CHAPTER ONE
LUMAWAK ang ngiting nakaguhit sa labi ni Satoaki matapos nilang mag-usap ng ama. Pumayag na ito sa suhestiyon niyang sa Pilipinas na manirahan at siya na lang ang mamahala ng ilang properties at negosyo nila doon.
"Doumo arigatou gozaimasu, Papa." Yumuko siya sa harapan ng ama tanda ng pasasalamat. His father was Japanese and belongs to the most influential Maeda clan. Isang Filipina ang kanyang ina at dalawa lang silang magkapatid. Siya ang bunso samantalang ang kanyang nakatatandang kapatid na si Tatsuya ay may asawa at anak na. Sa Australia na ito nakabase at namamahala ng negosyo nila sa Brisbane. Ang pamilya nila ang may-ari ng isang kilalang brand ng Japanese superbike na mahigpit na kakumpetensya ng ilang mga European made superbikes kaya lumaki siyang likas ang pagkahilig sa mga motorsiklo.
Normal na para sa kanya ang paggamit ng mga superbikes dahil iyon na ang kinamulatan niya mula noong bata pa siya. Kaya lang nang makilala niya si Ryder sa isang motorcycle show sa Australia limang taon na ang nakakaraan ito ang nag-impluwensya sa kanya na subukan ang motocross. Nagustuhan naman niya at doon na lang siya nag-focus. Sumali sila ni Ryder sa isang motocross club sa Sydney at doon nila nakilala si Cole. Silang tatlo ang likas na magkakasundo dahil may mga dugong Filipino. Kaya lang nagkaroon ng problema kaya nagdesisyon silang tatlo na kumalas at sumali sa isang bagong motocross club na bago pa lang----ang Dirt Riders Club. Itinatayo ito ng kaibigan ni Ryder na si Riki Cheng. Wala siyang maipipintas sa kanilang samahan ngayon. Magkakasundo silang lahat at para na silang magkakapatid.
"When will you go to the Philippines?" tanong ng ama. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop sa Tokyo. Kakatapos lang ng kanilang business meeting sa ilang Korean investors.
"Anytime this week, I need to arrange some papers." Humigop siya ng kape. Marami pa siyang aasikasuhin para hindi siya magkaroon ng problema. Nakakapagod kasi ang pabalik-balik ng Australia, Pilipinas, at Japan. Mas gusto niyang sa Pilipinas manirahan dahil naroon ang mga kaibigan niya at mas hiyang siya sa klima doon.
Halos kakatapos lang ng kumpetisyong sinalihan ng DRC sa California---ang Monster Energy Cup. Malapit na din ang grand opening ng kanilang pinagawang building sa Alabang at iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit minamadali niyang sa Pilipinas na manatili ng pangmatagalan.
Napatango-tango naman ang kanyang ama.,"Okay, kiwotsukete." anito sa salitang hapon na ang ibig sabihin ay 'Ingat ka'.
"Hai, Papa. I'll be careful." Marami pa silang napag-usapan tungkol sa kanilang negosyo at nangako naman siya rito na hindi naman siya magpapabaya kahit pa malaking oras ang ibinubuhos niya sa motocross. Maya-maya pa ay nagpaalam na siya dahil may mga bagay pa siyang kailangang asikasuhin.
"WHAT are you doing here?" biglang nanlaki ang mata ni Satoaki nang makita ang kababata niyang si Yuri na nakaupo sa mahabang sofa sa kanilang living room. May dalawang malalaking maleta sa harapan nito. Ngayon ang nakatakdang araw ng pag-uwi niya sa Pilipinas kaya maaga siyang nagising. Parang alam na niya kung bakit nasa bahay nila ang babaeng ito.
"Obvious ba? Sasama ako sa'yo pag-uwi sa Pilipinas!" wika nito na sinabayan ng pag-ikot ng mata.
Not again! Talagang hindi siya tatantanan ng kababata. Nagtalo sila nang nakaraang araw dahil ayaw niyang pumayag na sasama ito sa kanya pabalik ng Pilipinas. Naging ugali na nito ang pagsunod-sunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Nakasanayan na niya ang pagiging sakit ng ulo nito dahil isa itong spoiled brat na siya ang ginawang self-appointed tagapagtanggol nito sa tuwing nasasangkot ito sa gulo.
BINABASA MO ANG
Dirt Riders Club Series 5- SATOAKI MAEDA (The Lapper's Choice)- PREVIEW ONLY
RomanceSatoaki Maeda, the happy-go-lucky in the team. Hindi siya naniniwala sa 'love' dahil tingin niya ay isa lang iyong malaking kalokohan. On the other hand, Yuri Takashi--- vowed that no matter what happen she is going to be Satoaki's wife by hook or...