Debby's POV
"Señorita Devine, bumaba na daw po kayo sabi ni señorito Rjhey."
Ginising ako ni Yaya Meding, ang best yaya in the city! Mahal na mahal ko yan!
"Yes po yaya, susunod na po ako."
Bumangon ako, naligo, nagbihis at saka bumaba.. Alam naman ni kuya na mabagal ako kaya for sure, pinagising nya talaga ako ng mas maaga.
"Good morning my super handsome brother!" bati ko kay Kuya na nagsisimula nang kumain ng breakfast.
"Good morning din my super mabagal na sister. Kain ka na at baka ma-late ka pa sa school."
Tahimik kami ni kuya habang kumakain..Strikto kasi sya.. Madaming bawal.. Kaya behave ako, sobrang behave. ^___^
After kumain, nagpaalam na ko sakanya at umalis ng bahay. Syempre hatid ako ng dakila kong driver, si manong Juan, ang asawa ni Yaya Meding..
"Good morning señorita Devine." bati sakin ni manong Juan.
"Good morning po Manong.. Tara na po?"
Pinagbuksan ako ng pinto ni Manong bago sya sumakay at mag drive..
First day of being in the last stage of college.. Yep, 4th year college na ko.. Ang tanda ko na po!
Pagkarating namin sa school, tinginan agad sakin ang students pag baba ko sa kotse. Naman! Ako lang naman ang prinsesa ng campus!
Palibhasa anak ng may ari ng school! Perks of being a rich kid, ika nga!
Ako nga pala si Devine Marie Perez but my close friends call me Debby. Masyado kasing sosyal pakinggan yung Devine..
Anak ako ni Mr. and Mrs. Frederico and Marinetta Perez. Ang may-ari ng PEU or Perez Exclusive University. And university exclusively for rich kids.. And for those poor kids na maswerteng nagiging scholar ng family namin.
"Hey bestie!" bibong bati sakin ng best friend kong si Kyla. "Nakita ko kanina yung latest project mo! Oh my gulay, he looks so damn cute na!"
Kinikilig na naman si Kyla na mahilig sa boys. That's her.. Sobrang hilig sa cute boys. At syempre, sya ang taga pili ng new projects ko.
You wanna know what my "PROJECTS" are?
"Hi Debby!"
Si Rico, dating shy guy at madalas ibully ng mga students. But now, he is one of those certified head turners..
"Debby, kumusta? Lunch later?"
Yun naman si Michael, dating mayabang at makasarili palibasa nga gwapo at hot. But now, mas naging hot pa sya dahil naging mabait na sya.
"Hey there Debby! Nakapasa ako! Have to treat you."
At yun ang sinasabi ni Kyla na latest project ko. Si Martin.. Dating ordinary student lang.. Yung tipong hindi binubully pero hindi din naman sikat. Yung pumapasok sa school at nag aaral pero di naman matalino. Yung type ng student na bumabagsak din minsan. Pero ngayon, wag ka! Isa sya sa top students nung finals namin nung third year, at isa na din sya sa mga tinitiliang varsity player ng school!
Ilan lang sila sa mga lalaking nabago at natulungan ko..
Kung bakit ko ginagawa yun? Malalaman nyo din when the right time comes..
"Bestie, so anong next project natin?" tanong sakin ni Kyla.
"I don't know. Bahala na."
"Hi Devine!"