.Scared
"Get out." Pigil na pigil ang galit ko habang sinasabi iyon kay Louie. Tumiim ang bagang at dumilim ang tingin niya sa akin pero imbes na matakot ay ibinalik ko ang ganoong klaseng tingin sa kanya. "Wala na tayong pag uusapan pa Lu. You know my answer to that. I'm not giving up Wayne for your Chantal. Now, you can leave out of my office. Thank you for visiting me bestfriend." Mapait kong uyam sa kanya. Napabuntunghininga naman siya sa sinabi ko. He looked apologetic now, tho. Tumayo siya pero hindi na ako nag angat ng tingin sa kanya.
"I know this request is so selfish for you Selena, but please, just this one. I beg you." Halos magpanting ang tenga ko sa sinabi niya. I can't believe he'll stoop this low just for that girl. Umigting ang panga ko. I pity Louie. Hindi na siya ito.
"Lu. I know where you are coming from. I know you are still in love with her. And you can't see her suffering like that. I feel your pain Lu, but I can't give up the only man I love just to make your Chantal okay. She's weak, I know. Her heart is at stake. But Lu, sa tingin mo, si Wayne talaga ang sagot dito? Hindi. You have no clue of what that girl really feels, don't you?" Matamang tinitigan ko siya at hinintay ang pag awang ng bibig niya. Napabuntunghininga ako bago nagpatuloy sa sinasabi. "Come on Lu, you are not that dense. Nararamdaman mo naman sigurong ikaw ang gusto ng babaeng iyon." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Napailing ako sa kawalan nga niya talaga ng ideya.
"I'm not. Hindi ako ang mahal niya Sel. Dahil kung ako, bakit pangalan ni Wayne ang palaging bukambibig niya. Ako ang nasa harap niya pero siya pa din ang hanap niya. Do you have any idea how stupid that was? Nakakagago lang. I've waited for her for so many years. I got tired Sel. I love her still, but I don't think I can give her the chance to hurt me again. I am done with her. I tried my last luck Sel. Inilayo ko siya sa mga tao. Isinama ko siya dahil iyon ang gusto niya. Gusto niyang lumayo na kami. I was happy at first. Pero putang ina lang, ginamit lang pala niya ako para makaahon ulit. I am ready to give up on her, but she was hospitalized. Halos isang buwan na siya sa hospital. I'm giving her what she wants. She needs Wayne because he is the only one who can make Cha happy." May tumulong luha sa isang mata ni Loue habang sinasabi iyon. Naawa naman ako sa kanya kaya nilapitan ko siya at niyakap. Umiling iling siya habang yakap ko siya. "I look so stupid, am I?" He chuckled painfully. I didn't say anything. We stayed like that for an hour. Wala siyang narinig na sagot ko. Umalis siyang balisa at malungkot. Naiwan akong nag iisip hanggang sa sinundo ako ni Wayne. May mga napapatingin sa amin pero sa ngayon ay wala akong pakialam sa tingin nila. I held his hand tightly as I watch him walk. She needs Wayne because he is the only one who can make Cha happy. Ipinilig ko ang ulo ko noong maalala iyong sinabi ni Louie sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahilan upang mapahinto siya at mapatingin sa akin. Nakakunot ang noo niya.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. He smiled back then he continued his walk while holding my hand. Sa condo ko ulit natulog si Wayne ng gabing iyon. Magkayakap lang kaming natulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kagabi ay nakapagdesisyon na ako. I need to do this. I know it will be painful for the both of us but my conscience is eating me. I can't let anyone die because of my selfishness. Mas mabuti na sigurong ako na lang ang mamatay, not literally, kaysa naman iba pa ang madamay sa ganitong klaseng pagmamahal. Impit akong napaiyak habang pinagmamasdan ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Kagabi ay tinawagan ko si Bryan habang tulog si Wayne. I asked for his help. I told him the whole story. Inamin niyang naawa siya kay Wayne. Pero sabi niya, tama lang ang desisyon ko para sa ikabubuti ng lahat. Tss. Lahat. Paano naman ako? Paano naman si Wayne? I wanted to hold on and fight for this love, but I realized, the more I stay, the more I get damage, and so is he. Makakasakit kami ng iba kung ipipilit namin ito. Masakit mang isipin pero iyon naman ang totoo. Kung sana totoo lang ang hinala ko na si Louie ang talagang mahal ni Chantal, ay siguro mas magiging madali ang relasyong meron kami ni Wayne.
I left him in my condo when I finished packing my things. Babalik ako sa L.A. at doon ako pagsamantala hangga't hindi sila ikinakasal ni Chantal. I'll bear the pain of my own decisions. Mabilisan ang desisyon ko pero alam kong matatagalan ang proseso para makalimot. I know I can still move on but the scar will always remain. I love Wayne. So much. But there are so many reasons why I need to let go. I need to do this. And I need to convince myself that this is right even if my heart tells otherwise. Napabuntunghininga ako habang nakatingala lamang sa kalangitan. Andito na ako sa airport ngayon. Papasok na ako. Hinihintay ko lamang si Bryan at Loraine dahil sasama sila sa akin. Naitaon din kasing may business trip daw yung dalawang iyon sa L.A. Hindi pa pala alam ng magulang ko na papunta ako doon. I sighed heavily. Mabigat ang loob kong umalis pero kailangan. Sa isang gabi ay naayos ko lahat bago ako umalis ng Pilipinas ngayon. May inassign na akong temporary CEO sa kumpanya. Nasabihan ko na din ang sekretarya ko patungkol doon.
Kasalukuyan akong naghihintay sa dalawa noong biglang may mga unipurmadong mga lalake na pumalibot sa kinauupuan ko. Kunot noo ko silang tinignan isa isa. What the hell? Sino ang mga ito? May kinausap ang lalake sa phone nitong hawak. Tumango tango ito habang nakatingin sa akin. Maya maya pa ay lumapit na sila ng tuluyan. "Teka. Teka. Sino kayo? Saan ninyo ako dadalhin?" Kinakabahan kong tanong. Napatingin tingin ako sa paligid. May napapatingin sa amin pero walang naglakas loob na lumapit. Even the airport securities didn't help. What the fuck ia happening.
"Miss. Inutusan lang kami. Mabuti pa ay sumunod na lang po kayo para tahimik tayong makalaalis dito." Salita noong isa. Nagpumiglas ako pero agad ding nanigas noong marinig ko ang boses niya.
"Hurry up! I'll wait in the car." Malamig na saad ni Wayne. Tumingin ako sa likuran ko habang hawak pa din ako ng dalawang lalake sa braso. Tanging ang likod na lamang niya ang nakikita ko. Nakasuit siya. Hindi ko alam kung saan siya galing. Ang alam ko lang ay galit siya base sa tindig niya habang naglalakad. Napalunok ako at nagpatinaod na. Kinuha ng iba ang dala kong gamit. Noong makapasok na ako ay nagsalita si Wayne sa tabi ko. "Let's go." Maawtoridad na utos niya sa driver niya. Nakadekwatro siya at matigas ang ekspresyon dahil nakadepina ang kanyang panga. He didn't say anything after that. Nakarating kami sa isang mansyon na ngayon ko lang nakita. Lumabas siya ng hindi man lang ako kinakausap. Huminga ako ng malalim at tahimik na sanang bubuksan ang pintuan kung hindi lamang bumukas iyon at tumambad ang matigas na ekspresyon ni Wayne. "Get out." Utos niya pa. Nanginginig naman akong sumunod. Tumalikod siya sa akin noong masenyasan ang mga tauhan niya. Hinawakan akong muli sa braso ng dalawang tauhan niya sabay sunod kay Wayne. Iniwan kaming dalawa ni Wayne sa mansyon pagkapasok namin. Tahimik lang akong nakatingin sa likod niya. Nakapamewang siya at nakatingala habang nakatalikod sa direksyon ko. "Fuck." Napakislot ako noong magmura siya. Hinarap niya ako at nilapitan pagkatapos. Nanlaki ang mga mata ko noong ikulong niya ako sa pader ng pintuan. "Why did you leave me? What are you planning to do huh? I woke up alone on your bed! Shit. You don't know how it scared the hell out of me, Selena! Inulit mo nanaman ang ginawa mo sa akin noon!" Napatalon ako sa gulat noong ihampas niya ang kamay sa may pintuan, sa gilid ng ulo ko. "Palagi mo na lang akong tinatakot sa tuwing wala ka sa tabi ko. Hindi mo ba alam iyon?" Nanghihina niyang sabi. "Damn. Don't you dare do that again. Don't you dare leave me again. Tell me, why did you make an abrupt decision like that huh? Tell me!" Galit niyang sigaw. Napahagulgol ako sa sigaw niya.
"Chantal is at the hospital. She needs you Wayne! She fucking needs you. Hindi kaya ng kunsensya ko na may napapahamak dahil lang sa atin. Wayne, hindi ko kaya." Tinakpan ko ang mukha ko sa takot na makita ang reaksyon niya. Inilagay niya ang noo niya sa noo ko na para bang kailangan niya ng suporta. Ganoon lang kami ng ilang minuto bago siya nagsalita.
"Damn it, tapos na ako doon Selena. Tapos na akong bitbitin ang kunsensya ko. Tapos na akong ipilit sa sarili ko na dapat kong alagaan si Chantal. Selena, ikaw ang mahal ko. Ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw ang gusto kong makasama. Hindi siya. Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa isang taong hindi ko naman kayang mahalin? Bakit ako makukunsensya kung alam ko namang tama ang desisyon ko? Selena, sa lahat ng desisyong nagawa ko, ang bumalik sa'yo ang pinakatama kong nagawa. Mahal na mahal kita. I will never go back, begging, asking for a chance if I didn't love you enough. I am fucking so in love, madly, deeply, so so much. Please don't let me stay away again, I beg you. I am scared to let you go. I am scared to give you up. Please don't give up on me. I am scared baby, I am so scared." He cried right before my eyes. And I melted in front of him. GOD! What did I do this time?!
BINABASA MO ANG
Someone Borrowed (Completed)
RomanceBACHELOR SERIES IV Selena Frances Dela Vega wanted her parents to reconcile. So when she was given the chance to be with her mother, she never wasted any time. She wanted a complete family. She promised they'll have one. She succeeded on that part...