Chapter 48

7 1 0
                                    

"Kuya, para!"

Napalingon si Isha sa babaeng bumaba at naagaw naman ng pansin nya ang lalakeng kakasakay lang. Napataas sya ng kilay ng makita ito.

"Ate, paabot naman oh," pabor ng babaeng katabi nya.

Kinuha ito ni Isha at saka dumukot rin sa kanyang bulsa. Papasok sya ng Academy at panatag syang hindi mal-late.

"Bayad ho!" Sigaw ni Isha.

"Ilan dito sa bente, isa lang?"

"Opo, palaging nag iisa, sanay na laging binabalewala."

Dahil sa sinabi ni Isha ay napatingin sa kanya si Jaxon. Kaya dumukot rin ito ng barya sa bulsa nya.

"Bayad ho!" Jaxon.

"Ilan to pogi?"

"Isa lang po,"

"Sandali lang yung sukli pogi,"

"Okay lang sanay na po ako,"

Napakunot ang noo ni Isha. Kahit kailan talaga, gaya gaya si Jaxon.

"Maghintay?" Tanong ni Isha.

"Tawaging pogi!" Ngiting ngiti nitong saad.

Napangiwi si Isha kaya napangisi si Jaxon.

"Siraulo!" She mouthed.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni Jaxon.

Medyo magkalayo ang dalawa kaya hindi narinig ni Jaxon ang sinabi ni Isha.

"Para po,"

Nagkaroon ng space ang left side kung asan sya nakaupo kaya nagkaroon ng pagkakataon kaya nagkapantay sila ni Isha.

"Para kang moon," Isha.

"Nice, pick up line. Bakit?

"Moontanga. Para po!" Sabay baba nito sa harapan ng Academy.

~

Dahil sa bagal ng paglalakad ni Jaxon at Isha ay 5 minutes silang nalate. Nangangapa silang pumasok sa pangalawang pinto kung saan ang likod.

Naabutan nila ang sermon ng bagong guro. Babae ito at dalaga pa.

Siguro ay kasing edad lang nito ang gurong si Mr. Ramirez noong unang beses itong nagturo sa kanila.

Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas ng umalis ito. Naging mabilis ang panahon at pare pareho silang naghahanda para sa entrance exam sa college.

At ngayon sa loob ng dalawang linggo, pang pitong beses na itong sermon ng bagong guro.

"Tumino naman kayo! Siguro kaya kayo iniwan ng dati nong adviser dahil dyan sa ugali nyo!" Sermon ng guro.

Napuno na ito dahil sa dumi ng classroom at ingay sa tuwing nagtuturo sya. Siguro ay ito ang pinakaunang beses na magtuturo ito sa mga estudyante. That's why other teachers call them, the worst section. Ito talaga ang ugali nila. Hindi nakikinig sa klase, kapag nakahanap ng tyempo tatakasan ka pa, papasok sa school pero hindi papasok ng room. Hindi nya ito maintindihan kaya ngayon ay galit na galit sya.

Nagulat ang guro ng tumayo si Kiara at lumabas ng classroom. Inaasahan nilang ibabagsak nito ang pinto pero hindi. Sinundan ng bagong guro si Kiara palabas at napasinghap ito ng makita si Xavier na syang Vice President na lumabas din.

Naguguluhang umupo sa kanya nilang pwesto si Isha at Jaxon.

Tatayo na sana si Kate ng bigla syang pinigilan ni Brayden.

"Oh bakit?"

"Secretary muna, pinakahuli ang muse uy!"

Hindi na sila nagulat ng makitang umiiyak ang guro. Niligpit nito ang gamit nya at saka lumabas ng classroom.

"One day, she'll understand. Hayaan na lang natin," Hailey.

~

Kinahapunan ay bumalik sa dati ang 4-F.

Tawanan dito, review doon. Harutan dito, pangb-bully doon.

Exam na nila kinabukasan at talagang ang iba sa kanila ay naghahanda na.

"Ang tanga ko! Bakit ba kasi hindi ko mamemorize lahat to?!" Napahilot si Chloe sa sintido nya.

"Dre, di ka tanga. May mga tao lang talaga na mahiyain ang brain cells!" Pangc-cheer up ni Kane.

Hanggang sa mag uwian ay pagod ang lahat na umuwi. Pagbukas ni Candy ng pinto ay ang kapatid na si Maxx ang bumunga sa kanya.

"Oh, bat nakasimangot ka? Panget ba araw mo ngayon?" Tanong nito.

Nakangusong tumamgo si Candy sabay hilata sa sofa nila.

"Okay lang yan, panget ka rin naman! Bwahahaha,"

Tiningnan nya ng masama ang nakatatandang kapatid. Akala pa naman nya ay papagaanin nito ang loob nya.

Inihiga ni Kiara ang ulo sa study table nya habang nakaharapa sa pinto. Nakita nya itong bumukas at inuluwa nito ang kapatid nya.

"Kuya, di ko magets yung math!" Sumbong nito sa kapatid.

"Di mo nagets yang inaaral mo? Itulog mo na lang yan,"

"Bakit? Mag-gets ko na ba kapag natulog ako?"

"Hindi! Pero atleast, di ka puyat!"

~

Ito ang unang araw ng exam nila. Si Mr. Torres at ang bagong guro ang nagbabantay sa kanila. Katulad ng dati, nag aantay nanaman ng himala ang iba.

"Find the x. kingina kasi e! Sinanay tayo ni sir na laging may value ang X!" Reklamo ni Isha sabay higa sa mesa nya.

Dumaan ang oras at last subject na nila na ie-exam ngayong araw.

Napansin ng bagong guro si Aiden at Jared na kanina pa nag uusap.

Lalapitan nya sana ito ngunit naunahan sya ni Mr. Torres.

"Ba't ka nangongopya?" Tanong ng guro sa dalawa.

"Ayoko na kasing nahihirapan ako. Gusto ko na maging okay. Kaya please hayaan mo na lang ako," nagd-dramang saad ni Aiden kaya napasapo sya sa kanyang noo.

Graduation na sa isang linggo pero hindi pa sya sigurado kung lahat ba sila makaka-graduate.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon