Chapter 1

627 28 4
  • Dedicated kay Yue
                                    

Lythrum ... (Sa tahanan ng mga Diyos at Diyosa.)

Kasalukuyang nagpapahinga ang dalawang Diyosa sa napakagandang hardin nila nang walang humpay ang paglalakad at hindi mapakali  ang Goddess of Life na si Li'fay.

"Kanina ka pa balisa diyan Li'fay, alam na alam ko kapag may itinatago kang lihim." tugon ni Euleaf ang Goddess of Destiny.

"Ah eh ... Kasi pakiramdam ko wala akong silbing Diyosa, wala akong silbi sa buong Lythrum. Di tulad niyo may nagagawa kayong maganda at kapaki-pakinabang." tugon ni Li'fay sa kaibigan.

"Wag mong isipin yun magkakasilbi ka din sa takdang oras, at pakiramdam ko malapit na ang oras na sinasabi ko."

"Tama ka! Euleaf, tulungan mo ako."

"Tulungan saan?" tanong ni Euleaf.

"Kanina lamang habang pinagmamasdan ko ang kabuuang daigdig napagtanto ko na nakakalungkot dahil tayo lang ang nabubuhay dito. Gusto kong lumikha ng mga nilalang."

"Posible naman yan dahil ikaw ang Goddess of Life pero kailangan mo pa rin ang suporta ng mga ibang Diyos at Diyosa sa Lythrum."

"Yun na nga tutulungan mo akong kumbinsihin sila a tulungan ako!'' masayang tugon ni Li'fay.

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga *Deva para sa ninanais isagawa ni Li'fay.

(*Note: Deva ang tawag sa mga may dugong  Diyos o Diyosa.)

"Pumapayag ako sa ninanais ni Li'fay. Bilang God of Death magkakaroon na rin ako ng pakinabang tulad ni Li'fay kung makakalikha siya ng mga nilalang na may buhay."

"Anong ibig mo sabihin Tyr?" tanong ni Li'fay sa Diyos ng kamatayan.

"Kung ang iyong ginagawa Li'fay ay magbigay ng buhay, ako naman ang tungkulin ko bilang God of Death ay kumuha ng buhay."

"Hindi! ayoko! wala kang kukunin na buhay sa mga nilalang na bibigyan ko ng buhay."

Naging mainit ang diskusyon nina Tyr at Li'fay kaya naman pinatigil na sila ng kanilang mga kasamahan.

"May punto si Tyr, hindi magpakailanman ay kayang mabuhay ng matagal ng isang nilalang kailangan din itong mamahinga kaya wag niyo na pag awayan yan. Li'fay pumapayag kami sa nais mo at maasahan mo ang tulong naming lahat."

Sinabi ni Li'fay na sa isang napakalaking lupa na walang naninirahang mga nilalang na tanging mga halaman at hayop lamang. Isang napakalaking lupa na hugis bulaklak ang nakita ni Li'fay kung saan maaaring manirahan ang mga nilalang na bibigyan nila ng buhay.

Pumitas sila ng mga iba't ibang uri ng bulaklak at binasbasan ng kakaibang kapangyarihan. Di kalaunan ay naging mga nilalang ang mga ito na may wangis sa kanilang mga Deva.

Nagtulong tulong ang mga Deva upang mapaganda ang kanilang mga likha. Ang dating lupa lamang noon ay isa ng napakagandang lugar ngayon.

"Wangis ito ng isang napakagandang bulaklak." tugon ng Diyosa ng Kalikasan.

"Ano ang ipapangalan natin sa mahiwagang lugar na iyan?" tanong ni Euleaf.

"Hmm isang wangis nang bulaklak at mahiwagang lugar... Mystic Flos!" sagot ni Li'fay.

"Kay gandang ngalan naman ng Mystic Flos, gustong gusto ko iyon! At ang tawag natin sa mga nilalang na naninirahan sa Mystic Flos ay Fleurs." dagdag na mungkahi ni Euleaf.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The World God Only Knows SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon