Elle's POV
Kakarating lang namin ng mga kapatid ko sa school at ngayon ay papunta na ako sa classroom ko.
Napahinto ako nang may sumigaw ng pangalan ko.
"Elle!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at napangiti, "Hi Jen. Eottokhae dangsineun?" Ngumiti siya at sumagot, "Nan gwaenchana." Nagsimula ulit kami maglakad.
"Ikaw, kamusta na?" Tanong niya.
"Ayos lang naman." Sagot ko. Nang mapansin kong wala siyang kasama ay luminga-linga ako sa paligid.
"Asan ang mga kasama mo?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya, "Mollayo. Baka nasa classroom na namin." Tumango-tango lang ako sa sagot niya. Mas mabuti nang hindi namin sila makasabay kasi baka kawawa na naman ako sa kanilang dalawa.
Ngayon ay nasa harap na kami ng classroom ni Jen. I need to drop her here. Wow, parang boyfriend ang role ko ah.
"Aegi!"
And speaking of boyfriend... nandito na naman ang self-claiming-boyfriend ko. Tumatakbo siya mula sa likod ni Jen. Pero nang malapit na siya ay bigla naman siyang huminto at natulala. Wae? Anong problema nito?
"Ya!" Natauhan siya ng sumigaw ako at tumingin sa akin, "Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit ka nandyan? Halika dito ipapakilala kita sa kaibigan ko." Tinawag ko siya at inutusang lumapit sa tabi ko para ipakilala kay Jen pero hindi siya nagalaw kaya nagtaka na ako. Tinignan ko si Jen, mukhang nanigas din at nanlalaki ang mga mata.
O-kay... something's not right here.
"E-elle. S-s-sa susunod n-na lang s-siguro?" Why is she stammering? Umiling ako. Bakit naman ipapabukas pa ang pwede namang gawin ngayon, diba? At dahil hindi makagalaw ang Alien sa likod namin ay hinatak ko siya papunta sa tabi ko, nakaharap kami ngayon kay Jen. Nakatitig lang sila sa isa't-isa. Ako naman pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
I cleared my throat.
"Jen, this is Park Chanyeol. Chanyeol, this is Jen Abbigail Min."
It took almost five minutes for them to respond to my introductions. At di ko inaasahang si Jen pa ang unang makikipag handshake kay Chanyeol. Habang si Alien naman ay nakatingin lang sa kamay ni Jen.
"Anyeonghaseyo Park Chanyeol. Jen Abbigail imnida. But you can call me Jen. Manasseo bangawoyo." Matagal bago abutin ni Chanyeol ang kamay ni Jen at makipag handshake. Halatang nagulat si Jen nang makipag handshake sa kanya si Chanyeol pero agad din naman siyang bumalik sa dati.
"Bangawoyo Jen." Ang tanging nasabi lang si Chanyeol saka ngumiti ng matipid kay Jen. Ngumiti lang din si Jen sa kanya. And once again, nakatitig lang sila sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit pero parang may something sa kaloob-looban ko na nagsasabing dapat na silang maghiwalay sa handshake.
"Keurae!" Agad silang napabitaw at nagpaalam na si Jen na papasok na siya sa classroom niya.
"Mauuna na ako Elle, Ch-chanyeol. Nice meeting you ulit. Jalga, Elle." Sabi niya saka nagmadaling pumasok sa classroom niya. Kumaway lang ako sa kanya kahit na nagtataka ako sa inakto niya kanina. Napansin ko si Chanyeol na nakatingin lang kay Elle nang walang emosyon.
"Chanyeol."
Hindi siya tumingin sa akin. Nabingi na yata.
"Ya! Park Chanyeol!"
Ayun! Lumingon din. Pero imbis na nakangiting Chanyeol ang makikita ko ay isang cold na Chanyeol ang nakikita ko ngayon. At maniwala man kayo o sa hindi ay nakakatakot siyang tignan kaya napaatras ako.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...