Pagkatapos kong matakot kanina sa lalaking nakaharap ko ay heto, nakaupo ako sa kama, takot na takot at siya naman ay nakatayo lang at mariin na nakatitig sa akin. Hindi pa rin mawala ang kabang pumuno sa sistema ko---for Pete's name! Nakaharap ako ng bampira!
"A-ano bang kailangan mo?" tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya para hindi ako mautal. Hanggat maari ay iniiwasan ko ang magtagpo ang mga mata namin dahil hindi ko kiinakaya ang intensidad ng pagtitig niya. "B-bakit ako nandito?" his intense glares...emotionless and blank expressions, nakakatakot.
"Dahil papakasalan mo ako." blangkong sagot nito kaya masama ko siyang tinignan at sisinghalan na sana pero nang magtagpo ang mata kong kulay tsokolate at ang pula niyang mata ay napairap na lang ako.
"Papakasalan?" kuryoso kong tanong sa kanya. Dahil ako mismo ay wala nag mahagilap na tanong dala ng pagka-intimidating niya.
"Wala akong oras magpaliwanag sa makitid ang utak. Someone will explain a thing for you, and you." tinaasan niya ako ng kilay, "wait for him." aniya at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya, ang manyak lang ng dating. "Then afterwards, let's do our honeymoon."
Nalaglag ang panga ko sa huli niyang nasabi. Ilang ulit pa akong napakurap-kurap bago ito tuluyang pumasok sa utak ko. Honeymoon? Fuck him. Masama ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Inabot ko ang unan na sa tabi ko, binato ko ito sakanya pero bago pa man siya matamaan ay napatili ako ng umapoy ito at naging abo.
Muling nabuhay ang takot ko nang makitang masam ang tingin niya. "No one dares to throw things on me."
Napatalon ako ng biglang bumukas ang malaking bintana at nahagip sa gilid ang makapal na kurtina. Sunod sunod na nagsi-apuyan ang mga pananglaw sa silid. Napatingin ako sa lalake pero wala na siya sa kanyang kinatatayuan.
"Huwow." hating-hati ang utak ko sa pagkamangha at takot.
Napatulala ako lalo nang mabigyan ng tingin ang buong silid. Mayroong tsiminea at kaharap nito ang mga silyang gawa sa kahoy. Kung ide-describe ko, mahihirapan ako dahil may mga kasangkapan dito na hindi ko makilala. Sa pagtingin ko ng silid ay may napansin akong kakaiba, hindi dahil sa apoy lang ang tanging ilaw kundi dahil kanina ko pa hinahanap ang pinto para makalabas pero wala akong nakita.
Walang pinto e kanina nung pumasok ang bampirang 'yun ay tumunog pa ito. "Tss." inis ko siyang minura ng ilang ulit at dahil sa ilaw ay medyo humupa ang takot ko na bumaba sa kama. Itinutok ko nalang ang mata ko sa bintana at muli akong napamura nang makita ang maliwanag na buwan at ang mga bituin na nagniningning. Tinakbo ko ito at sinalubong ako ng veranda. Baka pwede akong makatakas kung doon ako dadaan. Siguradong kasing nag-aalala na si mama kaya kailangan ko ng makatakas dito.
Nang tuluyan na akong nakaapak sa veranda ay nalaglag ang panga ko. Dahil ang taas ng kinatatayuan ko at kung tatalon ako ay siguradong patay. Napatingin ako sa kaliwa, puro puno. At sa kanan, puno rin.. Natutop ko ang bibig ko. "Holy shit! Nasa gubat kami?"
"Tama, nasa pinakapusod tayo ng gubat."
Napatalon ako sa boses na bigla nalang nagsalita sa likuran ko. "Yan lang ba ang tanong mo? ang sabi sa'kin ni Severus ay marami daw."
Hindi tulad nang isa kanina ay hindi nakakatakot ang boses nito. Kung boses ang pagbabasehan ay masasabi kong magkaedad kami. Uhm, Severus pala ang pangalan ng isang yun.
Binigyan ko ng huling sulyap ang gubat bago ko ito hinarap. Pero mas namangha ako sa mukha ng taong kaharap ko kesa sa gubat.
"Magandang gabi, Miss." humakbang ito papalapit sa akin at naglahad ng kamay. "Markus Lebonair."
Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ito pero masyaodo akong naakit ng kanyang singkit na mata. Inabot ko ang kamay niya. "B-bella." napatulala rin akon sa kulay abo niyang buhok.