Chapter 17: Just shout
Narrator
"Guys? Let me explain!" rinig na rinig sa buong classroom ang boses ni Daphnie na panay ang katok mula sa labas.
Ngunit tila wala ni isang nakaririnig sa kanya. Nanataling tahimik ang lahat hanggang sa nawala ang boses at pagkatok niya. Lahat sila'y nakatungo habang nakaupo sa kanilang mga sariling upuan. Malalim ang iniisip....maliban sa isa.
"Ano ba yung ibig sabihin ng I'm leaving?" kunot-noong tanong ni Chikito
"Pakamatay ka na" sagot sa kanya ni Bentot
"Tubol! Ano nga?" halata sa tono ng pananalita niya na naiinis na siya.
"Nagpaalam si Daphnie." Sagot ni Jerome
"Baket mamamatay na ba siya?" tanong niya dahilan para batuhin siya ng libro ni Kekem. "Masakit yon ah! Bakit ba!?" naiinis na sigaw niya.
"Tanga aalis na siya, iiwan na tayo"
"Aalis? Saan pupunta?" naguguluhang sabi ni Chikito kay Kekem.
Napakibit-balikat lamang sila.
"Pambihira! Hindi niyo man lang tinanong bakit siya aalis? Malay niyo babalik naman pala siya---" natigil sa pagsasalita si Chikito nang biglang tumayo si Luke sa harapan.
"Hindi lahat ng umaalis, bumabalik pa," malamig ang kaniyang mga titig at tila hindi nagugustuhan ang nangyayari, "I fucking warned you but you didn't listen. You let her enter our lives and now she will just leave us hanging."
"But we should have let her explain."
"Oo nga. Tama si Anthony." pagsang-ayon ni Joseph
Tumango-tango naman sina Daniel at Michael, "Yeah."
"Mention her name one more time, you will be out of this section." mariing utas ni Luke na nakapagtahimik sa lahat.
Daphnie Kisha's Point of View
"Condolence pakisabi na lang kay Ms. Alcantara."
Tumango ako kay Sir James, Geometry teacher namin. Tumunog ang bell paglabas ko ng faculty room. Lunch break na. I immediately called Sassa's number, she answered after three rings.
["Why?"]
"Kumain ka na? Pauwi na me" I said
["Not yet. I'm waiting for you. Bilis."]
Aww sweet. Hinihintay ako. Hehe. "Okay coming!"
toot toooot tooot
I put my phone inside my pocket. Natigilan ako nang makita ko ang mga Newton, it looks like they are on their way to the cafeteria.
Hinintay kong tingnan nila ako..kahit isa lang sa kanila, but no one did. Nilampasan lang nila ako na para bang hindi nila ako kilala. This is so frustrating. Is it really my fault?
Napailing ako sabay buntong-hininga.
* * *
"What happened to you?" naabutan kong naglalagay ng plate si Sassa sa dining. Lumapit ako at umupo.
I pouted, "They are mad at me and I don't have any idea why"
"You don't have any idea, really?" she said
I nodded, "Uh-huh."
Napailing siya at umupo na rin. We both ate silently. I think maloloka ako kaiisip kung ano bang nagawa ko. I just told them that I am going to leave. What's wrong with that? Babalik naman ako eh..
BINABASA MO ANG
Newton's Princess Vol. 1 [COMPLETED]
Humor[NEWTON 1] Daphnie needed to transfer to a different school due to the conflict she has had with her half-sister for several years. Only to find out that her classroom for ninth grade will be filled with many boys who hold a single rule. Newton's ru...