakin si Gian. Nagtanong ako kung "bakit?" 

"Wala lang. . ." ang kanyang sagot. Marahil sa inyo ay wala lang ito. Ngunit para sa isang tulad ko, na kanyang matalik na kaibigan, ay naglalaro sa aking isip kung bakit wala lang ang kanyang matamis na pag ngiti. Hindi naman siguro dahil sa lihim kong pagkagusto sa kanya kaya't nag iisip ako ng ganito at binibigyang kahulugan ang sa kanya'y wala lang.....

Wala lang . . .

Nakakainis, nakakabadtrip ng minsang pinagtatawanan ako ng aking mga kaibigan sa mga dahilang hindi ko naman nalalaman. Tuwang tuwa sila habang nakikiisa sa panunukso at pagbitiw ng mga halakhak. Nagtanong ako kung "bakit?". "Wala lang . . ." ang sabay sabay nilang sagot. Bahagyang nawala ang aking pagtititwala sa aking mga kaibigan at pati na rin sa aking sarili. Naisip ko kasing baka may mali lang akong nagawa na dulot ng aking pagkainis. Hindi ko sinasabing ako'y pikon, sadyang nakapagtataka nga lang kasi.

Wala lang . . . 

Bumalik sa aking mga gunita, nang ang boyfriend kong si Roy ay maabutan kong kausap ang isang kakilala. Nagtanong siya( ang kakilala) kung sino "ako". At kanya'y sinabi "wala lang..." Hindi ko na natiis pa, halos sumikip ang aking mundo at mabilis na pagbuhos ng aking mga luha ang nghahabulan sa pag agos sa mula sa aking mga mata.(kasabay ng pag alis ko) Masakit para sa akin.

Wala lang . . .

Lumisan ako, at sa paglalakad ko'y may nakasalubong akong isang pamilyar na mukha. Oo, tama...Habang papalapit siya sa akin ay unti unti kong naalala ang kanyang itsura. Tumibok ng mabilis ang aking puso sa pananabik na mayakap siya. Tuwang tuwa ako na tumugon din siya at ako'y kanyang nakikilala.

Nagtanong ako kung bakit siya naririto at sa tingin ko'y mukhang dadamayan niya ko sa aking pag iisa. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha at kasabay ng malamig na tinig. :Wala lang..." napasimangot ako at aakmang tatalikod ng bigla siyang ngumiti at sabay sabing "gusto lang kita makita." ^__^ Tuwang tuwa ako sa mga katagang nasambit niya, tama nga ang hinala ko, siya nalang ang natitira kong karamay, subalit naninibago ako ng tumalima sa aking isip ang kanyang sinabing "magiging masaya tayo sa kabilang daigdig". kilabot ang bumalot sa aking buong katawan at nabunyag ang katotohanang, mahigit isang taon na ngapala akong pagala gala sa mundong iabbaw at naghahangad ng katahimikan.

"Wala lang"

Dahil sa mga salitang ito kaya ako nagkaganito. Sariwa pa sa aking isip ang mga ala alang katagang aking sinabi bago magwakas ang aking buhay.

"Wala lang ito. . . wag kayo mag alala."

"Wala lang . . . . hindi naman to masama."

"Wala. Wala. Wala lang 'to, wag na klayong makulit."

Ito nag pala ang nakapagpabago sa aking mundo. Nag alala ako sa mga nangyari.

Sa pag babalik tanaw ko'y nakita kong mabuti at mas naunawaan.

Nakita ko si Gian, nakatingin sa aking larawan at pinagmamasdan, kitang kita ko ang kanyang kalungkutan sa nakatago niyang ngiti at pagsambit ng "Wala lang. . . miss na miss lang naman kita."

Nakita ko rin ang aking mga kaibigang nagtatawanan... Kasama ang isang bagong mukhang ngayon ko lang napansin. "Wala lang. . . Ang korni kasi ng joke mo!" (MAS GUSTO KA NAMING KASAMA --> ito na lamang ang naintindihan kong nais nilang iparating.) 

 Namasdan ko si Roy, labis ang kanyang paghihinagpis sa aking pagkawala na animo'y hindi kayang tumbasan ninuman ang ako'y wala lang. "wala lang... siya lang naman ang kaisaisang minahal ko na nang iwan . :( "

Ngayon ko lang namataan ang aking sarili na AKO "isang wala lang" ay katumbas pala ng isang kayamanan ng aking mga minamahal. Hinayaan kong sumakop sa aking sarili ang isang maling akala. Wala nang dahilan pa upang magsisi. Ako'y wala lang... walang katumbas na wala lang.

Nagismula sa wala lang .. nagtapos sa wala lang

X'D

Wala lang.

ONE SHOT WaleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon