*After 2 Months*
LIZZY
"Lizzy! Nandito na si bae!!"
Hahahaha kuya talaga nakiki-bae na rin.
"Eto na kuya wait lang.....!!!"
Bumaba na ako at nagpaalam na kay mommy at kuya. Si ate wala eh. May lakad yata.
"Gorgeous."
"Sus lagi naman bae eh tara na hehe"
Nagkwentuhan kami habang nasa byahe. Kumanta rin kami. Pupunta kasi kami sa bahay nila. Nakapunta na ako rito pero ngayon ay birthday daw ng mommy niya kaya magfafamily dinner. Nakarating kami doon at dumiretso kami sa dining. Doon nakita ko ang parents at ibang tita at tito ni Jayzen. Konti lang kami dahil sa ibang bansa raw ang ibang relatives niya.
Kwentuhan, tawanan ang nangyari sa dinner. Pinupuri rin nila ako. Ang ganda raw ng taste ni Jayzen. Buti naman, nahihiya kasi ako baka ayaw nila ako. Im cool naman with his parents actually sa lahat ng nakilala kong relatives niya. Mabait ang pamilya nila, really.
"Hija, pwedi ba kita kausapin muna?"
"Sure po... Bae maguusap lang kami ni tita ah"
Sinundan ko siya at nagpunta kami sa backyard nila.
"How's school?"
"Okay lang naman po hehehe.."
"That's nice. Well hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."
Kinabahan naman ako doon pero hindi ako sumagot. Hinhintay ko ang sasabihin niya.
"We'll migrate in Canada after Jayzen's graduation. Alam niya na ito kaya lang hindi siya pumayag. Yeah naiintindihan ko yun... Because of course you're here, darling. Ayaw niya talaga. Alam ko naman na kapag ayaw niya hindi ko mapipilit. I told him that long distance relationship is not that hard right? Pero ayaw niya parin. He'll stay here daw. Darling you can offer him long distance if that's okay..."
"T-Tita b-bakit hindi nalang po siya maiwan kung ayaw niya talaga..."
Naluluha ako.
"Tatlo nalang kami... And wala siyang kasama rito. Hindi namin siya mababantayan. At sabi ko nga tatlong nalang kami, siya lang ang kasamang anak namin kaya ayoko naman na mahiwalay pa siya... If you don't like long distance then better kung wala nalang"
"What do you mean po?"
"Break up with him... If you're selfish enough to watch him miss us, to watch him sad... Then don't ruin your relationship."
"No! Im sorry.. I can't. I won't let him go because I told him I'd never do that unless he cheats on me."
"Please, darling?"
Naluluha na ako. At hindi ko na napigilan iyon.
"No! No never! Im sorry Mrs. Orizal..."
"Hmm... Alright then." Tumango-tango siya. "Just tell me if you two were not together anymore... I need to buy one more ticket. Let's go inside. Please don't tell this to him... It's your decision, hija"
Tulala na ako hanggang sa maka-uwi. What will I do? I... I need Jayzen. After ilang years of suffering... I... I've been happy, truly happy because of Jayzen. I don't wanna be depress again. God, please help me. Mahal na mahal ko siya.
Mas mahal mo ba ang isang tao kapag pinakawalan mo siya... O mas mahal mo ba siya kapag hindi mo siya binitawan dahil mahal mo talaga siya?
Damn... Tulungan niyo ako.
To be continued...
Thanks <3
BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Teen FictionLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...