Chpt.4: Aftereffect

71 1 0
                                    

A|N: sorry kung late na ko mag update la kasing net sa bahay ㅠㅠ pero naghahanap ako ng way para maka update so good luck na lang sakin XD

🔻🔻🔻🔻🔻🔻🔻

Calypso's POV

It's been a week since nung nireject ni Trinitee si Jungkook and I must say, the aftereffect isn't great. Masyadong affected si Jungkook na malaman niya na may boyfriend na si Trinitee and the worst thing is that ex ko pa ang boyfriend niya.

Nandito sila Suzy, Nana, at Kez sa bahay dahil Saturday naman ngayon meaning walang pasok. Kaming apat ay nasa living room habang si Jungkook naman ay nasa guest room at nagkukulong doon.

"Musta na pala si Jungkook?"-tanong ni Suzy

"Nakakapanibago naman yang kinikilos niya dahil sa school masayahin siya tapos pag nasa bahay waley lang. Ni isang salita galing sakaniya wala! Jusq ha."-reklamo naman ni Kez

"Ewan ko nga eh. Ni hindi nga ko kinakausap niyan. Pag uwi, deretso agad siya sa kuwarto tapos di man lang sumasabay sakin kumain kaya iniiwanan na lang siya ni Manang Faye ng pagkain sa harap ng pintuan ng kuwarto niya."-sabi ko sakanilang tatlo.

Nagulat naman kami ng biglang lumabas si Jungkook ng kuwarto at tumayo sa harapan namin.

"Bes, pwede mo ba kong samahan sa 7/11?"-tanong niya sakin

"Malaki ka na ha! Di ka na bata! Wai u still need meh?"-pagreklamo ko naman sakaniya

"Please?"-tumingin siya sakin na para bang di lang ang pagpunta sa 7/11 ang gagawin namin kundi may paguusapan pa kami.

Tumayo naman ako at nagpaalam kala Kez. Sinabihan ko sila na pwede sila matulog dito sa bahay dahil kanina pa nila ako kinukulit kung pwede sila matulog dito.

Lumabas na kami ni Jungkook at dumeretso na ng 7/11. Bumili siya ng dalawang C2 at pumunta na sa counter para magbayad. Lumabas na kami para umuwi ng bigla siyang magiba ng direksyon.

"Uy! Dito ang way papuntang bahay hindi diyan!"-sigaw ko sakaniya dahil malayo siya ng onti sakin.

"Wag muna tayo umuwi! Punta tayong park!"-sigaw din niya sakin.

Lumapit na ko sakaniya para wag na kami magsigawan at baka mabulabog namin ang mga natutulog na XD

"Eh wala ka ng makikita dun! Gabi na oh! At baka may manyak dun at kung ano pang gawin sakin nun noh! Ayoko nga!"-sabi ko sakaniya at nag cross arms ako.

Tumawa naman siya. "Ikaw talaga kung anong pumapasok diyan sa utak mo. Basta kung may manyak man, alam mo naman na lagi kitang proprotektahan diba?"-sabi niya sakin. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sakin.

Ewan ko kung bakit pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Luh! Baliw na din pala tong puso ko at bigla bigla na lang tumitibok ng mabilis XD

Naglalakad na kami papuntang park dahil nga gusto ni Jungkook na dun muna kami. Di naman masyadong madilim dahil may mga street lights naman.

Nandito na kami sa park at napagisipan ko na dun kami umupo sa swing. After namin makaupo binigay niya sakin yung C2 at binuksan namin sabay ito para makainom.

"Bakit mo naman napagisipan na dito muna tayo magstay? May 'something memorable' bang nangyari dito?"-tanong ko sakaniya habang nagsiswing ako.

"Malilimutin ka na talaga bes."-sabi niya sakin at tumawa lang.

Tumigil naman ako sa pagswing. "Luh! Bakit naman?"-tanong ko sakaniya.

Binatukan naman niya ko at tumawa. "Hindi mo ba naaalala? Dito mismo sa park na toh, sinabi mo sakin na may gusto ka sakin."-sabi niya at tumingin sakin.

Just A Rebound [BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon