Hindi ko alam
Ni: Samantha Curamen
May mga bagay pa rin pala na hindi ko alam.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang malaman o makakadagdag lang sa kaguluhan.
Hindi ko alam na nasasaktan ka na.
Hindi ko pa pala alam na pagod ka na.
Akala ko nga alam ko na lahat,
Pero ang ngiting pinapakita mo sa akin hindi pa pala sapat.
Hindi ko alam na tuwing gabi pala umiiyak ka.
Hindi ko pa alam na kahit na pagod ka na hindi mo ako nagawang saktan.
Mali ako. Mali ako sa mga iniisip ko.
Hindi dapat ako humingi ng mas higit pa sa makakaya mo.
Ang alam ko lang kasi ay mag magaling.
Yung mga pangako na hindi ko na tupad na sa akin rin pala mismo nanggaling.
Akala ko ako lang ang nagdudusa.
Akala ko ako lang ang nagmamahal.
Yun pala, may mas hihigit pa pala sa nadarama ko.
Wala ng ikaw at ako. Wala ng tayo.
Akala ko magiging madali sa akin ito.
Akala ko tanggap ka lang ng tanggap ng mga salita ko.
Ang hindi ko alam, sobrang sakit na pala ng sinasabi ko.
Ngunit kahit ganun, wala akong narinig sayo na kahit anong reklamo.
Akala ko kaya ko na.
Kaya ko na ng wala ka.
Binitawan ko na naman ang mga salita na alam ko na makakasakit sayo.
Akala ko manhid ka, hindi pala.
Ako ang manhid. Ako ang hindi nakakaramdam.
Hindi ko man lang alam na nasasaktan na kita.
Inisip ko lagi ang problema nating dalawa.
Hanggang sa natambakan na lang ng puro hinala.
Sa huli, naging totoo lahat ng inisip ko.
Hindi ko man hiniling. Pero naging totoo.
Tamang hinala na naman ako.
May karapatan pa ba ako?
Naging kampante ako.
Pinilit kong alisin ang mga negatibo.
Pero habang tumatagal,
Nawawala na rin pala ang pagmamahal mo..
Hindi ko pa alam.