CONGRATS SA AKIN!! HAHAHAHA NATAPOS KO DIN CHAPTER 2!!!!
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Agad namang nagulat ang mga kalaban sa counter attack namin. Ang 45% ng mga kasamahan nila ay agad namatay sa pagganti naming iyon!
"Retreat! Shit!" Sigaw ng Mayor.
Hindi pa man naiisigaw ito ng mayor ay mabilis nang nawala ang yabang at confidence ng mga tao nito at ng lalaking may weirdong ibon! Mabilis ang mga itong tumakbo upang iligtas ang kanilang sarili!
Dahil huli na nang matauhan ang Mayor ay isa siya sa mga huling nakaligtas sa aming counter attack!
Unti-unti ng nagiging bulky ang katawan ko. Humahaba ang kuko ko at ramdam na ramdam ko ang kapangyarihan na dumadalow sa buong katawan ko! Simula ng magchange class ako ay hindi na ako nawawala sa sarili ko. Hahahaha
Mabilis namang naglabasan ang mga masasamang kaluluwa sa katawan ko! Nagsimula nanamang mag-ingay ang mga ito! May mga tumatawa sa kabaliwan, umiiyak sa pighati at sakit, may mga humihingi ng tulong at may nanghihikayat na sumama sa kanila!
Habang tumatagal na nasasanay ako sa mga ito ay nagiging musika na ito sa pandinig ko!
"BEAST MODE:ON!"
"BEAST MODE:ON!"
"BEAST MODE:ON!"
"BEAST MODE:ON!" ......
Parang naging switch on ng isang grinding machine ang paggamit ko ng beast mode! Sunod-sunod na nagbeast mode ang thirty-five na myembro ng Crowe Clan ko!
Mas naging bulky din ang mga katawan ng mga ito kaysa dati, nangitim ng uling ang kanilang mga kuko at mata. Humaba din ang mga kuko ng mga ito na kasing haba ng kay wolverine!
Itinaas ko ang nag-iisa kong kamay!
"THREE HEAD SIX ARM FORMATION!!!!!!!!!!" sigaw ko ng malakas!
May mga pulang runic circle ang lumabas sa malapit sa katawan ko!
Ang three head six arm formation ay nakuha ko ng mapatay ko ang YinYang One-Eyed Thousand Armed Warrior! Simula ng makuha ko ito ay pinag-aralan ko ito gaya ng Catherine Wheel Formation!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko ng todo-todo sa sobrang sakit na nadarama ko!
Tinubuan ako ng limang kamay na bulky din at katulad na katulad ng kaliwa kong kamay! Mabilis namang nahahati sa tatlo ang aking ulo!
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!! TANG INAAAAA!!!!!!!"
AHHHHHHHHHHHHHHHH!
AHHHHHHHHHHHHHHHH!
AHHHHHHHHHHHHHHHH! ....
.
.
Sunod-sunod naman na sumigaw ang mga bagong myembro ng Crowe Clan ko na tila naging isang grupo kami ng asong lobo na sabay sabay umaalulong!
"TIGNAN NATIN KUNG MAKAKATAKBO KAYO!"
"TIGNAN NATIN KUNG MAKAKATAKBO KAYO!"
"TIGNAN NATIN KUNG MAKAKATAKBO KAYO!"SIGAW NG TATLO KONG ULO!
.
.
.Pinangako ko sa sarili ko!
Pinangako kong poprotektahan ko ang mga kapamilya at mga kaibigan ko!
Pinangako kong poprotektahan ko ang Crowe Clan!
Noon!
Wala akong magawa kung hindi panoodin sa takot na patayin isa-isa ang mga malalapit sa akin!
Wala akong kakayahan!
Mahina!
Walang kwenta!
Pero iba na ngayon!
Ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko sila pero ano?
Wala pang isang araw pinatay 'nyo na ang dalawa sa kanila!!!!!
PUTANG INA NINYO!
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
.
.
.
Mabilis kong hinagad ang mga ito! Sumunod sa akin ng sabay sabay ang mga ka-clan ko!
Makikita mo ang takot sa mukha ng Mayor at ng lahat ng taong umataki sa amin. Lahat ng natira sa kanila ay nagmamadaling tumakas paloob ng evacuation center!
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"TULONG!!! MGA DEMONYO!!!!!" Sigaw ng mga ito habang takot na takot na tumatakbo sa evacuation center.
Kitang kita mo ang malagkit na pawis sa mukha ng mga ito! Ang mga takot na nagpapataas ng mga buhok nito!
Lalo pang namutla ang kanilang buong katawan ng marinig at makita nila ang mga masasamang kaluluwa na humahabol sa kanila!
Sa gitna ng panganib na ito ay nakita ko ang kislap ng pagkaduwag sa lalaking nalipad sakay sa ibon!
May mga nakakasalubong kami ngunit agad namang nagtatago sa sulok at nagtatatakbo ang mga ito sa takot!
"LAHAT NG HAHARANG SA MGA DEMONYONG ITO AY BIBIGYAN KO NG ISANG KILONG BIGAS AT ISANG SKILL BOOK!" sigaw ng nakaibon.
"HINDI! MALI! SAMPUNG KILO AT LIMANG SKILL BOOK!" sigaw ng Mayor habang natakbo!
Biglang nag-iba ng direksyon nang lipad ang ibon ngunit hinarang agad ito ni Alpha! May lumabas na itim na kamay sa unahan nito at agad na isinuntok sa ibon!
Kahit na ano pa mang skill o spell ang meron ka! Mawawala ito sa isip mo sa gitna ng pagkatakot at pagkakaba!
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Maraming nag-alinlangan kung susunod sa mga offer ng Mayor! Ang gutom, bullying, pagkaawa sa sarili at kung ano-ano pang negatibong emosyon ang tumulak sa iba upang harangan at labanan ang grupo ni Jyx.
Subalit para itong kutsilyo na inihiwa sa painting! Papel lang lahat ng dinadaanan. Punit lahat ng humarang! Para itong isang malaking truck na dumire-diretso sa gitna ng mga nagpo-protesta sa kalsada! PUNIT LAHAT NG DAANAN!
Tila naging parada ng mga multo at demonyo ang paghabol nila Jyx sa takot na takot na Mayor! Lahat ng humarang at medaling napupunit!
Maririnig mo ang iba't ibang sigaw ng paghihinagpis at pagkabaliw ng mga kaluluwa kasabay ang sigaw ng mga naglalakas ng loob na humarap dito. Ang sigaw ng mga ito bago mamatay at ang mga sinasabing pagsisisi. Lahat ng mga ito'y tila naging musika na maririnig mo sa buong evacuation center na nagdala ng takot na sagad hanggang buto sa mga tao dito!
.
.
.
.
.
Ang musika ni kamatayan!
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Science FictionAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...