Alas tress...

1.2K 31 0
                                    

Chapter 10

Nakauwi ako ng umagang din iyon. Ano man ang mga mangyayari ay ipagdadasal kong mawawala na ang bigat na kinakaharap ko. Lalo nasa mga nalaman ko.

Hindi malabong may mga dahilan ang bawat paramdam at mga totoong nangyayari. Kailangan kong pagtuonan ng pansin iyon. Ayaw kong sa bandang huli ay ganoon pa rin ang mangyayari. Natatakot ako.

Hello, Patty!

Kinuha ko siya sa may sofa. Nakadapa siya at nakatingin sa dingding. Naninibago ako sa alaga kong aso dahil dalawang beses ko na siyang nakitang ganyan.

“Are you sick? tanong ko kahit na hindi niya iyon masasagot.

Umuni lang siya na parang naiiyak. Kumunot ang noo ko. O baka gutom lang siya. Nang binigyan ko naman siya ng pagkain ay nagtaka akong inamoy lang niya iyon. Kinuha ko siya ulit.

Ipapa-check kita kung may vecant time ako, okay? sabi ko habang hinahaplos ang likod niya.

Kumahol lang. Sinama ko siya sa itaas para makatulog muna kahit sandali lang. Ramdam ko pa rin ang alak sa sistema ko. Nang makapasok na ay saka ko binitiwan ang alaga kong aso sa kama. Umupo lang siya ulit at nakatingin sa dingding. Tumayo ang balahibo ko sa batok ng kumahol siya. Nilapitan ko siya at pinatahan pero ganoon pa rin.

Tiningnan ko ang dingding at wala akong makita doon na kahit ano para ikatahol ng aso ko. Tumahan din siya ng kinarga ko.

“Matatapos din ito Patty. At kapag nangyari iyon uuwi na tayo ng Canada...” sabi ko at hinaplos siya ulit.

Regalo ni Jester si Patty sa akin. Kahit ito na lang ang alaala niya ay iingatan ko pa rin. Kahit na niloko niya ako. At niloko ako ng magulang niya.

Tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko, sinagot ko iyon. Si Mike ang tumawag.

Hi.Bati niya sa kabilang linya.

Hello. Napatawag ka?

Umupo ako sa kama na karga pa rin si Patty na nasa binti ko ngayon.

“Libre ka ba bukas?

Why? I asked because I’m curious.

Humalakhak siya sa kabilang linya. Umihip ang hangin sa bintana ng kuwarto ko.

Puwede ba kitang imbitahan sa isang date?

Tumawa ako sa kanya. Sure, why not. I’m sorry last night, Mike. I’m cold that’s why...” sabi ko.

It’s okay. Where are you now? Nakauwi ka na ba?

Yeah. Nasa apartment na. Ikaw?

Nasa opisina...”

Busy ka ah? I asked. Biglang tumalon si Patty at kumahol.

Oh... galit yong aso. tumawa ito sa kabilang linya.

Inabot ko si Patty at tinahan. Umihip na naman ang hangin kasabay n’on ang pag-ulan ng malakas.

Yeah kanina pa iyan ganyan, by the way what time ang date? ngumiti ako.

Maybe 3 pm ng hapon? Hindi ka ba busy niyan?” Aniya.

 Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon