Dedicated to Pinkeulicious
Thanks sa pag-VoMment. :)**********
Chapter 4
Hindi Nakita
Kasalukuyang siniset-up ang stage para sa pagtugtog naming magpipinsan. Kaming dalawa ni Craig ang kakanta. Sina Kuya Yale, Wayne, Earl at Eli naman ang tutugtog.
Tumutugtog din pala talaga sila paminsan-minsan sa mga resto, bar at bistro gaya nito. Para na rin silang banda pero wala namang opisyal na pangalan ang grupo nila. Anila'y sikat na raw sila bilang sila kaya hindi na kailangan pa na pangalanan ang grupo nila para makilala o sumikat.
Umakyat na kami sa stage. Si Wayne sa drums, si Eli ang sa guitar, si Earl sa bass, at si Kuya Yale naman sa saxophone. Pumwesto naman kami ni Craig sa unahan malapit sa microphone.
Kitang-kita ko mula rito ang mga babaeng halos mangisay na sa kilig dahil sa presensiya ng mga pinsan ko. Mayroon ding grupo ng lalaki doon sa kanan na malagkit kung makatingin sa direksyon ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at itinuon na lamang ang atensiyon ko kay Craig na ngayo'y nagsasalita na pala.
"Good evening ladies and gentlemen!"
Pormal ang ginawang pagbati ni Craig ngunit sinabayan niya iyon ng mapaglarong mga ngiti, dahilan kung bakit nagsitilian ang ilang mga babae roon.
"Matagal-tagal na rin simula noong huling beses na tumugtog kami rito, diba?" Tanong ni Craig sa mga nanonood. Tilian lamang ang naging sagot ng ilan sa kanila. Tumawa lamang itong malandi at 'famewhore' kong pinsan. 'Yong tawang parang nang-aakit. Ngayon pa lang ay alam ko na na isa siyang flirt at playboy. Parang si Clyde lang.
"Siguro ay nagtataka kayo kung sino 'tong babaeng kasama namin ngayon. Well, let me introduce her to all of you." Ani Craig at inakbayan ako.
Kitang-kita ko ang matatalim na titig ng mga babaeng iyon sa akin. Can't they see the resemblance of the two of us? We're cousins for Pete's sake! Calm down, Ilona Angelique. Hindi nila alam.
"She's Ilona Angelique Fontana. Fontana, aright? This is our cousin kaya girls, kalma. Huwag ninyo siyang titigan ng ganyan." Pakilala ni Craig sa akin.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mga babaeng iyon. Mula sa matatalim na titig na ibinigay nila sa akin kanina, ngayon ay may malalawak na ngiti na sila. What a bunch of low-class bitches!
"So, enough with the introduction. Hope you'll like this song."
Nagsimula ng tumugtog ang mga pinsan ko. Sinimulan na rin ni Craig ang pagkanta sa first verse ng kantang napili niya. Ako naman ang nagsilbing second voice niya.
"I got it, I got it
The note you gave when you left
Still got it, still got it
Lying exactly where you left it."Sa parteng ito ay sinenyasan ako ni Craig na ako naman ang kakanta.
"My heart broke in two
There was no super glue to mend it, yeah.""Aww, my cousin's broken. Don't cry, couz." Pangangantiyaw niya sa akin sa kalagitnaan ng aking pagkanta. Tumawa naman ang ilan sa mga audience at ang mga pinsan ko. Sumenyas lang ako ng dirty finger bago ipinagpatuloy ang pagkanta. Tumawa lang siya roon.
"Yeah, I was stuck on you
Didn't know how to end it, yeah, yeah, yeah."Sinabayan niya akong muli sa pagkanta sa parteng ito.
"You are my fifth, fourth or third, second's not the word
You are my first, my first, my first true love
Sad to say to this very day
You're still the one I'm thinking of
'Cause you're my first true love."Kumanta muli ng mag-isa si Craig at sinabayan niya pa iyon ng pag-adlib. Tumili naman ang ilang mga babae sa ginawa niyang pagpapa-cute. Iginala ko naman ang mga mata ko sa baba, sa mga nanonood. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o kung totoong nakita ko talaga siya. Ibinalik kong muli ang paningin ko sa direksyon kung saan ko siya nakita, sa may pintuan. Namalik-mata nga lang siguro ako dahil wala namang tao roon.
Sumenyas muli si Craig. Ako naman pala ang kakanta ng parteng kinanta niya kanina. Siya naman ang magsisilbing second voice.
"I need to surf 'cause it's killing me
No one to hurt, love is leaving me
I'd rather sing than be crying over you
I never felt this blue."Inulit muli namin ang chorus part ng kanta. Kinanta namin iyon ng sabay at with 'actions' pa. Sinakyan ko na lang ang trip niya para naman hindi siya mapahiya.
"'Cause you're my first true love."
Pagkatapos ng linyang iyon ay nagpasalamat muna kami bago bumaba sa stage. Nagsipalakpakan naman ang mga tao roon. Mayroon ding tumili at sumigaw ng bawat pangalan namin. Oo, namin. Pati sa akin ay mayroon na rin.
Sabay-sabay kaming bumalik sa table namin. Sinalubong pa ko ng yakap ni Suzanne at binigyan ng papuri.
"Hindi ko alam na magaling ka palang kumanta. Ang ganda ng boses mo, Illy!" Sinabi ni Suzanne sa akin. Tumawa na lamang ako at nagpasalamat.
"Ako, Zane? Hindi ka ba nagandahan sa boses ko?" Natatawang tanong naman ni Craig. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Suzanne.
"Obviously, Zane's not impressed with your voice, Craig. So, shut up ka na lang." Natatawang kumento ni Eli.
Nagpaalam ako na pupunta muna sa restroom habang nagtatawanan at nag-aasaran sila. Hinayaan naman nila ako kaya dumiretso na ako roon.
Walang tao nang pumasok ako. Mabuti naman. Mas makakapag-isip ako ng maayos.
Nagtungo ako sa may lababo, sa harap ng salamin. Tinitigan ko ang sariling repleksiyon roon. Sinubukan kong kausapin ang sarili ko gamit lamang ang isipan ko habang nakaharap sa sariling repleksiyon.
Kailangan mo ng tigilan ang pag-iisip sa lalaking iyon, Ilona Angelique! Hindi na ulit kayo magkikita kaya mas mabuting kalimutan mo na siya. 'Tsaka ikaw na rin mismo ang nakipaghiwalay. Bakit hanggang ngayon ay sumasagi pa rin siya sa isip mo? Shake him off your mind, Ilona Angelique!
Tinitigan ko pa ng mas matagal ang sarili ko sa salamin bago nagdesisyong maghilamos. Sinulyapan ko rin ang aking relong pambisig habang pinupunasan ko ang basa kong mukha gamit ang tuyong panyo. Labing-limang minuto na ang lumipas simula nang pumasok ako dito sa loob. Lumabas na rin naman agad ako doon dahil baka magtaka na ang mga pinsan ko sa sobrang tagal ko.
"Bakit ang tagal mo, Illy?" Tanong ni Suzanne pagka-upo ko roon.
"Ah, may tumawag kasi kaya sinagot ko na muna bago bumalik dito." Pagsisinungaling ko. Bakit nga ba ako nagsisinungaling?
"Sayang hindi mo nakita si alas tres. Nandito siya kanina. Kaaalis niya lang din. " Ani Craig.
Alas tres? Iyong kapatid ni Ate Sab na pinsan din namin?
BINABASA MO ANG
Crossing The Devil's Line
Подростковая литератураIlona Angelique Fontana loves adventures and challenges. Wala sa bokabularyo niya ang kaibiganin si 'boredom'. Dahil si 'thrill' ang gusto niyang mapalapit sa kanya. Because of her obsession for adventures and challenges, nakahiligan niya ang pag-su...