Chapter 18

311 33 14
                                    

Kurt's Point of View


Ever since Irish confessed to me, hindi talaga ako makalma sa sarili ko kapag andyan siya. Tinatrato pa rin niya akong normal na parang walang tingin habang ako nagpoproblema paano ko sabihin yung nararamdaman ko sa kanya.


"Bye bye. Love you din", narinig ko sa kanya galing sa kwarto niya. Agad akong sumilip sa kwarto niya, nakangiti pa ang babaitang iyun habang nakatingin sa bagong iPhone 7 niya.


Anong 'loveyoudin'? Pinagloloko ba niya ako? Akala ko ba ako ang gusto niya? Badabog akong pumasok sa kwarto niya at nagulat siya na pumasok ako.


"Sino yung kausap mo sa phone?!", matabang kong tanong sa kanya habang nakakunot noo.


"H-Hah? Si R-Rocky lang naman---"


"Bakit mo siya sinabihan ng 'love-you-din'? Boyfriend mo ba siya?!", hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit at pinaharap yung mukha niya sa akin. Naiinis na talaga ako! Bakit ba may ka labyodin siya sa phone? At higit sa lahat, si Rocky pa?!


"Bitawan mo ako Kurt", at agad ko namang binababa yung kamay niya. "Teka nga, bakit ka ba nagagalit? Nagseselos ka ba?", nakatigtig siya sa akin habang nanlaki yung mga mata niya at naghihintay sa sagot ko.


Agad naman akong namutla sa tanong niya sa akin. Kinakabahan ako na parang ewan. "H-Hah? A-Assuming mo din noh? N-Nagagalit lang ako k-kasi sa-sabi mo na gus-to mo a-ako pero m-may ka i-lab-y-you ka naman pala eh. Niloloko mo ba ako?",  nauutal kong sabi habang hindi makatingin sa kanyang mga mata.


Muli akong sumulyap sa kanyang magandang mukha at naglungkot ito at ngumiti siya sa akin mapait. "Haha, bakit magtanong pa ako? A-Alam ko naman na hindi mo talaga ako gusto eh", mahina siyang pafake na tumawa sa tapat ko.


Bwuset ka Kurt! Kung sinabi mo na lang sana na gusto mo siya kanina! Bakit wrong timing ka nalang palagi?!


Gusto kong sapakin yung sarili ko dahil hindi ko man magawang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. It was a perfect chance! Heh! Nakakabwuset ka na talaga Kurt! Bakit ang torpe mo?!


"S-Sige, Kurt. Maglilinis pa ako sa bakuran", paumanhin niya at lumayas na sa harapan ko. Napasandal nalang ako sa pinto nung inisara na niya iyun.


What the heck am I doing?! Ang saya-saya ko kasi gusto ako ng babaeng gusto ko pero hindi ko din magawang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Nakakainis na 'to?! Hindi naman niya ako babastedin eh. Hindi naman eh kasi gusto niya ako pero bakit hindi ko pa rin magawang sabihin sa kanya?!


Napamura nalang ako sa inis na raramdaman ko sa sarili ko. Nakakainis na 'to. Nakakairita. Simple lang naman sabihin ang 'I like you', diba?! Bwuset na talaga 'to.


Napabugtong hininga nalang ako nung may nakita akong notebook sa lamesa. Nakuha yun ng attensyon ko at agad ko naman iyun kinuha.


Dear Diary,


Paano na 'to? Nasabi ko na sa kanya ang lahat? Ano bang hihintayin ko? Hindi dapat ako aasa, nasasaktan na ako ng todo. Nakakainis na 'to.

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon