Chapter 67
Hope's POV
Bumalik kami ni Bryle sa barkada, nandoon na din si Enzo at Mico. Hindi ako makatingin sa kanila, si Miks naman naramdaman pagkaawkward kaya biglang nagsalita—
"Ewan ko ba sa inyo, nandito tayo para magsaya tapos kayong lahat ang awkward. Seryoso bang ganyan niyo gusto icelebrate tong anniversary niyo? Sorry ha, magiging taklesa na ako dito, magiging honest na ako, pero baka nga ito na yung last anniversary ng Tres Gwapitos, tapos ganyan pa kayo? Seryoso ba kayo?!" Lahat kami natahimik sa sinabi ni Miks. Napatingin ako sakanilang lahat.
"Sorry." Sabi ko, lahat sila natigilan. "Sorry gumugulo ang lahat dahil sa akin. Sorry ang awkward ng lahat dahil sa akin. Pasensya na."
"Tama na nga 'to. Guys, tama na. Para tayong mga sira eh, dapat nageenjoy tayo. Dapat cinecelebrate natin yung friendship nating lahat. Wag na tayong magaway away, wag na tayong awkward. Bago tayo maging lovers, lahat naman tayo magkakaibigan, kaya ganon na lang gawin natin." Sabi ni Venice. Pinalapit niya kami para sa group hug, kaya lahat kami lumapit at niyakap ang isa't isa. Katabi ko si Bryle sa left, si Chelsea sa right. Kaharap ko naman si Mico at Enzo. Matapos naming maggroup hug, niyakap ni Mico si Enzo at sinabing...
"Sira ulo ka, Gutierrez, tingnan mo kung gaano kasaya 'to. Hindi ka pwedeng bumitaw okay? Lumaban ka. Labanan mo yang puso mo."
"Aha! Alam ko na!" Biglang sinabi ni Venice tapos may binulong siya kay Chelsea, si Chelsea naman mukhang naexcite tapos tumakbo sila sa loob ng building kung saan kami nagstastay.
"Anong nangyari don?" Tanong ni Miks, lahat kami nagkibit balikat. Maya maya pa dumating na sila na may dala dalang colored papers at mga ballpens.
"Nagpapakuha na lang kami ng bote kina Ate at Kuya sa loob, in the meantime, ito oh mga papers." Tapos isa isa nila kaming binigyan. "Meron kayong 6 papers each, ibig sabihin bibigyan niyo ang lahat ng mga messages tapos ilalagay natin yan sa mga bote na pinapahingi namin kila Ate tapos ibabaon natin sa tree. And next year, lahat tayo babasahin natin yung mga messages natin. Hindi ba? Mas exciting." Explain ni Chelsea. Lahat naman kami napangiti, ang daming pasabog talaga ng dalawang 'to.
Nagsimula kaming magsulat lahat doon. Walang umiimik, maya maya napansin ko lumuluha na si Venice, tapos si Bryle, si Mico at Enzo habang nagsusulat. Napatawa ako bigla, minsan sira ulo talaga ako.
"Bakit ka tumatawa?" Iritang tanong ni mico.
"Kasi naiiyak kayo eh. Sorry. Natawa ako." Pahiyang sagot ko. Noong napahiya ako lahat naman sila tumawa.
"I'm sorry that I'm putting you guys through this roller coaster emotion. I really can't help that I'm dying." Lahat naman kami nitigil sa sinabi ni Enzo. Ayan na naman siya.
"Don't stop me, please. Don't stop me from saying that I'm dying. I need to say it again and again. Because... Sometimes... I really can't accept that I'm dying. Whenever I'm with you guys, I want more time. I need more time. If I can bargain my soul for more time with you in this world, I will. You guys are the best people I've met, and I'm thankful for having you beside me through all of this."
Si Venice sobrang umiiyak na, actually halos lahat. Pero nandito ako, pigil na pigil. Ayokong umiyak. Ayokong makita niyang nasasaktan ako... Pero... Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti, at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang ako bumigay.
Paano kung yan na yung huling ngiti na makikita ko sa kanya?
"It's okay to cry, Hope. I know you've been really strong, and I can't thank you enough for that." Lumapit ako sakanya tapos niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
Любовные романыNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...