Casidee Yl Benitez.
Nilabas niya na si Mimi at kinausap nang kinausap. Hindi ko talaga mapigilang isipin kung baliw ang lalaking ito. Nandito naman ako para kausapin niya kaso, wala lang. Hindi pa rin ako kausapin. Hindi niya maramdaman na nandito ako.
"Oy pugita!" tawag ko sa kanya.
"Bakit?" yun lang ang sinabi niya.
"Kausapin mo naman ako." sabi ko.
"Ay. Nandiyan ka pala. Hindi ko alam." yung tipong kanina ka pang nandito tapos hindi ka pinapansin masarap pong pumatay, promise! (-___-) Tumayo na lang ako at umalis.
"Friends daw tapos hindi man lang ako kausapin. Kung tahiin ko kaya bibig niya. Kunwari friends. Mas weird ka a sakin!" pagmumukmok ko habang bumababa sa hagdan.
Nakita ko si Renz at Yexa magkasama. Ang saya nila. Parehas silang nakangiti sa isa't-isa. Yieeee! New love life si bestfriend. Ako kaya? Chos! Imposible. Hindi ko na sila inistorbo. Nagpatuloy na lang ako s paglalakad.
Nakaabot ako sa garden ng school. Mahangin doon at maganda ang view kaya masarap tumambay. Naupo ako sa may bench. Pinapanood ko lang ang mga soccer varsities maglaro. Napansin ko ang lalaki mula sa di kalayuan. Natural blonde ang buhok niya. Nakita kong nag-time out siya at palapit sa direksyon ko. Napansin ko yung mga mata niya. Light blue.
Naalala ko na. Nag-init ang dugo ko. Yun ang mga matang naglalaro sa apoy. Ang matang dapat hindi pagkatiwalaan. Agad akong tumayo at tumalikod.
"Miss! Sayo ba ito?" sigaw niya mula sa likod ko. Napahawak ako sa kamay ko, naiwan ko pala ang bracelet ko.
Bakit ba ako pinanghihinaan ng loob?
Bakit ba ako natatakot sa kanya?
Matagal ko na siyang kinalimutan.
Huminga ako nang malalim at determinadong lumapit sa kanya.
"Yeah. Akin yan." Ibinigay ko ang pinakamaganda kong ngiti. Gusto ko iparamdam sa kanya na sinayang niya ako. Agad akong tumalikod.
Sa wakas.
Nakaya ko siyang harapin nang nakangiti.
pero, bakit ganito?
Bumabalik lahat ng sakit.
Akala ko ba, ayos na ako?
Move on na ako.
pero, may luha pa ring pumapatak sa mga mata ko.
"Cas!" sigaw niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Gusto kong tumigil.
Para bang isang anghel ang tumawag sa akin ng Cas.
Ang nag iisang anghel na tumatawag sa akin niyan.
pero, namuo pa rin ang galit.
Tumakbo ako papalayo hanggang sa bumunggo ako sa isang matangkad na pader.
Masakit yun ha. Napahawak na lang ako sa noo ko. Napatingala ako. Hindi pala siya pader, si Rae pala siya.
"Hindi kasi tumitingin sa daan." sabi niya.
"Sorry ha." sarkastiko kong sabi. Ang hilig kasi manisi.
Ang moody talaga ng lalaking ito. Minsan mabait, minsan mataray, minsan weirdo, minsan childish. Ano ba talaga siya?
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Tiningnan niya ang mukha ko. Nakakailang.
"B..bakit?" Nanginginig kong tanong habang umiiwas nang tingin sa kanya.
"Umiyak ka ba?" Mahina niyang sabi.
"H..Hindi ah! B..Bakit naman ako iiyak? He..he..he." Sana hindi niya po mahalata.
"Liar." Pinitik niya ang noo ko. Agad din niya akong tinalikuran.
Wala akong masabihan nito.
Wala akong mapaglabasan.
Unti unting nadudurog muli ang puso ko.
Nanghihina ang tuhod ko.
Nauubusan ako ng lakas.
"R..Rae.." mahina at nanlulumay ang boses ko.
Lumingon siya. Mukhang nagulat siya sa nakita niya.
Si Casidee Yl Benitez, umiiyak.
Agad ko siyang niyakap.
"H..Hindi ko pala kaya. *hik* Akala ko tapos na. P..pero, bumalik siya..*hik* Naiinis ako. Nagagalit. P..pero.. *hik* M..mukhang, mahal..ko..p..pa siya." Humagulhol ako sa pag-iyak sa kanya. Siguro, basa na ang damit niya sa dami kong naiyak. Baka nandidiri na siya. Pero, hindi naman ata. Niyakap ako ni Rae. Isang yakap na ipinararamdam sa akin na iingatan niya ako. Yakap.na nagsasabing "Kaya mo yan."
-
Very short update.
Dito na magsisimula! Hahaha. Okay. :3
xxthisgirlsheartxx
BINABASA MO ANG
Ako "Daw" si MISS PAASA
RomanceWork hard. Play hard. In every game, you'll look for the winner. But in my game, I'm looking for the loser.