When a GANGSTER Say , SHUT UP ! (on-going story)

52 0 0
                                    

When a GANGSTER Say , SHUT UP ! - Prologue

Sabi nila ..

Masaya at makulay  ang buhay pag may Lovelife ..

Para sa akin naman ..

Mas enjoy ang pagiging Loveless .

No LoveLife . No Heartbreak .

No Boyfriend and No Commitment .

Less Obligations . No Dates .

More Sleep .

It's called Single Life . No Hassle .

Pero pano pag dumating yung taong magpapabago ng pananaw kong ito ?

Handa ba akong sumugal ?

Bye bye Single Life na ba ?

At Hello , Love Life ?

**********************************

"Happy birthday , Seira !"sabay na bati namin ni Jade .

Kasalukuyang nasa bar ako . Kasama ang dalawa kong kaibigan . Doon namin napiling magcelebrate ng birthday ni Seira .

Umorder sila ng tag-iisang alak .

"Juice lang sa akin ."ani ko .

"No . Walang iinom ng juice !"si Jade .

Nagpout lang ako . Inabot na sa akin ang isang baso na naglalaman ng alak .

"Cheers ! Para sa birthday girl !"sigaw ni Jade .

Tatlo lang kaming magkakasama , pero kung makasigaw siya parang lahat ng tao sa bar kasali sa pagse-celebrate ng birthday ni Seira .

Kahit kailan talaga , hindi ako nasarapan sa lasa ng alak . Kung wala lang okasyon ngayon , hindi ako iinom .

Napabuntong-hininga na lang ako ..

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi nalalasing si Saichi !"ang sabi pa ni Jade . Ang dami talagang pakulo nito .

"Ha ?"pagkabigla ko ."Alam niyo namang mahina ang alcohol tolerance ko .. Madali akong malasing .. Gusto niyo bang hindi ako makauwi ?"

"Pa-birthday mo na sa akin yun .."ani Seira . "Walang uuwi , hanggat walang nalalasing sa ating tatlo .."dagdag pa niya .

"Yeah ! Party party tayo ngayong gabi !"Lakas tama itong si Jade .

Wilab talaga ang dalawa na to .. Magpapakalasing kami ngayong gabi ? Oh My Gee !

"Osige . Kayo na lang .."tugon ko .

"Ang KJ mo talaga Saichi ! Kaibigan ka ba talaga namin ?"Seira.

"Ako na lang mag-uuwi sa inyo pag nalasing kayo .. Atleast safe kayo di ba ?"

"Tsk ! Tsk !"si Jade . Sabay inom ng alak .

"May naisip ako , Jade !"ani Seira na parang kumikinang ang mga mata .

"Ano ?"

Im sure , kalokohan na naman yan ..

"Since , hindi uuwi ng lasing si Saichi .. May plano ako para sa kanya .."

"Plano ?"pagkabigla ko .

Kabahan ka na , Saichi .. May mapulang balak yang si Seira sayo ..

"Gusto ko yang mga bigla mong naiisip e ."si Jade .

Sila na magkasundo .

Umakbay sa akin si Seira .

"Hanapan mo kami ng partner ni Jade .. Magsasayaw kami sa dance floor .."sabay ngiti .

When a GANGSTER Say , SHUT UP ! (on-going story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon