Nakatayo lang ako ngayon sa tapat ng bintana ng aming kwarto at pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng masayang dala-dala ang kanilang mga bagahe upang bumalik sa normal na mundo. Ba't ba kasi ang dami kong nilabag na school rules? Ayan tuloy, hindi ako makakalabas ng campus.
"Sure ka Jasmin, okay lang na maiwan ka rito mag-isa?" Pagtatanong sa akin ni Bea habang dala-dala ang maleta niya. Gusto niya nga na samahan na lang ako pero sabi ko 'wag na. Ilang buwan niya ring hindi nakita ang mga magulang niya, sayang naman yung chance na 'yon 'no.
"Okay lang ako, ano ka ba!" Sabi ko sa kanya. "Pumunta ka na sa Quadrangle, nandoon yung portal pabalik sa normal na mundo,"
"Mami-miss kita!" Yumakap pa sa akin si Bea. "Ang dami pa naman nating plano na gawin kaso hindi rin pala matutuloy dahil sa mga school rules"
"Ang O.A. mo naman, tatlong araw lang tayong hindi magkikita 'no. Tsaka ikaw ang mag-ingat doon, ligtas naman ako rito kasi nasa loob ako ng Altheria Academy."
"Hayaan mo bibili ako ng marami DVD para may mapanuod tayo rito pagbalik ko." Huling sabi sa akin ni Bea at naglakad na siya palabas ng silid.
Pinagmasdan ko lang muli ang mga naglalakad na estudyante paalis at nagbitaw ako ng isang mabigat na buntong hininga, "Nakakalungkot naman, paniguradong iilan lang ang mga estudyanteng maiiwan rito ngayon."
"Jasmin, simula ng trabaho mo. Tumulong ka sa library mag-ayos ng mga ginulong libro," Biglang may nagsalita sa pinto—Si sir Steven. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa naming mag-school service eh malaking parusa na nga yung hindi nila pagpapauwi sa amin.
"Opo sir! Magbibihis lang po!" Malakas kong sigaw at nagbuntong hininga muli. Oh well, wala na akong magagawa, nandito na ako sa sitwasyon na ito... tatanggapin ko na lang.
Matapos kong magpalit ng damit ay dumiretso na agad ako sa School Library at pinagmasdan ang mga nakakalat na libro na pinaggamitan ng mga estudyante. "May mga estudyante talaga na hindi tinuruan ng man—"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng may biglang tumunggo sa balikat ko at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng library. "Magrereklamo ka na lang ba d'yan? Kaya wala kang natatapos eh."
Noong marinig ko ang boses niya ay agad naman akong nakaramdam ng inis. Sino pa ba!? Iisang tao lang naman ang napakagaling mang-inis dito sa buong Altheria Academy—Si Red.
Padabog akong naglakad papasok sa library, mabuti na lamang ay wala rin yung librarian namin dahil um-attend ito ng meeting na sa tingin ko ay mamaya pa rin mamatapos. Nagsimula na akong magdampot ng mga libro at may naisipan akong bagay na gawin para mas mapabilis ang pagliligpit ko sa mga nakakalat na libro.
"Uy Red." Pagtawag ko sa kanya.
"What?"
"Hati tayo sa pagliligpit ng libro oh. Ako sa right side, ikaw naman sa left side," Paghahamon ko sa kanya. Best cleaners kaya ako nung nag-aaral pa ko sa normal world, walang makakatalo sa akin sa bilis sa paglilinis.
"Ano naman ang mapapala ko kung papatulan ko 'yang kabaliwan mo?" Masungit na sabi ni Red habang naglalagay siya ng mga libro sa isang shelf.
Ano nga ba? "Kapag ako ang nanalo, sagot mo lahat ng kakainin ko for this whole day." Tamang-tama! Medyo naiinis pa naman ako dahil hindi ako makakabalik sa normal world kaya idadaan ko na lang sa kain. O-order ako ng maraming Cheesecake.
"When I win, what is the prize?" Pagtatanong niya. Buti na lamang at kami lang ang tao rito sa library kaya Malaya kaming nakakapagsigawan dahil malayo ang pagitan naming dalawa. "Alam ko na, you will help me sa mga synthesization na ginagawa ko for three days."
BINABASA MO ANG
Altheria: School of Alchemy
FantasyJasmin used to believe in alchemy and her grandfather's stories about it. But as she grows older, she too grows up and considers his tales a myth for kids. That is, until she turns seventeen--with her life put in danger--and she is forced to start b...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte