Chpt.3: His Confession

33 1 0
                                    

A/N: sana magustuhan niyo ^_^V

🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻

2 weeks later

Calypso's POV

Lunch break na at napagisipan namin na kumain na lang sa loob ng classroom since may baon naman kami. Tinatamad din kasi kaming bumaba ng canteen eh xD

"Pakshet! Kalimutan ko magbaon ng tubig!"-Suzy

"Samahan na kita. Bibili rin kasi ako ng maiinom eh."-Nana

"Ako rin!"-Kez

"Bilhan mo rin ako. Orange juice sakin."-sabi ni Jungkook at nagbigay ng bayad

"Ako naman apple juice."-sabi ko at nagbigay rin ng bayad

"Wow! Nangutos na eh noh! Hahahaha! Sige, una na kayong kumain at bibili lang kami ng maiinom natin."-Kez

Ng makalabas na sila, nagsimula na kaming kumain ni Jungkook. Habang kumakain kami, may naisip akong topic na DAPAT namin pagusapan.

"Uy wangko, kelan mo sasabihin kay Tee na gusto mo siya?"-tanong ko habang kumakain pa din.

Dahil sa sinabi ko ay nabilaukan siya kaya nagpapanic ako ngayon

"Tubig! Sinong may tubig?!"-sigaw ko habang nagpapanic

Habang nagpapanic ako may nakita akong tubig kaya kinuha ko ito at ibinigay kay Jungkook. Ininom naman niya kaya naging okay na rin ang pakiramdam niya.

Tumingin ako sa taong kinuhanan ko ng tubig.

"Ay! Sorry! Hindi ko sinasadyang kunin ang tubig mo!"-sabi ko kay Leah na ngayon ay tumatawa dahil sa kinikilos ko ngayon

"Nu ka ba Jade! Okay lang! May extra water pa naman ako dito eh. Kay Jungkook na lang yan dahil mas kailangan niya yun."-sabi ni Leah sakin at ngumiti

"Ahh.. Salamat na lang ha. Nakakahiya naman sayo."-sabi ko

"Wow! Kelan ka pa nahiya? Nakakapanibago ha! Hahahaha! De joke lang! At wala yun. Buti nga hindi ko pa naiinom eh"-sabi niya sakin at ngumiti na lang sakin

Ngumiti na lang din ako at bumalik sa kinauupuan ko.

"Bes, sorry ha kung nabilaukan ka ng dahil sakin."-sabi ko sakaniya at hinimas-himas ang likod niya.

"Wag mo kasing bigla inoopen up yung topic na yun"-sabi niya sakin at uminom ulit ng tubig

"Sorry na nga kasi. Curious lang naman ako eh."-sabi ko at tinigil ang paghimas sa likod niya

"Oo na. Basta wag mo ng uulitin ha?"-utos niya sakin

"Opo boss!"-sabi ko at sumaludo sakaniya

"So? Kelan?"-tanong ko habang kumakain ako

"Kelan ang ano?"-tanong naman niya sakin

"Kelan ka magcoconfess sakaniya?"-tanong ko sakaniya. Napatigil siya saglit at tumingin sakin.

"Mamayang dismissal. Sa rooftop."-sabi niya sakin at kumain ulit

"Mamaya na pala eh. Kaylangan mo ng tulong?"-tanong ko habang inaayos na ang lunchbox ko dahil tapos na kong kumain.

"Basta after ng resulta dapat nandun ka. Ikaw ang unang taong pagsasabihan ko kung anong nangyari mamaya sa confession ko."-sabi niya at nagliligpit na rin ng lunchbox niya.

"Oo naman! Mag aabang na ko ng balita mamaya noh!"- sabi ko at inayos na rin ang lamesa ko

Dumating na sila Suzy dala-dala ang drinks namin. Nagsimula na rin silang kumain at ako naman ay nagrereview dahil may quiz mamaya after lunch at si Jungkook naman ay nakikipagusap kala Mark.

Just A Rebound [BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon