Chapter 23-- Annoying Aldrich

154 8 3
                                    

Chapter 23-- Annoying Aldrich

Kamille's POV

"Hi Baby!" Sabi ng kuya ko sabay talon bigla sa kama ko. 

"Kuya naman eh. Inaantok pa ko." Naiinis kong sabi saka tinaklob ang unan sa mukha ko.

"Eh Baby, kanina pa naghihintay si Aldrich doon sa baba." 

"Ah, si Aldrich lang pal--ANO?!" Bigla akong napaupo dahil sa sinabi ni Kuya Ken.

"Kuya, ano uli?" 

"Kanina ka pa hinihintay ni Aldrich. Kaya bumangon ka na Baby." Akala ko kanina nananaginip lang ako pero mukhang hindi pala. Nagulat naman ako bigla. Bakit nandito si Aldrich? Anong kailangan niya? Paano niya nalaman bahay ko? Paano siya nakilala ni Kuya?

"Kuya nasaan sila mommy? Saka si Dad? Kuya hindi ko po boyf--" Sobrang kinabahan ako dahil sa biglaang pagdating ni Aldrich. Baka mamaya kung ano na ang sinabi niya kay Kuya eh.

"I know Kamille. Wala dito sila mommy, good for you." Hinawakan naman ni kuya ang ulo ko saka ginulo, "Masyado kang kabado eh. Sige na mag-ayos ka na." At saka siya tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.

Pero nang nasa pintuan na siya ay lumingon pa siya sa'kin, "Malaki ang tiwala ko sa'yo Baby. Alam kong good girl ka." Saka niya ko nginitian at patuloy na lumabas ng kwarto ko.

Naguguluhan tuloy ako sa inasal ng kapatid ko. Bakit ba siya kampante masyado kay Aldrich? Bakit parang hindi niya man lang ako inusisa kung saan at kailan ko nakilala si Aldrich? Ano bang nangyayari?

Inabot ko naman ang cellphone ko na nasa bedside table at saka tinawagan si Aldrich..

["Hello Kamille."]

"Bakit ka nandito ha?! Anong kailangan mo?! Anong sinabi mo sa kapatid ko?!" Naiinis kasi ako sa kanya. Parang pakiramdam niya yata ganoon kami ka-close at nagpunta pa siya dito. Noong una bigla niya ko hinila sa Parking Lot ng school at dinala kung saan. Ngayon naman bigla bigla siyang nandito sa bahay namin. Napansin ko naman na hindi siya umimik sa sinabi ko.

"Okay sorry. Nagulat lang ako. Bakit ka ba nandito? Alam mo bang kakagising ko lang?" Dagdag ko pa.

["Hihintayin na lang kita bumaba. Sige na bye."] Saka niya ako binabaan ng telepono. Nakakainis lang. Ang sama tuloy ng gising ko.

Wala na akong ibang choice kundi ang maligo at mag-ayos. Pambahay lang ang sinuot kong damit dahil dito lang rin naman ako magsstay at hindi ko rin naman kailangan pang masyadong mag-ayos. Hindi ko alam kung ano ang pinakain niya sa kuya ko at napapayag siyang papasukin siya rito. Isa pa, ang lakas naman ng loob niya? Basta. Naiinis lang talaga ako sa kanya.

**

"Anong mukha 'yan Kamille?" Sabi naman ni Kuya sa'kin. Alam ko na seryoso siya sa sinabi niyang iyon dahil 'Kamille' ang tinawag niya sa'kin. 

Halos magdabog naman akong bumaba ng hagdan at nag-straight face na lang hanggang sa makarating ako sa sala.

"Ano bang ginagawa mo dito Aldrich? Please wala ako sa mood." Wala na talaga akong gana pang makipag-usap sa kanya. Isa pa, inaantok pa ako.

"Kumain ka na muna Baby." Bigla naman akong hinawakan ni Kuya Ken sa likod at inalalayan ako papunta sa kusina para kumain. Binilisan ko na lang din ang kain ko dahil wala na rin akong gana at kahit naman ganito ako eh nahihiya pa rin ako dahil baka mainip si Aldrich sa akin.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon