" Eto na magiging kwarto mo Zoe." Tinuro na saakin ni Nay Ising yung kwartong tutulugan ko. Habang si Brian naman ay tumuloy sa kwarto niya. Doon daw siya lagi natutulog pag bumibisita dito. Aakyat pa ng isang floor para makarating sa kwarto niya. Pumasok kami sa kwarto. Modern style siya.
Bakit ganito? Kubo karamihan pero itong bahay lang na to ata ang sementado ..
"Nay Ising ...."
"o?" Sabi ni nay Ising na busy kakahanap sa remote ng TV sa kwarto ko ( wow, maka "ko" akin e XD )
" hindi naman po sa nangingialam, pero bakit po kayo lang yung sementadong bahay? Ayaw niyo ba ng kubo?"
"Ay naku 'nak, kubo din to dati! Eto kasing si Brian ayaw makitang ganito ang tinutuluyan kong bahay! Hindi daw niya matake! Ayoko man baguhin pero mapilit eh. Kaya pinaganda niya ng ganito."
WOW. So mayaman pala talaga yung maniac na yun?.. Nice , punta nga ko sa kwarto nun minsan tapos kunin ko wallet >:P
"Ayun nakita ko na din ! Oh Zoe, kung gusto mo manuod ng TV. at kung nagugutom ka ay pedeng pede ka bumaba. Osha sige na at ako ay magluluto para sa hapunan mamaya! Matulog ka na at magpahinga." Lumabas na ng kwarto si Nay Ising. Ako naman ay nakatulala at hindi pa rin lubos maisip kung bakit ako pumayag mag overnight. Hinubad ko ang wedge ko at kinuha ko yung tsinelas sa may pintuan sabay bagsak ng katawan ko sa malambot na kama! Ansarap naman iuwi nito sa bahay! Matutulog palang sana ako nang biglang may pumasok sa kwarto.
"AY ANAK KA NG! Hindi ka ba marunong kumatok?"
*toktoktok* Kumatok siya sa cabinet sa gilid niya.
"Tapos na. Bilisan mo, ayoko ng mabagal."
"edi mauna ka." pambabasag ko sakanya. Matapos niya ko dalhin dalhin dito,pagurin magrereklamo siya? tadyakan ko kaya to?
Lumapit siya at tsaka umupo sa kama katabi ko...
Sabay pulupot sa leeg ko yung braso niya at biglang.. IPIT!
"oo--ooy! di akooo makainga!!!"
"ETO DAPAT SAYO!!!"
"IRAU-O KA!!" (siraulo ka)
Tumatawa siya habang sinasakal niya ko, Sadista!!
"Kuyaaa Bayaan!" May sumigaw na mumunting tinig mula sa pinto papasok ng kwarto ko. Tumigil sa pagsakal sakin si Brian , ako naman pagkapiglas na pagkapiglas ay habol ang hininga ko at panay ubo! Parang totoong pananakit yung ginawa niya sakin! Langya to, kukulamin ko to!!
"VIVI?" Nabaling yung atensyon ko nang tawagin ni Brian yung bata. Ang cute ng bata , sa unang tingin parang manika! MY GULAY! Pati bata natatalbugan ang beauty ko!
"kuya bayan!!" Bayan? Noli De Castro?
"Vivi! Baby! Halikaaaa!" Sabay inistrech yung 2 kamay na parang nanghihingi ng yapos! Tumakbo naman ang bata at agad na kumalong kay Brian.
"Kamusta ang baby ko??, ummm bango bango!" Humagikgik lang ng tawa ang bata.
"VIVI! pinapagod mo ko kakahabol sayo! Halika nga dito!" hingal na hingal na sabi ni nay Ising na may matching kapit sa pinto.
"kuya bayan asan na yung barbie doll ko?"
"Wala! Pinagod mo si lola Ising eh! Kiss nalang ni kuyaa!"
"yawko! barbieee doll!" Habang nakikita ko sila parang ang sarap tuloy magkaanak ng gnyan kademanding at kagwapong asawa! Napangiti tuloy ako.
"Halika na vivi!" Hinila yung bata kay Brian. " Bumili na kayo, mamayang hapon ay sarado na yun dahil sa fiesta!" Tumango lang si Brian, sinuot ko na ulit ang wedge ko at nagpulbo.
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Dla nastolatków"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^