-LYKA-
Baka sa susunod na malaglag ka wala ng sumalo. Be careful.
Baka sa susunod na malaglag ka wala ng sumalo. Be careful.
Baka sa susunod na malaglag ka wala ng sumalo. Be careful.
"Hoy! Kanina ka pa tinatanong." Binatukan ako ni Angelique.
"Ay sorry ano ba yun?" Andito kami ngayon sa loob ng kubo. Kakatapos lang kasi namin kumain. Ang bilis nga namin kumain eh.
"May gusto ka daw bang bilhin?" Umiling na lang ako. Busog pa ako. Ang dami kong nakain eh. Ang sarap tapos yung suman grabe ang sarap talaga.
"Ano ba ang iniisip mo at kanina kapa nakatulala." Sabihin ko ba? Sabihin ko na lang kaibigan ko naman ito eh. Kinuwento ko sa kanya yung mga ngyari.
"Seryoso?" Hindi makapaniwala si Angelique.
"Diba galit siya sa atin?" Tanong niya ulit.
"Yun ang hindi ko alam. Nag sorry nga siya diba. Sabi pa nga niya sa akin nabigla lang daw siya eh." Mahinahong sagot ko.
"Ano yun? May ng away ba sa inyo?" Napatalon kami ni Angelique sa gulat. Biglang sumulpot kasi si Trisha.
"Ah hindi ah. Walang ng aaway sa amin." Napatango na lang si Trisha.
"Asan yung tatlo?" Tanong ni Angelique.
"Ah tinutulungan yung kambal mag hugas ng mga pinag kainan. Nakakahiya naman daw kasi eh. Nakikain na nga daw sila hindi pa tutulong." Wow! Ang haba ng sinabi ni Trisha! For the first time!
"Ay ganun hahaha! Akalain mo marunong palang mahiya yung mga yun." Tumawa na kami. Hahaha oo nga noh.
"Gusto niyo ba may gawin tayo?" Tanong bigla ni Trisha. Tumango kaming dalawa.
"Tara mag lakad lakad tayo." Tumayo kami ni Trisha. At nag lakad lakad.
"Hoy hintay!" Napalingon kaming tatlo sa tumatawag. Ay ba't ba kasi kailangan humabol pa tong tatlong gwap- nevermind ang sinungaling ko naman kung sasabihin ko hindi sila gwapo diba.
"Saan kayo?" Tanong ni Gilbert.
"Sa bundok tignan namin kung may mall dun sa tuktok." Pamimilosopo ni Angelique.
"Sige tignan niyo ha. Tapos sabihin mo kung meron punta tayo." Sabi ni Gilbert.
"Ikaw mauna tignan mo. Tapos sabihin mo sa amin kung merong mall dun." Pamimilosopo ulit ni Angelique.
"Diba sabi mo kayo ang titingin bakit sa akin mo ipapa-" Hinampas ni Trisha yung bibig ni Trisha.
"Aray!" Napahawak pa si Gilbert sa bibig niya.
"Tsk. OA ang hina hina lang nun. Tara na." Na unang mag lakad si Trisha sumunod naman kami.
"Mag lalakad tayo?" Tanong ni Gilbert.
"Hindi lalangoy tayo. Ikaw try mo lumagoy sa kapsada baka umusad ka." Pamimilosopo ko. Pilosopo naman kasi talaga ako hahaha.
"Talaga bakit hindi mo itary lumangoy sa kalsa-"
"Di ka ba tayahimik?!" Hawak ni Trisha yung sapatos niya at dinuduro kay Gilbert.
BINABASA MO ANG
I Love Everything About You [On- Hold]
FanficKaya niya kayang tanggapin ako, kagaya ng pagtanggap ko sa kanya? ○~○~~○~○~○~○~○~○~○