-LYKA-
"Hoy hindi mo pa sinasabi yung totoong rason kung bakit ka tinatawag ni Andrei na babe! Kayo na ba?!" Sigaw ni Angelique. Ang ingay talaga mg bibig neto eh.
"Pwede ba manahimik ka nakakarindi eh." Sabi ni Trisha. Aaww bumalik na si Trisha sa dati.
"Ilan beses ko na sinabi sayo diba. Ikaw lang naman ang hindi na niniwala eh." Sabi ko sa kanya.
"Hay osha bala na. Basta promise mo na wag ka maiinlove dun. Sabi ni Jeff sa akin malakas sa babae yung dalawa." Sabi Angelique.
"Parang si Jeff hindi ah." Sabi ni Trisha. Oo nga naman hahaha.
"Ano ka ba as if namang maiinlove ako dun. Ngayon natutunan ko ng aral muna bago yang mga bagay na yan." Simpleng sabi ko sa kanya.
"Mabuti na yung sigurado." Sabi ni Angelique.
"Then Let's have a stupid rule! Kung maiinlove KAYO wag sa kanilang tatlo." Pinag diinan ni Trisha yung kayo.
"Teka bakit kami lang? Sa tingin mo ba hindi ka maiinlove kay Gilbert." Sabi ko kay Trisha.
"WHAT THE FUDGE! NO WAY! OVER MY DEAD BODY!" Inis na sigaw ni Trisha. Hahaha.
"Trisha alam mo namang hindi mo mapipigilan ang love." Pang aasar ko ulit sa kanya.
"Tsk. Nasa tao yun kung gusto mong pigilan mapipigilan pero kung gusto pinagpatuloy mo iyon edi bahala ka. Ano game ba kayo sa rule?" Tanong ni Trisha. Putik naiinis yata hahaha. Tiganan na lang natin.
"Sige game." Sabay namin Angelique.
"Ayos lang naman maiinlove di ko kayo pinipigilan pero wag sa kanila. Kasi KAYO lang ang masasaktan." Sabi ni Trisha. Gustong gusto niya siguro yung sinasabi yung KAYO. Palibhasa kasi di pa nag ka crush.
"Hey girls!!" Nakipag high five kami ni Angelique kay Gilbert. Tapos pinisil na man ni Gilbert yung pisngi ni Trisha.
"Hi Angelique. Musta umaga mo? Gumanda ba nung nakita mo ako?" Tapos kinindatan siya ni Jeff. Tsk. Yan na nga ba sinasabi ko eh pag napalapit ka na sa kanila hindi mo na kayang mapalayo pa sa kanila.
"Hi babe. Ang cute mo naman hahaha." Sabi ni Andrei.
"May kailangan ba kayo? May ipapagawa ba kayo? Kung meron sabihin niyo lang." Sabi ko sa kanila.
"Hahaha meron nga kaming kailangan." Sabi ni Gilbert.
"Ano naman iyon?" Sabi ni Angelique.
"Gusto ko samahan mo ako mamaya sa mall para bumili ng mga gamit sa bahay." Sabi ni Jeff.
"Gusto ko ngumiti ka at maging good mood ka everyday." Sabi naman ni Gilbert.
"Gusto ko ma solo ka buong araw." Sabi naman ni Andrei.
"Ano?! Alam niyo ba kung ano sinasabi niyo?!!" Sabay sabay na sigaw namin. Nawawala na ba sila sa pag iisip nila?!
"Ganyang ganyan din yung sinabi namin nung una niyo sinabi na kung pwede maging slave niyo kaming tatlo hahaha." Sabi ni Gilbert.
"Ano payag ba kayo?" Tanong ni Jeff.
BINABASA MO ANG
I Love Everything About You [On- Hold]
FanfictionKaya niya kayang tanggapin ako, kagaya ng pagtanggap ko sa kanya? ○~○~~○~○~○~○~○~○~○