Isang tula lang naman 'to.
Napaka-imposible nga naman.
Kung sana naging maingat ako noon,
Hindi sana ako nasaktan sa pangalawang pagkakataon.
Kung sana di ko na ipinagpilitan,
Hindi sana ako aasa ng ganito.
Ako kasi tong si lagi niya kong kinakausap, baka gusto niya rin ako
Ako kasi tong si hala hindi siya kumontrang magkatabi kami compared sa dati
Ako kasi tong palagi na lang hinahawakan niya na naman kamay ko
Ako kasi tong hindi nag-iisip at naniniwala sa tuwing sasabihin ng kaibigan ko na masanay ka na, hindi lang siya sa'yo ganyan
Ako tong nabulag.
Walang pinaniwalaan.
Naging martyr.
Nahibang.
At higit sa lahat, nagmukhang talunan nang mahulog na naman ako sa kanya.
Tang ina, kupido.
Bakit ba sa lahat ng pwede, siya na naman?
Ay, pasensya na.
Salamat din pala kasi nagkabalikan kami.
Salamat din pala kasi hindi nasayang yung paghihintay ko.
Kahit ilambeses akong si ayoko na
Suko na ko
Ang sakit sakit na may karapatan nga ba ko?
Tama na
Pagod na ko
Hindi ko na kaya
Bakit?
Sino bang nagsabi na umasa ka?
Sino bang nagsabi na maghintay ka?
Sino bang nagsabi na mag-effort ka?
Sino bang nagsabi?
Sino?
Hindi ba, wala?
Hindi ba ikaw lang din yung nagsabi sa sarili mo?
Yung umuto sa sarili mo.
Kasi ginusto mong maging posible
Na maging kayo ulit.
Kasi hinayaan mong utusan ka ng puso mo
Nagkabalikan nga kayo pero marami naman siyang binabanggit na babae.
Nililingon na babae.
Oo, maging fan ka na ni Kathryn Bernardo
Liza Soberano
Nadine Lustre
Janella Salvador
Sue Ramirez
Oh, sino pa ba?
Ayos lang sakin yan basta hindi mo talaga makikilala sa personal.
Nagkabalikan nga kayo pero ano?
Puro babae nasa paligid niya, girl.
Ano ka ngayon?
Nahihirapan?
Kasi nagseselos ka?
Kasi natatakot ka?
Na baka may umagaw sa kanya?
Nag-away na kayo.
Kawawa ka naman.
OVERTHINKING KILLS.
Gaano katindi pangamba mo?
Ayan kasi, bat mo pa pinagpilitan?
Kung sa una pa lang naman hindi na ikaw ang gusto niya
Akala mo rin ba hindi kayo matitibag ng distansya?
At katahimikan?
Kahit maka ilang i love you, i miss you, goodnight, goodmorning ka pa
At hindi naman siya nagreply pabalik
Ang nirereply niya ay seen.
Kung hindi seen, "okay morning"
Bulag ka pa rin ba?
Bingi ka pa rin ba?
Huy, gising na.
Marami nang nagsasabi na hindi mo siya deserve.
Marami ka pa ring dahilan para kumapit sa kanya?
Ano ang pagkapit mo,
Kung siya na mismo yung nagpaparamdam ng pagsuko.
Ano ang pagkapit mo,
Kung siya na mismo yung nagbibigay ng motibo na wala na.
Ano ang pagkapit mo,
Kung siya na mismo yung unti unting nawawala.
To fall out of love is a choice.
Pinagpilitan mo sarili mo.
Girl, gising na please.
Walang magagawa yang pagreread back mo.
Magsisilbi na lang na alaala yang mga yan.
Siya na mismo nagsabing ayaw niya na
Na hindi ka na niya gusto.
Mahal.
Sandali, minahal ba ko?
Pinagpilitan ko nga pala sarili ko.
Sapilitang pagmamahal lang ang nangyari.
Ang sakit ba?
Binigay mo rin kasi lahat.
Too much can hurt you.
Kahit pa sinabi niyang i love you so much
Sa chat lang yan.
Naipakita niya ba sayo?
Hindi diba?
Kasi minsan lang kayo hinahayaan ng tadhana na magtagpo.
Ang hirap ba?
Ang sakit ba?
Oo eh.
Kaya nga gising na
Sa katotohanan.
Tama na sa pagsasabi ng sana ako na lang ulit
Wag ka namang bibitaw
Maghihintay tayo
Hindi lang naman ikaw yung nahihirapan
Kasi kita mo, wala na rin naman kayo.
Okay lang naman na sumuko ka kasi nakakaawa ka na rin.
Magalit ka na sa kanya sa pagbitaw niya pero wag mo siya sisihin kasi minahal ka rin naman niya.
Sinuklian niya rin naman kahit paano yung pagmamahal na binigay mo sa kanya.
Patawarin mo na lang siya.
Sorry, imposible pala.
Oo, imposible na.
Kasi hindi na kayo tulad ng dati.
Kaya tama na.
Tama na sa pag-iyak.
Tama na sa pag-asa.
Tama na sa paghihintay.
Gising na.
Nananaginip ka lang.
Tanggapin mo na.
Imposible ang gusto mong mangyari.
BINABASA MO ANG
Imposible
RandomAko na lang sana ulit. Sana... Kaya "sana" kasi imposible nga, 'di ba?