Chapter 19

301 34 11
                                    

Irish's Point of View


"Attention, everyone must go to their Group Leader. Attention, everyone must go to their Group Leader", the teacher on speaker said.


Tumanaw ako sa mga katauhan at hinanap si Reign. Siya kasi yung group leader namin. Asan na ba yung babaeng iyun? Nag-CR nga lang naman ako eh nawala na pwesto namin.


Tiningnan ko isa-isa yung mga mukha ng mga kaschoolmates ko at agad ko nakita si Reign na kausap si Jayden. Tinawag nila ako at agad naman akong tumakbo patungo sa kanila habang dala-dala ko yung maleta.


"Eh? Bat lima lang tayo Reign? Asan ang pang-anim?",  tanong ko sa kaniya. Ang mga members ng grupo namin ay si Reign, Zeira, Jayden, ako at si Mike, kaklase ko siya at parang gusto ni Zeira si Mike. Natamaan siguro.


Ang nagpapataka, wala kaming pang-anim na na member. Sino kaya ang ipasali ni Reign? Umupo ako sa may gilid at naghihintay sa pang-anim namin na kasamahan.


"Here's our drinks", agad akong lumingon sa nagsalita. Kurt? Binigay niya yung isang plastik bag kay Reign. Teka, siya yung maging kagroupmate namin?


"Reign, bakit hindi mo sinabi sa akin na si Kurt yung pang-anim?", matalim ko siyang tiningnan. Bigla namang tumawa yang gaga habang hampas-hampas yung likuran ko.


"Eh kung sinabi ko yun sayo, malamang magagalit ka. Teehee", nakakaloka siyang ngumiti sa akin. Hays, nakakainis. Si Kurt pa? Paano ako neto?


Bakit siya pa? Waaaah, aasarin lang naman niya ako eh. Mas lalo na alam na niya na gusto ko siya. Matuturn-off yun sa akin kasi medyo pagkaclumsy ako kapag nasa camping. Tuloooong.


"All students. Go to your assigned bus. Stay as a group. Once again, All students. Go to your assigned bus. Stay as a group.", sabat naman ng teacher na nasa speaker. Agad naman kaming pumunta sa Bus 3.


Pumasok na kaming anim, at tumabi naman si Mike sa akin. Ayaw niya kasing tumabi kay Zeira. Nahihiya daw siya eh. At mas lalong hindi siya gustong tumabi kay Reign, mang-aasar yun.


"Tatabi muna ako sayo, Irish ah? Pasensya na", sabi niya at umupo na sa tabi ko. Tumango naman ako sa kanya at ningitian.


"Okay lang. Naiintindihan ko naman", sagot ko sa kanya  tsaka tumingin na sa bintana. Kukunin ko na sana yung head set ko nang nakarinig ako ng ingay.


"Kurt~ Tumabi ka sa akin!"


"Dito Kurt! Bakante pa dito!"


"Kyaaaah~ Papunta siya sa akin~!"


Tsk. Edi sila na ang tatabihan ni Kurt. Wala na akong pake. Kailangan ko nang i-let go tong feelings kong ito. Nakakainis na. Nakakainis na.


"Tabi. Dito ako uupo", may nagsalita sa tapat namin ni Mike. Agad naman akong lumingon sa taong yun. Si Kurt nanaman?

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon