S i Y a
Gumising ako sa umaga, naalala ko siya.
Umalis ako ng bahay, naalala ko siya.
Sumakay ako ng jeep, naalala ko siya.
Nakakita ako ng KFC, punta 'ko mamaya.
Papasok ako ng gate, naalala ko siya.
Pumunta ako sa upuan ko, naalala ko siya.
Nangongopya ako ng assignment, naalala ko siya.
Nagle-lesson si Ma'am, inaalala ko siya.
Lunch time na, naalala ko siya.
Pumunta ako ng SM, naalala ko siya.
Pumasok ako ng KFC, naalala ko siya.
Dito sa lugar na ito, nabunggo ko siya.
Nabunggo ako ng staff, naalala ko na naman siya.
Lahat nang nangyayari, siya ang aking naaalala.
Tuluyan na yata akong, nahulog sa kanya.
Kailan kaya ako makakamove-on sa kanya?
Naglalakad ako sa corridor, nakita ko siya.
May kasamang iba, holding hands sila.
Habang sila ay masaya, ang puso ko'y sawi sa kanya.
Siguro nga hanggang dito na lang siya,
Isang alaala.