Chapter 2: Hundred Evil Soul's Parade XXII

1K 73 5
                                    


Thank you pala sa mga masugid kong readers at voters.

Thank you din sa mga nagcocomment!

Specially for :

Euph0r1a
L_Rein
takashi-nakahara
Omorfifi
pocholomerino
DarkDeciple

Talaga namang sibubaybayan 'nyo xDD

THANK YOU SA INYONG LAHAT PATI SA MGA BAGONG READERS KO!

*NOTE: Ang beast mode ni Jyx ay iba sa beast mode ng mga clansmen niya.


COMING SOON ANG NEXT CHAPTER!


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


JYX POV

<From now on, your blood flows into the veins of your clansmen. Any upgrade in your race, blood, or any characteristics that can affect your later generations will automatically apply into the first generation of the Crowe Clan.>


<Total number of clansmen: 37/100

Novice Life Magus: 23
Novice Death Magus: 14>


<As a Novice Life Magus, They can only choose one skill below:

-Life Steal
-Chimeranologist
-Raise the dead>


<As a Novice Death Magus, They can only choose one skill below:

-Gorgon's Eye
-Curse: Barang
-Raise the dead>


At marami pang mga notification ang lumabas about kung sino-sino ang mga nag accept at ang pagkakaroon nila ng lesser version ng aking beast mode na skill.

Lahat sila nag-accept at walang tumanggi! Isa-isa ding nagsimula na maging puti ang kanilang mga buhok at maging silver ang kanilang mata!

Matapos ang mabilis na proseso ng pagbabago ng kanilang pisikal na katawan ay hinati ko sa dalawa ang grupo.

Ang mga Novice Life Magus sa kaliwa at sa kanan ang Novice Death Magus!

Napag-alaman ko from them na hindi sila ang namili ng kanilang class. Binigay na lang ito sa kanila!

Inisa-isa at pinagsama-sama ko lahat ng mga into minor group lahat ng magkakaparehas ng skill na pinili at ipinapaliwag ko sa kanila ang skill na ito para maliwanagan ako.

Labing walo ang pumili ng Life Steal! Kaya nitong higupin ang buhay ng isang kalaban basta nasa loob lang ito ng 50 meters from the user but at the same time ay hindi makakagalaw ang user! Kapag gumalaw ang user ay maka-cancel ang life steal!

Dalawa naman ang pumili ng Chimeranologist! Kaya nitong bigyan ng kakayahang buhayin ang isang experiment mula sa iba't ibang uri ng species. Halimbawa, Ang ulo ay lion, ang katawan ay tao, ang buntot ay sa scorpion at ang pakpak ay sa agila!!!

Tatlo naman sa mga Novice Life Magus ang pumili ng Raise the dead which is alam ko na sa pangalan pa lang.

Sa mga Novice Death Magus naman ay apat ang pumili ng Gorgon's Eye. Kaya nitong gawing bato ang isang tao na nasa loob ng area ng eyesight nila pero dapat ay hindi nila iaalis ang kanilang tingin dito dahil maka-cancel ang skill!

Apat din sa mga ito ang pumili ng Curse: Barang! Tulad ng barang sa Pilipinas, may mga insekto ang unti-unting lalabas sa katawan mo't kakainin ito!

Anim naman sa mga Novice Death Magus ang pumili ng Raise the dead!

Matapos ko silang paggrupo-grupohin ay hinayaan ko silang magdiskasyunan sa isa't isa habang iniisip ko ang susunod kong gagawin.

Ngunit!

BOOOM!

LABING LIMA NA MGA SKILL PROJECTILES SUCH AS THUNDERBOLT, FIREBALLS, GIANT ROCKS, ICEBALLS AND BLAHBLAHBLAN ANG TUMAMA SA AMIN!

Buti na lamang ay halos lahat ng mga first generation clansmen ko ay may Detect Danger na skill ngunit hindi lahat ay nakaligtas dahil dalawa sa mga Novice Life Magus na pumili ng Life Steal ang namatay sa sunod-sunod na ataki na ito!

Punong puno ng galit ang mata ko ng lumingon ako sa pinanggalingan ng ataki!

Nakita ko ang weirdong ibon na nakisawsaw sa laban namin ng YinYang One-Eyed Thousand Armed Warrior! Nakasakay dito ang lalaking nilagyan ko ng curse na Rot at may skill na something like Thunderbolt!

Bukod dito ay may mga grupo ng tao na tumatakbo! Marami sa mga skill na tumama sa mga tao ko ay galing dito!

Pinangako ko sa sarili ko na simula ngayon ay poprotektahan ko ang aking mga magiging pamilya pero ano? Kakasali pa lang nila sa aking angkan pero may namatay na agad na dalawa!

PUTANG INA!

BULLSHIT!

Ramdam ko na ang dugo ko'y naakyat na sa ulo ko!

Gusto kong ilabas ang galit ko!

Gagamit na sana ako ng beast mode pero natigilan ako ng may iba't ibang liwanag at mga tunog ang tumunog sa likod at tabihan ko!

May mga gumamit ng life steal! Mula sa mga kalaban ay may tila kulay puti na usok ang lumalabas sa katawan nila at mabilis na naglalakbay putungo sa grupo ng mga may Life Steal!

Unti-unting nangungulubot ang mga katawan ng mga kalaban at namumuti ang mga buhok ng mga ito! Mabilis silang tumatanda!

May mga naging bato bigla! May mga biglang gumugulong sa tabi habang may nalabas na iba't ibang insekto sa katawan nila! May mga katawan ng mga gwardiya na pinatay ng mga kaluluwa ko ang naging zombie!

May mga nagamit din ng Ice spear at fire ball na dati nilang skill bago sila makasali sa Crowe Clan! Ang mga taong naging bato ay nawasak. Habang ang iba sa mga kalaban ay naging bato din at winasak muli!

Napangiti ako bigla sa sinaryong ito.

.

.

.

.

.

Hindi na ako nag-iisa...


"Ipakita natin sa kanila kung paano magalit ang Crowe Clan!!!! Beast Mode: UNLEASH!!!!!"


Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon