NINE
"Mga bata nga naman ngayon," Buntong-hininga at iling-iling na sambit ng Lolo ni Arsen.
"Asus, makapag-salita naman ay parang hindi ganyan noon. Nako, kung alam niyo lang ay magbest friend kami nito dati." Biglang umaliwalas ang paligid marahil sa pagbibiro ni Lola kaya natawa kaming lahat.
"Ay nako, mahiya ka nga, Carmela." Sabi naman ni Lolo kaya mas lalo kaming natawa.
"Sandali, asan ba ang parents mo, Sel?" Tanong ni Tita na ikinataka ko.
"Ah, tatawagin ko na lang po." Sambit at tatayo na sana nang pinigilan ako ni Tito.
"Hindi na, wag na, Sel. Dito na lamang kayo ni Arsen para magkaroon naman kayo ng oras. Tara na ho, Mom, Dad. Iwan na po muna na'tin ang dalawa." Ani Tito at tumayo.
"Asan ba ang mga magulang mo, Hija?" Marahang tanong ni Lola. Tumulong ako para alalayan siyang tumayo dahil medyo mahina na ito.
"Ihahatid ko na po kayo," Sabi ko at inalalayang maglakad si Lola. Nasa unahan kami at sumu-sunod sina Arsen sa likod na'min. Kinakausap naman ako ni Lola habang naglalakad kami.
"Alam mo, gustong-gusto kita. Nakikita ko ang kabaitan mo at maganda ka pa," Ani Lola at tumawa. Tumawa rin ako ng bahagya at sinagot siya.
"Nako, hindi naman po, Lola. Kayo nga po itong maitsura pa rin," Pagbibiro ko. Tumawa siyang muli.
"Wag mo akong bolahin, Sel. Baka maniwala ako," Aniya na ikinatawa na'ming dalawa.
"Dito na po tayo, sandali lang po." Sabi ko nang makalapit kina Mama at Papa.
"Ma, Pa, parents at grandparents po ni Arsen." Pagkuha ko sa atensyon nina Mama at ipinakilala ang myembro ng pamilya ni Arsen. Tumayo sina Mama at Chiv.
"Ay, magandang gabi ho! Maupo po kayo at mag-usap tayo saglit," Masiyang anyaya ni Mama. Ipinaghila ni Papa ng upuan si Lola at si Chiv naman kay Lolo. Nagsi-upo na sila matapos magbatian.
"Nakakatuwa naman kayo, manang-mana nga itong si Sel sa inyo. Kapatid mo ba si Sel?" Tanong ni Lolo kay Chiv. Bahagyang ngumiti si Chiv at naglahad ng kamay kay Lolo upang magmano.
"Opo, Chivalry North po." Sambit ni Chiv at nagmano kay Lolo. Tumawa ito at tuwang-tuwang itinuro sina Mama.
"Maganda ang pagpapalaki niyo sa mga anak niyo. Makisig at maganda pa!" Ani nito at tumawa. Ngumiti sina Mama at Papa.
"Salamat po, pero hindi naman po na'min kontrolado ang utak nitong mga anak na'min. Pero tama nga ho kayo, mababait ang mga ito." Proud na sagot ni Papa na ikina-ngiti ko. Natuwa naman sina Lola sa isinagot ni Papa.
"Manang-mana nga sa inyo," Sambit ni Tita habang naka-ngiti.
"Itong binata, nakakatuwa rin gaya ni Sel." Tuwang-tuwang sambit ni Lola.
"Eh, sino ba ang mas matanda sa inyo?" Tanong ni Tito.
"Kambal po kami," Sabay na sagot na'min ni Chiv kaya nagkatinginan kami at ngumiti.
"Pero mas matanda po ako ng limang minuto," Dagdag ko at bahagyang tumawa.
"Ay, nakakatuwa naman kayong dalawa." Masayang sabi ni Tita at pinagmasdan kami.
"Eh, magkasundong-magkasundo 'yang dalawa! Hindi na mapag-hihiwalay 'yan." Ani Papa at tumawa.
"Gano'n ba? Eh, may girlfriend ka na ba, hijo?" Tanong ni Lolo. Ngumiti si Chiv at umiling.
"Wala pa po akong balak," Aniya. Sabay-sabay na ngumiwi sina Tita at tumawa naman sina Mama.
"Hindi nga maitatago ang pagkapareho niyong magkapatid. Nakakatuwa," Komento ni Lola at tumango-tango.
"Oh, Arsen? Ano pang hinihintay niyo ni Sel?" Takang tanong ni Tito nang namataang hindi pa kami umaalis. Nagtaka naman sina Mama at Chiv.
"Oh, Chivalry, kumalma ka muna, ha? Hayaan mo munang maka-usap ng birthday boy ang muse niya." Masiglang sabi ni Lola. Napatungo ako sa kahihiyan.
"Ayos lang, just take care of her." Banta ni Chiv.
"Makaka-asa," Sagot ni Arsen at inayos suit. "Tito, tita, pahiram lang po saglit kay East, ha?" Pagpapaalam niya kina Mama. Pinalo ko ang braso niya kaya tumawa sina Lola.
"Sige, ingatan mo ang prinsesa na'min." Banta rin ni Papa. Napa-iling na lang ako.
"Oo naman po, dapat lang!" Sang-ayon ni Ars. Tumango-tango na lang si Mama at iminuwestrang umalis na kami. Naglakad na kami palayo at rinig pa na'min ang halakhak mula sa table na nilisan na'min.
"Nakakatuwa talaga ang pamilya mo, East." Biglaang utas ni Ars.
"Alam ko," Sambit ko at ngumiti. Inalalayan niya ako sa paglalakad nang marating na'min ang baku-bakong parte ng garden. Hindi alam kung saan kami pupunta pero maraming bumabati sa kanyang kakilala na sinisikap niyang hindi tagalan ang pag-uusap.
"West, it's okay. I can wait. Kausapin mo kuna ang mga bisita mo," Marahang sabi ko. Nilingon niya ako at sumimangot.
"But I can't wait. We can talk next time. 'Wag lang ngayon, hindi ko rin kailanmang motto ang paghintayin ang babae." Sagot niya na nakapagpa-ngiti sa'kin. Umiling na lang ako at dumiretso kami sa gazebo ng garden na may disenyo.
"Look there," Ani Arsen at itinuro ang langit. Napatingin ako doon at namangha. Hindi ganito karami ang mga bituin noon! Naalis lang ang tingin ko doon nang may naramdaman akong malamig sa wrist ko. Napatingin ako doon at nakita ang bracelet na may bituinh nakalawit. Binaling ko ang tingin ko kay Ars nang may halong pagtataka ngunit nginitian niya lang ako.
"I took the star for you," Banat niya. Gulat kong tinignan ang manipis na bracelet sa kamay ko. Ang ganda nito at mukhang mamahalin!
"A-ars, it's your birthday." Sambit ko. Ngumuso siya at nagkibit-balikat.
"Masama ba'ng maalala ang pinaka-importanteng best friend ko sa'kin? That's a friendship bracelet," Aniya at ipinakita ang wrist niya na may suot ring ganito. Napangiti ako. Kung anong gusto ni Arsen, 'yon ang gusto niya. He's so persistent.
"You wouldn't like it if I didn't accept this, right?" Tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango.
"It's my birthday. You'll definitely ruin my day if you're going to reject that," Sambit niya. Ngumuso ako.
"Pakiramdam ko ako 'yong may birthday," Natatawang sabi ko. Lumaki ang ngiti niya.
"That's good then. Because we'll always share the spotlight. That's what are best friends for, right?" Dahan-dahan akong tumango at niyakap siya. Close talaga kami nito, para na kasi siyang si Chiv sa'kin.
"Salamat, happy birthday ulit, West." Sabi ko at humiwalay na sa yakap. Tumikhim siya at nginitian ako.
"I really like it when you call me 'West'," Sambit niya. Kumunot ang noo ko.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.
"East-west, bangko na lang kulang!" Pagbibiro niya at tumawa. Tumawa rin ako, birthday niya, eh. Joke. "Biro lang, syempre. Pakners in crim tayo, 'di ba?" Tanong niya.
"Oo naman!" Sagot ko at kinindatan siya. Ang swerte ko talaga na may best friend akong kagaya niya na sweet hindi gaya ng ibang lalaki, iniisip na ang corny ng mga gano'ng tipo ng lalaki. Ah, basta. Hindi ko kakayanin pagnawalan pa ako ng isang best friend.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomanceI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...