Chapter 17

302 30 14
                                    

Irish's Point of View


Nagningningning yung mga paa ko nung nakita ko siyang humihingal na nakatingin sa akin. Parang galing pa siyang tumakbo patungo dito.


Akala ko pa man na hindi siya pupunta.


Aasa pa ba naman ako?


"I-Irish", banggit niya sa pangalan ko. Halos na pangiti na lamang ako nung lumapit siya sa akin at bigla niya akong niyakap.


"Your late", pabulong kong sabi sa kanya habang mahina ding tumatawa. Halos nanigas yung katawan ko nung mas hinigpitan pa niya yung pagyakap niya sa akin.


"I'm sorry. I'm so sorry", paumanhin niya sa akin at inub-ob niya yung mukha niya sa balikat ko. Parang may kuryente na dumadaloy sa aking katawan sa bawat haplos ng kanyang balat sa akin. Hindi pa rin makalma yung pintig ng puso ko.


"Okay lang yun Kurt", sabi ko sabay haplos sa kanyang ulo, nilalaruan yung buhok niya. Nabigla ako nung bigla siyang lumayo sa akin habang hawak pa rin yung balikat ko. Namumula na yung mga mata niya na parang nagagalit siya sa akin.


"Hindi ka ba magagalit? Hindi ka ba iiyak? Hindi mo ba ako sisigawan? Hindi ka ba natatakot?! Let your damn feelings show their selves!", sigaw niya. Napakunot noo na lang ako. Anong ibig niyang sabihin?


Dapat ba ako magagalit? At iiyak? Ayokong makita niya umiyak ako sa harapan niya once again. Ayoko, ayoko ng umiyak para sa ibang tao. Ayoko. Lalo na 'tong taong ito na alam ko na man na iba yung gusto niya.


"K-Kurt. Hindi kita maiintindihan", naguguluhan kong sabi sa kanya. Halos nagmura siya sa inis at tumingin sa akin ng matalim.


"Bakit ayaw mong umiyak sa harapan ko?! Bakit?! Alam ko naman na natatakot ka na eh! Lalo na nung sinugod ka ng mga lalakeng iyun! Hindi ka ba magagalit na hindi ako nakakita sa performance mo? Na hindi ko tinupad yung pangako ko?!", sumigaw siya sa harapan ko. "Cry all you want Irish! Get angry all you want! Ipagmumukha mo sa akin na nagagalit ka sa akin! Na nanatatakot ka sa mga lalakeng iyun!"


Napasara ako sa kamao ko tsaka yumuko. Ano bang gusto niyang ipapalabas? Bakit ang concern niya sa akin? Dahil nabasa niya yung nasa diary ko? Ano bang pake niya?


Dahil sa inis at lungkot na nararamdaman ko, unti-unting tumutulo yung mga luha ko galing sa mga mata ko. "Oo, nagagalit ako sayo. Oo, natatakot ako sa mga lalakeng iyun. Nakakainis ka talaga Kurt eh! Nakakainis, sabi mo panonoorin mo ako? Ano bang gusto mong ipalabas?!", sigaw ko sa kanya. Niyakap nanaman niya ako ng sobrang higpit na halos hindi ako makahinga.


"Ayokong may makakita sa akin na umiyak. Pero bakit ikaw palagi yung nagpapaiyak sa akin? I'm not this weak. Ayokong makita mo na umiyak ako dahil sayo.", sermon ko habang naghahagulhol. Hindi ko na alam ano ang gagawin, parang lumalabas na ang lahat ng emosyon ko.


"Say everything you want", sabi niya sa akin at napaub-ob ko nalang yung mukha ko sa dibdib niya. So I have to tell him about everything?

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon