Chapter 4 ~ Like a Family

116 4 0
                                    

Chapter 4 ~ Like a Family

“Hero, anong ginagawa mo rito?”  tanong ko kay Hero ‘pag lapit niya sa amin.

“Hinahanap ko po kasi kayo.” Sabi niya sabay upo sa pangatlong swing.

“Teka, ang bata-bata mo pa pero pagala-gala ka na.”

“Mama, wag ka na magalit, nagpahatid naman ako kay Tito Arth dito eh, alam ko po kasi na dito ko kayo mahahanap.” Napanatag naman bigla ang loob ko.

“Mabuti.”

“Papa, para sa’yo oh,” sabi ni Hero kay Kiel sabay abot ng paper swan niya.

“Para saan ‘to?” tanong ni Kiel nang nakangiti.

“Punta ka po sa kasal ng ate ko.” Sabi ni Hero. Nagtaka naman si Kiel at tumingin sakin, nagkibit-balikat lang ako.

Tumambay muna kami roon, nagkwentuhan at nagtawanan. May dalang camera si Kiel sa maliit na bag niya kaya sinet niya ‘yun sa timer at nagpicture kami.

“Ayan, ayos na, game na ah?” sabi niya sabay pindot sa camera, tumakbo agad siya sa pwesto namin at nagsimula na ang timer ng camera.

“Hero, magsmile ka ah.” Nakasmile na kaming lahat. 

“Wow, ang ganda!” sabi ni Hero pagkakita niya sa picture namin. “Para po kayong tunay kong mama at papa.” napangiti ako sa sinabi niya. Para kaming tunay na pamilya.

“Oo, pero ngayon, uuwi na tayo dahil pagabi na.” sabi ko naman.

“Sige mama, baka hinahanap na nila tayo eh.” Sinabi naman ni Kiel na hihahatid niya daw kami, pumayag na din ako dahil gabi na at kasama pa namin si Hero.

Kinabukasan, araw ng Lunes, walang pasok ngayon ang school namin dahil may pupuntahan daw na seminar ang lahat ng teachers. Maaga namang nambulabog sa bahay si Kiel.

“Apryl, gising ka na, nandito si Kiel!” sigaw ni mama mula sa baba.

“Mama, narinig mo ‘yun? Si papa daw nasa baba.” Sabi sakin ni Hero habang niyuyugyog ako. “Gising ka na mama.”

Agad naman akong gumising at bumaba na kami ni Hero.

“Good Morning.” Sabi ni Kiel nang may malaking ngiti sa labi na medyo natatawa.

“Oh, anong problema at natatawa ka d’yan?” tanong ko.

“Haha, wala, wala.” Tapos mas lalo pa siyang natawa.

“Mama, pinagtatawanan ka ni Papa.” Sabi ni Hero.

“Oy, hindi ah.” Sabi ni Kiel, hindi daw eh no? Pero tawa ng tawa.

“Hay nako Kiel, tawa ka siguro ng tawa dahil mukha akong bruha dahil hindi pa ako nakakasuklay ng buhok.”

“Hindi ‘yun. Kasi,” tapos bigla siyang tumawa ulit, this time mas malakas,”may panis na laway ka pa. ”

Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala, hindi pa ako naghihilamos. Agad akong tumakbo sa banyo para maghilamos, magtoothbrush, magsuklay at kung anu-ano pa. Badtrip ka Kiel, imbis na hindi ako conscious sa itsura ko eh. Grabe siya makatawa nang dahil lang sa panis na laway. Naku Kiel lagot ka sakin pagnakalabas ako dito! Ang aga-aga mong panira. Binabawi ko na, ‘di na kita crush.

Paglabas ko ng banyo, nakita ko sina Kiel at Hero na nakaupo na sa dining table kasama ang family ko. Nakangiti sakin si Kiel. Okay, binabawi ko na ‘yung kanina, crush na ulit kita. Lumapit ako sa kanila.

“Miss laway, makikikain ako kasama ang pamilya mo ah.” Sabay tawag sakin ng miss laway? Grrr.

“Che.” Tinarayan ko siya tapos umupo ako sa tabi ni Hero.

I Will Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon